Chapter 41

5 1 0
                                    

Humihingal na narating nina Mitch at Jasper ang kabilang dulo ng maze. Mabibilang sa daliri ng mga kamay ang mga examinee na nakatapos sa pagsubok na ito. Abala si Prof. Jay sa pag-asiste sa isang babaeng examinee na may malaking sugat sa hita. Ang ibang mga nakapasa ay kung hindi sugatan ay hapung-hapo at madudungis. Tanda nang hirap na pinagdaanan malampasan lamang ang higanteng maze ng huling pagsusulit. Lahat ay pagod. Lahat ay nahirapan. Maliban sa isa.

"Hindi na yata tao ang isang 'yan," humihingal na wika ni Mitch habang nakatingin kay Alfred na tahimik lang at pangiti-ngiting nakaupo sa ilalim ng isang puno. Wala ni kahit anong galos na mababanaag sa kanyang buong katawan. Kahit ang kanyang itim na kasuotan ay wala man lamang bahid ng putik o dumi.

"Wala pa si Rome," pagal rin ang boses na sabi ni Jasper. "Nasaan si Veronica?" pagpapatuloy niya.

Pagkatapos tulungan ang babae ay lumapit ang propesor sa kinaroroonan ni Mitch. Kinumusta ang lagay ng mga ito at inalam kung mayroon silang malulubhang sugat o galos.

"What's the deal with her?" tanong ni Jasper.

"Si Paula? Muntik na siyang lamunin ng isang Shadow Beast. Siya lang ang nakaligtas sa mga kasamahan nyang kumukuha ng pagsusulit." Paliwanag ng propesor.

"So, iyon pala ang pangalan niya," ani Mitch.

"Kokonti na lang ang oras bago matapos ang huling bahagi, umabot kaya siya?" May pagkabahala sa mukha at boses ni Prof Jay.

"Come on, Rome," ani Mitch habang nakatingin sa maze na pinanggalingan nila.

Isang iika-ikang lalake ang lumabas mula sa isang madilim na bukana ng maze. "I..I..did it.." sabay bulagta sa lupa. Mabilis na nilapitan ito ng mga Dream Guardians pero nang ibaling nila ang pwesto ng lalake, unti-unti na lamang itong naglaho na parang abo na inilipad ng hangin.

Tahimik lang na nakatunghay si Robert sa mga nangyayari. Batid niya na matatapyas talaga ang bilang ng mga examinee sa huling bahagi ng pagsusulit. Nasa isip pa rin niya ang nangyaring pagkamatay ng ilang Dream Guardian kamakailan. May suspetsya siyang mauulit ito sa huling bahagi ng pagsusulit na ito nang sa gayon ay siya na mismo ang humarap sa kung sino mang salarin. Bigo siya dahil hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring pag-atakeng nagaganap.

"You really think it would show up now?" tanong sa kanya ni Jay.

"Time works differently here," sagot ni Robert, "at hindi pa tapos ang pagsusulit, so, marami pang maaring mangyari."

Tumingin ang propesor kay Alfred na noon ay payapa pa ring nakaupo sa ilalim ng puno. "What about him? Kasama ba sya sa suspect?"

"Malakas ang isang iyan at eksperto na sa paggamit ng Radiance. Nakasisiguro akong marami na rin siyang napatay na mga dreamer ngunit hangga't wala tayong matibay na ebidensya para umaksyon, hindi natin siya pwedeng galawin." Paliwanag ng Chairman.

"Understood."

Isang faint na ingay mula sa Radiant Motorbike ang maririnig na nanggagaling sa isang madilim na bahagi ng maze. Tumayo si Mitch upang tingnan kung sino o ano ang lalabas na bahagi na iyon. Wala pang ilang minuto ay natanawan na niya ang duguang si Rome na nakayapos sa motorbike papalapit sa kinaroroonan nila. Napatakbo pa si Mitch upang salubungin ang kaiibigan.

"Rome!" sigaw ni Mitch nang kusang huminto ang motor. Nakadapa pa rin at walang kagalaw-galaw ang binata kaya't tinulungan ito ni Mitch na makababa sa motor. Nang iangat niya ang katawan ng kaibigan, doon tumambad sa kanya ang itsura ng mukha ni Rome. Makikita sa mga mata niya ang gimbal na may halong pagluluksa. Basa ang kanyang pisngi dahil sa pagdaloy ng dugo at luha.

"Easy..dahan-dahan lang," ani Mitch habang tinutulungan na bumaba si Rome sa sasakyan. Lumapit na rin si Jasper para umasiste.

"Sobrang hina ng radiance niya, Mitch. Ihiga muna natin siya," suhestiyon ni Jasper. At ihiniga nga ng dalawa si Rome sa gawing madamo. Ininspeksyon din ng dalawa ang buong katawan ni Rome. Marami mang bahid ng dugo pero wala na silang nakitang sugat.

"H...hi.." bahagya na lamang makapagsalita ang binata.

"Ligtas kana, Rome. Isa ka nang Dream Hunter." Ani Mitch sabay hawak sa balikat ng binata. Ramdam niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Hinyaan ko siyang mamatay.." pilit na saad ni Rome, "wa..wala akong nagawa," itinakip ng binata ang kanang braso niya sa kanyang mga mata at patuloy na tumangis.

Tumingin si Jasper sa propesor. Batid na niya ngayon kung bakit hindi niya makita si Veronica sa paligid. Isang tango lang naman ang itinugon ng propesor kay Jasper. Sensyales na alam at may pahintulot niya na pumasok si Veronica sa maze upang iligtas si Rome.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon