Araw ng Sabado. Ito ang araw kung kailan isasagawa ang huling pagsusulit sa mga Dream Hunter ngayong taon. Maagang bumangon si Rome para ihanda ang kanyang sarili. Nagpasya muna siya na magbisikleta at umahon sa isang matarik na kalsada malapit sa kanyang lugar upang makapg-ehersisyo. Kinakailangan niyang ikondisyon ang kanyang pangangatawan sa huling pagsusulit. Nakasisiguro siyang iba ito sa mga naunang pagsusulit na kanilang ginawa.
Pagkatapos magbisikleta ay nagtungo ang binata sa banyo at naligo. Nakapikit niyang dinama ang mainit-init na tubig na nagmumula sa shower. Naghanda siya ng pagkain matapos maligo. Pawang mga prutas ang kinain ngayon ni Rome. Naniniwala siyang kakailanganin ng katawan niya ang mga ito lalong-lalo na ang saging.
Mabilis na uminog ang oras. Kumakagat na ang dilim nang pumasok si Rome sa kanyang kwarto. Siniguradong nakatarangka ang lahat ng pintuan upang masigurong hindi siya mapapasok ng magnanakaw o ng masasamang loob pag nagkataon. Binuksan niya ang kanyang drawer kung saan naroon ang cannister ng dream perfume. Ipinuslit niya iyon sa kanyang kwarto pagkatapos alisin ang takip. Sinigurado ni Rome na nasa bulsa niya ang pocket watch at nang natiyak siya na hindi ito gumagana, dinampot naman niya ang isang posporo.
Nag-set ang binata ng alarm sa kanyang cellphone. Tutunog ito matapos ang isang oras na magiging sanhi ng kanyang paggising.
"Wish me luck," sambit ni Rome nang buksan niya ang canister ng kanyang Dream Perfume. Marahan niyang ipinuslit ang pabango sa hangin at unti-unting kumalat ang bango noon. Hindi rin nagtagal at bumagsak ang katawan ni Rome sa kanyang higaan.
∞
Nagising si Rome sa isang waiting bench ng terminal ng tren. Eto ang lugar na naging bahagi ng kanilang unang pagsusulit. Marami sa mga examinee ang tahimik na naghihintay roon. Makikita rin sa kabilang bench sag awing kanan ni Rome ang grupo ng examinee kung saan kabilang ang babaeng obviously kinahuhumalingan ni Prof Jay. Ang babaeng nakasuot ng damit na may dream catcher.
"Zup?" nagmula ang tinig na iyon sa kanyang kaliwa.
"Mitch! Kanina ka pa ba?" tanong ng binata.
Umupo si Mitch sa tabi ni Rome. "Nah, kakarating ko lang din. Wala pa sina Jasper at Veronica?" sabay linga sa buong paligid.
"Sa tingin ko hindi na sasama sa atin si Veronica, lahat ng mga mentor ay kasama ngayon ng examiner." Sagot ni Rome.
"So, totoo nga na individual examination na ang phase na ito." Nagmula ang tinig na iyon sa mismong likuran ng dalawa.
"Yo, Jasper," bati ni Mitch.
Kagaya noong unang phase, lumabas ang examiner sa iang monitor sa estasyon. Ngunit sa pagkakataong ito, si Robert na ang naka-flash sa screen sa halip na si Prof Jay.
"Pagbati, mga aspirant Dream Hunters. I will be your examiner for the final phase of this examination. Your first instruction is to board the train. The rest of the details will be discussed once you arrived to your destination. Good luck." Sabay blacked out ng screen pagkatapos magsalita ni Robert.
Bumukas ang pintuan ng tren at unti-unti nang pumasok ang mga natitirang examinee. Hinahanap ni Rome si Alfred pero hindi niya ito makita. Maaaring nag-quit na ito o sa kung anumang dahilan, mas piniling huwag na lamang sumipot sa final phase. Pero napakaimposible ang senaryong iyon. Malinaw sa lahat na si Alfred ang pinakamalakas sa lahat ng mga examinee.
Halos isang oras din ang nakalipas bago sila makarating sa lugar kung saan gaganapin ang huling bahagi ng examination. Hindi tulad ng Alpha Island, ang lugar na ito ay isang malawak at berdeng kapatagan kung saan sa gawing dulo ng mga damo na iyon ay makikita ang isang napakatarik na pader.Kung susumahin ay halos nasa limang palapag ng gusali ang kahalintulad ng taas ng mga iyon.
Paglabas ng grupo sa tren, nagulat si Rome nang makita na naroon na si Alfred at naghihintay. Nakasandal ito sa pader at tahimik na nakahalukipkip ang mga braso. Nagtipon–tipon ang mga examinee sa parang. Maraming mga dream guardian ang nakaantabay sa buong paligid. Kapansin-pansin ang mga ito dahil sa mga suot nilang pilak na kwintas na may pendant na crescent moon. Makikita na rin itong suot ni Veronica na noon nakatayo sa kaliwang bahagi ni Robert.
"Welcome to the final phase of this Dream Hunter Examination. I know all of you are eager to know on what will be the final exam is. Before I explain the details, please wear this." Inilahat ni Robert ang kanyang palad sa isang dream guardian na may dalang isang animo'y kahon na may nakalagay na mga metal wrist band. Isa-isa itong ipinakuha sa mga examinee at ipinasuot. Huling inabutan nito si Alfred.
"Those are not ordinary wrist band. That will serve as tracking device so that we can easily determine on who will pass the examination." Paliwanag ng Chairman.
Nagbulong-bulungan ang mga natitirang examinee. Wala pa rin kasi silang ideya kung ano ang gagawing pagsusulit at kung bakit nangangailangan sila ng tracking device. May mga nagtaka kung bakit hindi na lamang ito inilagay sa kanilang ID noong unang part pa lamang ng pagsusulit.
"IDs can be easily taken from your body. That's why it was not a reliable object to use for tracking." Paliwanag ni Robert. "In this phase, all of you must get across there.."
Pinindot ni Robert ang isang animo'y remote control at nahati ang pader sa gitna na parang isang pintuan. Hindi lamang iisa ang bumukas kundi marami. Sa lawak ng pader ay hindi nila mabilang kung ilang bukana ang bumukas sa mga pader na iyon.
"Naiisip mo ba kung ano ang naiisip ko?" tanong ni Mitch sa mga kasama.
"Oo, mukhang isa itong malaking maze." Tugon ni Jasper.
Muling nagsalita ang chairman, "It is a giant maze. We will not disclose on how long the mazes are and how many obstacles are there. Your objective is to go to the other size of that maze before the time ran out. You have 5 hours before we close the maze again"
Nagbulong-bulungan muli ang mga examinee sa tinuran ng chairman. May kanya-kanya silang mga haka-haka at teorya sa kung ano ang meron sa loob noon at kung ano ang mga kakaharapin nilang panganib.
"In this phase of your examination, killing other examinee is strictly prohibited. We already allowed you to do it on the previous phases, but not this one." Mariing banggit ni Robert.
Muling naalala ni Rome ang nangyari sa tren noon unang phase kung saan mag-isang lumabas doon si Alfred. Napagtanto niya na pinaslang lahat ni Alfred ang kasama niya sa isang car ng tren para malampasan ang unang pagsubok. Kagaya ng dati niyang ginagawa, Nakangiti lang si Alfred nang tamaan ito ng paningin ni Rome.
"Are there any questions?" tanong ng chairman. Nakabibinging katahimikan ang nangibabaw sa buong lugar maliban sa tunog ng hangin na humahampas sa bawat bukana ng maze.
"Kung wala na kayong tanong, let the final phase of the Dream Hunter Examination commence! We will meet the successful Dream Hunters on the other side."
Kanya-kanyang takbo ang mga examinee sa mga bukana ng maze. Bigla na ring nawala si Alfred sa paningin ni Rome. Malamang ay nauna na itong pumasok sa maze para siya na rin ang maunang makapasa sa pagsusulit. Nagkatinginan pa si Rome at Veronica bago tuluyang pumasok ang tatlo sa isang bukana ng maze. Mababanaag sa mga mata ng dalaga ang pag-aalala at napansin iyon ni Rome.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...