Abala sa library si Veronica nang makatanggap siya ng isang text mula kay Rome. Alam niyang kakastiguhin siya nito dahil sa pagpigil niya sa pagbubukas ng issue tungkol sa kakayahan niyang gumising ng kapwa lucid dreamer.
Papunta ako jan. Usap tayo---Rome
Muling inilapag ni Veronica ang cellphone sa mesa at nagpatuloy sa kanyang ginagawa sa aklatan. Hindi nga nagtagal at dumating si Rome. Hindi na naman maintindihan ang itsura kung galit ba o hindi. Kasalukuyang nagsasalansan ng mga libro si Veronica sa mga shelf ng aklatan nang lapitan siya ni Rome.
"What?" tanong ng dalaga.
"What? Ano 'yung kagabi? Bakit ayaw mong malaman nila?"
Hindi tumugon si Vica. Itinulak niya ang wari'y kariton ng mga libro upang ilagay ang mga iyon sag awing kabila ng book shelf. Nakasimangot na sumunod si Rome at patuloy na kinukulit ang dalaga na sabihin ang dahilan kung bakit siya pinigilan kagabi.
"Ano ba kasi ang dahilan at kailangan mo pang ilihim sa kanila?" tanong ni Rome na nasa kabila ng book shelf kung saan isa-isang inilalagay ni Veronica ang aklat hanggang sa matakpan ang mukha ni Rome. Itinulak na muli ni Veronica ang ngayo's mas kokonting aklat na nasa kariton at hinarangan siya ni Rome.
"Please," pakiusap ni Rome, "kung magiging teammate tayo sa exam na ito kailangan kong mas malaman ang tungkol sa'yo."
"I am your mentor, not your teammate." Sabay tulak ulit sa de-gulong na kariton upang tumabi si Rome. Bumalik na ulit si Veronica sa reception area at doon siya muling kinulit ng lalaki. Hindi talaga siya titigilan hangga't hindi nalalaman ng lalaki kung ano ang dapat niyang malaman tungkol sa kakayahan ni Veronica.
"Look," bakas na sa mukha ng dalaga ang pagkainis, "I will tell you everything kapag nakapasa ka na sa exam okay? But for the meantime, please, wag mo munang sabihin ang mga nalalaman mo."
"Bakit ba kasi-"
"Just shut up, okay?" medyo tumaas na ang boses ni Veronica. First time nangyari iyon. Nahimasmasan si Rome sa nangyari.
"Okay," ani Rome. At dahan-dahan siyang tumalikod at lumabas ng pintuan ng library. Nasaktan ng konti si Rome dahil nagtinginan ang mga nasa loob ng lbrary sa kanya. Buti na lang at wala ang librarian sa room na iyon kung hindi mas lalo siyang mapapahiya.
"Fine then! Taray na taray," mahinang imik ni Rome habang patuloy ang paglalakad papalayo sa University Library.
Lumipas na muli ang maghapon. Umuwi na sa bahay si Rome at maagang naghapunan. Alas-otso ng gabi dapat nasa REM state na siya upang mag-lucid dreaming para hindi siya ma-late sa kasunod na exam sa Alpha Island, isang lugar sa Aurora. Habang kumakain si Rome, nakatanggap siya ng text mula kay Veronica:
Oi, para makapunta ka sa Alpha Island Instantly, i-visualize mo sa isip mo yung lugar bago mo i-spray yung dream perfume.----Veronica
Hindi nagreply si Rome. Tampo pa rin sa nangyari sa aklatan. Alas-siyete ng gabi ng matapos ni Rome lahat ng kanyang gawain pati na ang assignment sa school. Bigla siyang nakaramdam ng antok. May isang oras pa bago siya kailangang pumunta sa Alpha Island pero mas malaki ang magiging problema kung makakatulog siya ngayon. Kaya nagdesisyon si Rome na pumasok na sa kwarto at magpalit ng damit. Ihinanda na rin niya ang dream perfume na gagamitin niya. Syempre, hindi niya kinalimutang i-check palagi ang kanyang dalang pocket watch.
Ipinuslit niya ang pabango sa hangin at naghintay. Sa ilang sandali pa ay nakahiga na si Rome sa kama mahimbing na nakatulog.
∞
Isang palaka ang gumising kay Rome nang humuni ito habang nakapatong sa kanyang noo. Parang bading na napasigaw si Rome sa gulat. Nagliparan ang mga ibong nasa puno dahil sa kanyang boses.
"Oh, andito na ako."
Napahawak si Rome sa ulo niya nang bumalikwas siya sa damuhan ng Alpha Island. Inilinga niya ang kanyang paningin. Nag-iisip pa siya sa lugar na iyon kung saan sinabi ng examiner na pupunta ang mga magsisikuha ng pagsusulit. Tumayo siya at pinagpag ang mga damong kumapit sa kanyang buong katawan. Dinukot rin niya sa kanyang bulsa ang kanyang pocket watch upang masiguro na nananaginip nga siya. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang relo at nagpasyang gumala muna sa malapit na kakahuyan dahil maiinip lang siya kapag naghintay siya sa parang.
Sa gawing hilaga ng gubat ay tanaw ni Rome ang isang mataas na bundok na kulay luntian rin. Lumakad na nga siya sa kakahuyan upang magpalipas ng oras. Kakaiba ang itsura ng mga punong kahoy sa lugar na iyon. May mga punong kulay ube ang mga dahon at pula ang katawan. May mga paru-parong malalapad ang mga makukulay na pakpak. Mayroon ding mga damong kulay asul na kakaiba sa kulay ng damo kung saan siya nakahiga kanina.
Natanaw ni Rome ang isang balon sa parang lumang-luma na. Kitang-kita sa bunganga noon ang mga makakapal na lumot at ilang damo. Out of curiosity, nilapitan ni Rome ang balon at dahan-dahang sinilip. Kumakabog ang dibdib niya habang sinisilip ang bukana noon. Nawala lamang ang kanyang kaba nang Makita nya ang napakalinaw na tubig. Naupo siya sa bunganga ng balon at nag-isip kung paano siya makakainom ng tubig. Walang anu-ano'y biglang sumulpot mula sa loob ng balon ang isang Mardrum. Sinakal nito si Rome dahilan para mahulog siya sa loob noon. Hinila siya nito pailalim. Sinubukan ni Rome na kumawala sa pagkakasakal sa kanyang likuran pero mas naging mahirap ito para sa kanya dahil sa paglubog nila sa tubig.
Kinapa ni Rome ang mukha ng sumasakal sa kanya at ubod-lakas na tinusok ang isang mata gamit ang hinlalaki. Bumitaw sa pagkakasakal ang Mardrum dahilan para makalangoy si Rome paibabaw ng tubig sa balon. Naalala bigla ni Rome na lucid dreamer nga pala siya.
"Kaya ko ito," humihingal na sambit ni Rome nang isikad niya ang kanyang mga paa upang tumalon ng malakas mula sa tubig. Nakawala siya sa balon at ngayon ay nasa kakahuyan na muli. Tumakbo siya pabalik sa pinaggalingan pero muling sumulpot sa harapan niya ang Mardrum na sumakal sa kanya. Kagaya noong una niya itong nakita, maputla ito at abot-tenga ang ngiti. Nagkakayat sa baba nito ang mga laway at kita ang mga matatalim na pangil. Kinuha ni Rome ang isang sanga ng kahoy na nasa paanan niya upang magamit man lamang para protektakahan ang kanyang sarili.
"Heheheh.." kinilabutan si Rome sa tawa ng nasa harapan niya ngayon. Hindi gaya ng umatake sa kanya sa tren, walang saplot ang isang Mardrum na ito kaya't kita niya ang kaputlaan ng buong katawan nito. Samahan pa ng kulubot na balat at ilang mga buhok na kulay puti sa mga pribadong parte ng katawan.
"Sige! Sugod!" hamon ni Rome kahit sa loob niya at kabadong-kabado na siya at hindi alam ang gagawin.
Sumikad ang Mardrum padaluhong sa binata. Nakatindig lang naman si Rome at handang hampasin ang papalapit na halimaw. Nakaamba na si Rome at isang metro na lamang ang layo ng Mardrum sa kanya nang biglang isang malakas na hagumo ang narinig ni Rome at kitang-kita niya ang paghiwalay ng ulo ng Mardrum sa katawan nito. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rome ang kulay ng dugo nito, itim, at natalsikan siya sa mukha. Humandusay sa harapan ni Rome ang walang buhay na Mardrum at unti-unti itong nag-evaporate at naglaho. Pati ang dugong tumalsik kay Rome ay nag-evaporate din.
"Anong ginagawa ng isang tupa sa gubat?"
Kilala ni Rome ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali, iyon ang lalaking kasunod nila sa pila. Paglingon ni Rome sa kaliwa ay nakasandal sa isang puno roon ang nakangising lalaki na dilaw ang buhok. Anong ginagawa niya roon? Nauna ba ito sa kanya o sinundan siya nito? Sino ba talaga ang lalaking iyon?
"Sino ka?" sinubukang itago ni Rome ang panginginig dahil pa rin sa katatapos na pangyayari.
"Kukuku.." kakaiba ang tawa ng isang ito. Kinagat pa nito ang dulo ng hawak niyang patpat na para bang isang magic wand.
"Alfred, ang pinakamahusay na salamangkero sa Aurora." Sabay tapon ng tingin kay Rome na para bang isang demonyong gustong-gustong sumanib sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...