Chapter 31

10 1 0
                                    

Ang malakas na tunog ng cellphone ang gumising kay Rome bandang alas-singko ng umaga. Halos pikit pa ang mga matang kinapa ng binata ang telepono na nakapatong lang sa ibabaw ng isang maliit na drawer sa gawing headboard ng kanyang kama.

"Ano?" maririnig mo sa tono ng boses ni Rome na antok na antok pa siya.

"Hindi ka pa ba babangon? Exam natin ngayon, Rome." Boses iyon ni Christine. Ang kaklase niya sa college. Siya ang unang nakilala ni Rome sa kanyang mga kaklase. May katamtamang tangkad si Christine, singkit at balingkinitan ang katawan. Resulta na rin ng namana niyang katangian mula sa kanyang Hapon na ama. Nakilala ni Rome si Christine sa unang araw ng pagpasok niya sa kolehiyo noong mga oras na nakalimutan ni Rome na magdala ng pad paper at wala siyang mahiraman. Si Christine ang unang kaklaseng nagpahingi sa kanya ng papel. Mula noon, siya na rin ang parang naging parang ate niya sa klase.

"Shit, oo nga ano!" Nakalimutan ni Rome na bukod sa mga pagsusulit sa Aurora, meron din syang term exam sa college.

Nagmamadaling bumangon si Rome. Dumeretso na siya kaagad sa banyo at hindi na nagawang magluto pa ng agahan. Mabilis siyang naligo. Halos wala pang limang minuto ay lumabas na siya sa banyo at humahangos na tinuyo ang buong katawan gamit ang tuwalya.

"Paano ako nito, hindi ako nakapag-review." Bulalas sa isip ng binata. Kailangan niyang pumasok ng maaga para makatabi niya si Christine sa upuan. Siguradong mahihirapan siyang makapagsagot sa exam lalo pa at hindi siya nakapagbasa man lamang. Umaasa si Rome na ipagrereserba siya ng babae ng upuan.

Pasado alas-siyete na nang makarating si Rome sa silid-aralan kung saan gaganapin ang exam sa unang subject. Medyo napahinga ng malalim ang lalaki nang makita niyang ipinagreserba siya ng upuan katabi ni Christine. Alas-otso mag-uumpisa ang pagsusulit sa unang subject at Math pa ito. Kaya naman halos nagkakaunahan talaga ang mga estudyante sa pagpasok kapag may mga ganitong pagsusulit upang mauna sila sa "seating" arrangement.

"Pakopya ako, ha." Pabulong na saad ni Rome sa katabi.

"Baliw ka ba? Paano kita mapapakopya eh Math itong exam natin?" naiiritang tugon ni Christine.

"Eh kahit formula lang. Ako na ang bahala sa computation."

"Okay, fine. Mamaya." Sabay tingin ni Christine sa binabasa niyang libro sa Math.

Nang umapak ang oras sa ikawalo ng umaga, siyang pagdating rin naman ng kanilang proctor. Nakasuot ito ng jeans at rubber shoes an ang kaniyang puti na polo ay napapailaliman ng jacket na itim.

"Good morning," bati ng proctor.

Nanlaki ang mga mata ni Rome nang tumingin siya sa proctor. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig na maraming yelo sa kanyang kinauupuan.

"Anong ginagawa mo rito?"

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon