Chapter 38

6 1 0
                                    

Bumangon si Rome mula sa pagkakalupasay dahil sa malakas na pagyanig. Nag-iisa na siya ngayon sa madilim na bahagi ng maze at walang kahit na anong senyales nina Mitch at Jasper. Sa mga oras na iyon, narinig niya ang malalakas na ugong ng iba pang mga malalaking bloke ng pader na nagbubunguan dahil sa pagpapalit ng istrura ng maze. Dinukot ni Rome ang kanyang pocket watch mula sa kanyang bulsa at naghanda sa kung ano mang panganib ang nakaamba sa kanya.

Mas madilim ang bahagi ng maze kung saan nakulong si Rome at hindi siya makapagdesisyon kung saang bahagi siya tatakbo. Maya-maya pa ay umihip ang hangin mula sa isang bahagi ng bukana ng maze. Umilaw ang radiance ni Rome ng bahagya bilang paghahanda sa sakuna.

"Aandap-andap ang Radiance ng isang ito," maririnig mula sa isang tinig sa kung sino mang nakakubli sa dilim. "Mukhang hindi naturuan ang baguhang ito kung paano gamitin ang kanyang aura."

"Magpakita ka!" sigaw ni Rome habang mahigpit pa rin ang pagkakakapit sa kanyang pocket watch.

Mula sa madilim na bahagi ay marahang lumakad papalapit ang isang anino ng lalaki. Matangkat ito at payat. Halot hindi mabanaagan ni Rome ang itsura nito dahil kulay itim rin ang kanyang kasuotan. Naging malinaw lamang ito sa paningin ng binata nang limang metro na lamang ang layo nito sa kanya. Isang lalaking maputla at nakasuot ngluma at itim na trench coat. Hanggang balikat ang kulay abo nitong buhok na mas nakapagpagilalas sa nakatunghay na Lucid Dreamer.

"Huwag na kayong mahiya," wika ng lalaki. At mula sa kanyang likuran ay may lumitaw pang dalawang kasamahan.

Nakasisiguro si Rome na mga Mardrum ang mga ito. Hindi niya makakalimutan ang kaputlaan ng kanilang mga balat dahil sa kakulangan sa radiance. Batid ng binata na baguhan pa lamang siya sa pagkondisyon ng kanyang abilidad sa panigip. Ni hindi man lamang niya ma-sustain ng maayos ang kanyang Radiance.

"Mukhang hindi man lang tayo mabubusog sa isang ito," nakangising sambit ng isang may katabaang Mardrum.

"Ang pagkain, ay pagkain," tugon naman ng may mahabang buhok.

Nantiling nakatindig si Rome at handang makipagsagupaan sa tatlong banta sa buhay niya. Tanggap niyang wala siyang panama sa tatlong ito subalit kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Palagi na lamang siyang umaasa sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Maging si Alfred na hindi niya gusto ang pagkatao ay isa rin sa mga humila sa kanya palayo sa bingit ng katapusan.

Lumakad ang dalawang Mardrum palayo sa lider nila. Isa sag awing kanan ni Rome at isa sa gawing kaliwa. Napapalibutan na ngayon si Rome ng tatlong Mardrum habang patuloy pa rin na pilit na nagliliwanag ang kanyang katawan dulot ng mahinang radiance.

Umihip ang hangin sa apat, at nang huminto iyon ay sumunggab ang tatlo kay rome. Muling makikita sa mga mukha ng mga ito ang naglalakihang bunganga sa tuwing gutom ang isang Mardrum sa radiance ng isang lucid dreamer. Nagsihabaan rin ang mga kuko nila na ginamit sa pag atake kay Rome.

Unang sumaksak gamit ang matatalim na kuko ang lider. Himalang nailagan ito ni Rome. Sumunod na umatake ang mataba na pawang nailagan rin ng binata. Pagkatapos ay ang ikatlo na bigo ring tumama kahit sa buhok ng lucid dreamer. Patuloy ang ganoong senaryo at pauli-ulit na sumamblay ang tatlong Mardrum sa bawat mga atake nila kay Rome.

"Anong nangyayari?!" sigaw ng matabang Mardrum habang patuloy pa rin ang talto sa pagsunggab at pagkitil kay Rome. "Mahina ang kanyang radiance pero bakit hindi tayo tumatama?!"

Sa unang pagkakataon ay nag-counter attack si Rome. Isang malakas na suntok ang kanyang pinakawalan kung saan gamit ang kamaong hawang ang pocket watch. Tinamaan ang pinakamatabang Mardrum sa mukha at napaatras ito. Siya namang pag-atake muli n glider kay Rome. Muling nailagan ito ng binata sumipa ng malakas sa ere. Nakailag ang lider subalit tinamaan ng sipa ang isa pang kasamahan.

Patuloy ang naging sagupaan sa pagitan ni Rome at ng tatlong Mardrum. Patuloy rin na hindi tumama ang mga atake ng ikalawa.

"Rrrrr..malapit nang maubos ang pasenya ko!" sigaw ng matabang Mardrum. Tumalon ito sa ere. Sa gawing ulunan ni Rome upang subukan na bunuin ang lucid dreamer. Muli itong naiwasan ni Rome nang lumundag siya nang paatras.

Maging sa mukha ng lider ay mababanaag na rin ang pagkayamot sa nangyayari. Dahil doon ay unti-unting naging kulay itim ang kulay ng buong mata ng tatlo. Patuloy pa rin ang mag ito sa pag-atake kay Rome. Nakakailag pa rin ang binata pero tila mas bumibilis at lumalakas na ang bawat pagsunggab ng tatlo sa kanya. Naramdaman rin ni Rome na nag-iba ang aura ng tatlo. Mas naging mas nakakatakot iyon lalong nag-umapaw ang intensyong pumatay.

Nang mag-counter attack muli si Rome, hindi na masyadong nagdulot ito ng damage sa Mardrum na sinuntok nya. Nabahala siya sa nangyari kaya't mas naging defensive at evasive siya ngayon kaysa kanina.

"Hahaha! Mukhang wala rin palang ibubuga ang isang ito!" panunuyang sambit ng lider sabay saksak sa katawan ni Rome gamit ang mahahabang kuko nito.

Sa unang beses ay tinamaan si Rome ng pag-atake mula sa lider. Napasigaw ang binata nang tamaan siya ng mga kuko ng lider. Nasapol siya nito sa kanang braso na nagdulot ng apat na malalalim na hiwa sa kanyang kalamnan. Mula sa mga sugat na iyon ay umagos ang dugo. Sinubukang pigilan ng binata ang ugong umaagos mula roon gamit ang kanyang kaliwang kamay. Dahilan sa pag atake na iyon ay nawala ang liwanag na nagmumula sa radiance ni Rome. Kitang-kita sa mukha ng binata ang pag-inda sa kirot mula sa tinamong sugat sa braso.

Sumunggab ang ikatlong Mardrum kay Rome. Umilag ang lalake subalit mas mabilis ngayon ang naging pag-atake ng matabang Mardrum na nakatalon kaagad sa pweston kung saan babagsak ang binata sa pag-ilag.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng matabang Mardrum. Sapol ang mukha ni Rome at tumalsik siya sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. Tumama pa ang kanyang katawan sa malapad na pader at saka bumagsak sa lupa.

Sa waking life, nag-umpisang dumugo ang ilong ng patuloy pa ring natutulog na katawan ni Rome. Hindi ito magigising hangga't hindi tumutunog ang kanyang alarm na sinet sa cellphone.

Nanginginig man ang buong katawan, sinikap na tumayo ni Rome. Muli siyang diniinan ang paghawak sa kanyang sugat upang pigilan ang patuloy na pagdanak ng dugo roon. Dumugo na rin ang kanyang ilong at bibig dahil sa damage na tinamo mula sa pag-atake ng matabang Mardrum sa kanya.

"Ito na ba ang katapusan ko?" wika ng binata sa kanyang isipan.

Lumapit ang taltong Mardrum kay Rome. Sumuntok pa ang binata subali't madali lang itong napigilan ng lider. Sinakal nito si Rome sa leeg at mariing isinandal sa pader.

"Pagpi-piyestahan namin ang Radiance mo," nakangising banta ng lider.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon