Epilogue

14 1 0
                                    

Masayang nagtatampisaw ang isang batang babae sa isang napakalinis na ilog. Tila ba may kasamang maliliit na brilyante ang tubig na iyon habang patuloy itong umaagos. Samahan pa ng repleksyon mula sa kalangitan na naghahalong kulay berde at pink. Tuwang-tuwa ang bulilit habang isinasaboy ang tubig sa ere. Mababaw lamang ang sapa na iyon kaya't hindi siya nadadala ng agos nito.

Walang anu-ano'y bilang lumitaw sa tabi ng ilog ang isang higanteng halimaw na nakapagpagimbal sa paslit. Isang malakas na atungal ang pinakawalan noon dahilan para mapaupo ang bata sa tubig. Umiiyak na ito at takot na takot. Patuloy pa rin ang pag-angil ng halimaw at siya rin naman ang paglakas ng iyak ng kaawa-awang bata.

Nang akma nang susunggaban ng halimaw ang bata, isang malakas na hagumo ang narinig sa paligid. Sa isang iglap ay nahati ang katawan ng Shadow Beast at bumulagta ang dalawang parte ng katawan nito sa gilid ng ilog. Agad rin itong naglaho nang parang abo na inilipay ng hangin.

Hindi naintindihan ng bata kung ano ang nangyari. Ang tanging natatanawan niya ngayon ay isang lalaking may hawak na malaking scythe. Makikita kaliwang palasinsingan ng lalaki ang isang singsing na may simbolong crescent moon.

Naglaho ang malaking scythe na hawak ng lalaki at lumapit ito sa bata. "Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ng lalaki nang ilahad nito ang kanyang kamay sa bata upang hindi ito matakot.

"Mimi po," takot pa rin na tugon ng bata.

Kinalong ng lalaki ang bata at ibinaba sa may gilid ng ilog. "Wag kang matakot, Mimi. Kapag may mga monsters, aawayin naming sila, okay?"

"Opo," humihikbi pa rin ang bata dahil sa takot.

"Sorry, hindi kami nakarating agad." Sambit ng isang Dream Guardian.

"It's okay," tugon ng lalake, "kayo na ang bahala sa kanya, keep her safe until she wakes up."

"Got it," tugon ng Dream Guardian pagkatapos ay inakay na ang batang bahagya pa ring umiiyak.

"Ba-bye," paalam ng bata sa lalaki na tinugon naman ng ikalawa sa pamamagitan ng isang ngiti.

Sumakay ang lalake sa isang motor na animo'y space bike. Pinindot ang ilang mga controls doon at saka pinatakbo ng matulin. Binagtas ng lalaki ang kahabaan ng patag sa Aurora. Bawat kulay ubeng lupa na tinatamaan ng kanyang gulong ay nag-iiwan ng nagniningning na alikabok na hindi mo masasaksihan sa reality.

"Paparating na ako, Vica."

WAKAS

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon