Chapter 10

40 6 3
                                    

"Dreaming Talisman?" tanong ni Rome, "ano 'yan, some sort of reality checker? Anting-anting?"

"Oo, isang specific na bagay na gagamitin mo para malaman mo kung nasa waking life ka ba o nasa panaginip," tugon ni Veronica.

Naunawaan ng konti ni Rome ang nais ipahiwatig ng kausap. Ilang saglit pa ay kinuha ng babae ang isang itim na libro mula sa shoulder bag na palagi niyang dala. Napansin na ito ni Rome noon pero hindi lang niya inusisa dahil mukha namang walang significance ang palagi niyang pagdadala ng shoulder bag.

"Libro?" tanong ni Rome nang kunin iyon ni Veronica sa bag.

"Ito ang aking talisman," wika nang babae habang ipinakita nito ang libro sa binata.

Namangha si Rome dahil akala niya ay ugali lang magdala ng bag ni Veronica. Hindi niya inaasahan na dun pala palaging nakalagay ang talisman ng dalaga. Interesado siya ngayon kung paano ito ginagamit."

"Paano naman 'yan ginagamit as a talisman?" usisa ni Rome.

"As you can see," sabay buklat ni Veronica sa pahina at ipinakita ito kay Rome, "walang nakasulat na kahit ano sa mga pahina nito. Nakatanim na sa aking isipan na kung nasa panaginip ako at binuklat koi to, magkakaroon ito ng kahit isang sulat."

Sinubukang hawakan ni Rome ang librong tangan ni Veronica. Sa halip na ipahiram ito sa kanya ay bigla na lamang siya nitong hinampas sa ulo ng librong hawak niya.

"Aray!" daing ni Rome, "bakit ba palagi mo akong hinahampas o pinipingot?!"

"First lesson, huwag na huwag mong ipapahawak sa iba ang Dream Talisman mo," mariing sabi ni Veronica.

Nagtaka si Rome kung bakit bawal hawakan ng iba ang talisman. Ipinaliwanag ni Veronica na sa oras na mahawakan ng ibang dreamer ang iyong talisman, maaari na itong mabago o ma-alter. Kapag nangyari iyon, maaaring pasukin ng iba ang consciousness ng dreamer at malaman ang mga kahinaan nito. Maaari din itong pumalit sa kanyang kaisipan sa waking life.

"Paano naman ako magkakaroon ng sarili kong talisman?" tanong ni Rome.

"Kailangan mong pumili ng isang bagay na hindi mo madalas dala o nahahawakan bago ka maging Lucid Dreamer. Once na nakapili kana, sasanayin mo ang sarili mo na dalhin ito araw-araw," eksplanasyon ni Veronica.

Sumang-ayon naman ang binata sa tinuran ng kausap. Nag-isip na rin siya kung ano ang bagay na maaari niyang gamitin bilang dream talisman.

"Sa ngayon, iyan muna ang iyong assignment. Ikaw rin ang bahalang umisip kung paano mo gagamiting ang object na napili mo sa reality test."

Siya namang pagtunog ng bell ng paaralan, hudyat na kailangan nang bumalik ang mga estudyante sa klase. Tapos nang kumain ang dalawa kaya't nang tumunong ang bell ay tumayo na sila upang dalhin ang pinagkainan sa service area ng canteen.

Natapos ang panghapong klase ni Rome at umuwi na rin siya kaagad sa bahay. Hindi na siya dumaan sa Moonblend dahil wala naman silang usapan ni Veronica na magkita roon. Ibinilin lang ni Veronica na huwag kalimutang inumin ang medikasyon na bigay niya kay Rome.

Sa apartment, habang nanunuod ng balita sa TV ay biglang sumagi sa isip ni Rome ang isang bagay. Isang object na maaari niyang gamiting talisman.

Pumunta si Rome sa kwarto at iniwang nakabukas ang TV sa sala. Sa loob ng kwarto, binuksan niya ang isang cabinet at hinalungkat niya ang ilang damit na nakalagay doon. Sa dakong ilalim ng mga damit ay kinuha niya ang isang kahon ng converse na sapatos. Nang buksan niya iyon ay makikita ang isang telang puti na tila may binabalot. Binuklat iyon ni Rome at tinamaan ng liwanag mula sa ilaw ng kwarto ang isang pocket watch na nakalagay roon. Kitang-kita sa kakinangan noon na yari ito sa lantay na pilak at hindi basta mumurahing orasan lang.

"Lolo," pabulong na sambit ni Rome.

Sa kanyang isipan ay muling nanariwa ang ala-ala niya noong bata pa siya at nabubuhay pa ang kanyang lolo. Natatandaan pa ni Rome ang mga oras na tinuturuan niya ng kanyang lolo kung paano gumamit ng katana.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon