Chapter 43

8 1 0
                                    

One week after the Annual Dream Hunter Examination

Patuloy ang pagtunog ng aparato na nagpapanatiling buhay kay Veronica. Mababanaag sa mukha ng babae ang payapang pagtulog. Walang makikitang bakas ng anumang karamdaman sa kanyang itsura. Hindi siya namumutla at kita pa rin ang kanyang mapupulang labi. Sa kabila ng salamin na malapit sa higaan ni Veronica ay nakatayo si Rome at tahimik lamang na nagmamasid. Hindi man niya ipinapakita ay taglay pa rin ng kanyang mga mata ang kalungkutan sa nangyari. Bumabalik-balik sa isipan niya ang isang matamis na halik na ibinigay sa kanya ni Veronica bago siya nito patakasin sa maze. Hindi niya iyon malilimutan.

Maya-maya pa ay lumapit kay Rome si Prof Jay. "Wala po kayo sa office, Sir." Banggit ni Rome.

"Sorry, medyo may inasikaso lang ako." Pasubali ng propesor.

"Si Paula?" bahagya ang ngiting binitiwan ni Rome na tinugon lang naman ng propesor ng pagtapik sa likuran ng binata.

"Bagay kayo, Sir." Biro ni Rome.

"Kayo rin," tugon ni Jay sabay tingin kay Veronica.

"Alam ba ng mga magulang nila, Sir?" ang tinutukoy ni Rome ay ang pagiging Dream Guardian ni Veronica at ang totoong dahilan ng comatose nito.

"No," sagot ni Jay. "Pero ang Academy na ang sasagot sa mga hospital bills niya as long as it takes."

"An academy that only exists in a dream," pabirong wika ni Rome.

"Hoy, meron tayong HQ underground, remember?" ani propesor.

Napangiti lang ang dalawa sa kanilang pag-uusap. Sa kalagitnaan noon ay binanggit ni Rome kay Jay kung paano siya makakapunta sa Void upang mailigtas si Veronica.

"Yeah, tama si Jasper. Ang tanging paraan para makapunta sa Void ay kapag namatay ka sa panaginip bilang isang Lucid Dreamer. The problem is hindi ka na makakabalik ulit once na nakulong ka na sa Void." Paliwanag ni Jay kay Rome

"Ano po bang meron sa Void, Professor?"

"No one knows," tugon ni Jay. "But there is someone, the only one na nakapunta at nakabalik mula sa Void nang ligtas at nasa katinuan pa rin ang pag-iisip." Matatandaang may sasabihin sana ang propesor sa tatlo noong nagkaroon sila ng pagsusulit tungkol sa mga takot nila sa panaginip.

"Huh?" pagtataka ni Rome. "Sino, Sir?"

"Siya," sagot ng propesor nang nakatingin sa nakaratay na si Veronica.

"I don't understand, Sir."

"Yeah, me too. Hindi niya idinisclose sa academy kung paano siya nakapunta at nakabalik roon. But it's true. She did."

"Paano nangyari ito, professor?"

"Siya lang ang makakasagot niyan, Rome. Basta ang alam ko, nagtungo siya sa Void at limang araw siyang hindi nagising dito sa waking life. Sa ikaanim na araw, muli siyang bumangon at humingi ng tubig dahil uhaw na uhaw siya." Pahayag ni Prof. Jay.

"So, hihintayin na lang natin siyang gumising?" tanong ng binata.

"No, that's not the case. Nabanggit niya sa akin na hindi siya namatay sa Dream World noong magtungo sya sa Void. Kaya't ibang kaso ang nangyari sa kanya ngayon."

"I need to know how she did it, Sir." Pagpupumilit ng binata.

"Naiintindihan kita, Rome. But you cannot find answers by being compulsive." Hinawakan muli ng propesor ang binata sa balikat at sinabi, "Isa ka nang Dream Hunter ngayon, Rome. Try to make it count and make your own adventures sa Aurora. Maaaring makahanap ka ng sagot if you go deeper."

"But, Sir," nag-aalala si Rome na baka bigla na lamang tumigil ang pagtibok ng puso o kaya ay ang paghinga ng totoong katawan ni Veronica.

"She will be fine for now," assurance ni Jay sa binata. "Basta huwag kang tumigil sa paghanap ng kasagutan kung paano mo siya mapupuntahan sa Void."

"Paano, Sir?"

"You will figure something out. You're smarter than you think, Rome." Wika ng propesor at pagkatapos ay iniwan na nito si Rome na noon ay nakatayo pa rin at nakabantay kay Veronica. Namumutawi sa isip ng binata kung paano ba niya ito gagawin at kung saan siya dapat magsimula.

Ilang araw rin ang lumipas na hindi gumamit ng Dream Perfume si Rome. Hindi pa siya handang managinip muli dahil sa mga nangyari. Isa na siyang ganap na Dream Hunter subali't hanggang ngayon ay malabo pa rin sa kanya ang kanyang purpose. Wala siyang ibang hanggad sa ngayon kundi ang iligtas si Veronica.

Araw araw niyang dinadalaw si Veronica sa hospital kung saan siya naka-confine. Nakilala na rin siya ng mga magulang nito at pinayagang makapasok sa loob at malapitan si Veronica. Regular niyang pinapalitan niya ang mga bulaklak na nakalagay sa mesa malapit sa kanyang higaan at minsan ay nagpapatugtog siya ng gitara habang katabi ang dalaga pagkatapos niyang manggaling sa klase.

Araw ng Sabado, habang nakaupo si Rome at tahimik na pinagmamasdan ang maamong mukha ni Veronica, napansin niya na may suot itong pilak na kwintas. Naalala niya ang kwintas na isinusuot ng mga Dream Guardian. Para makasiguro, dahan-dahang inabot ng kaliwang kamay ni Rome ang kwintas upang tingnan ang pendant noon. Dama ni Rome ang makinis na balat ni Veronica nang madikitan ito ng kanyang daliri. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang crescent moon na pendant na nakakabit sa kwintas ni Veronica.

"Oh shit!" dali-daling dinukot ni Rome ang kanyang pocket watch at nang masigurong hindi ito gumagana, chineck rin niya ang kanyang kaliwang daliri upang siguruhin na hindi niya suot ang Dream Hunter ring.

"Phew..replica," nahimasmasan si Rome nang ma-realize niya na replica ang suot ni Veronica. Nagtaka si Rome kung bakit kakailanganin ni Veronica ng replica kung magdudulot lang ito ng kalituhan sa dalaga kung alin ang totoo at kung alin ang panaginip.

"Masyado lang siguro akong nag-iisip, ano?" tanong ni Rome kay Veronica. Natural, walang sumagot sa kanyang tanong.

Gamit ang dalawang kamay, hinawakan ni Rome ang kaliwang kamay ni Veronica at hinalikan iyon.

"I will find you, I promise."

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon