Chapter 32

8 1 0
                                    

"Excuse me, Mr.?" Nakangising tanong ng Proctor sa nanlalaki ang mga matang si Rome.

"Anong ginagawa mo, hoy?" bulong ni Christine.

Napatingin din ang mga kaklase sa binata. Nagtataka kung bakit ganon na lamang ang sambit nito sa lalaking nasa harapan nila na magbabantay ng kanilang eksam sa math. Nagbulungan ang iba. Ang ilan naman ay nairita dahil baka lalo silang paghigpitan ng proctor na ito sa pagbabantay sa kanilang pagsusulit.

"Might as well stay on your seat and keep quiet or else I won't let you take the exam, hmm?" Nakangisi pa rin ang Proctor at mababanaag sa mga mata nito na tila may isang demonyong nagkukubli sa kanyang pagkatao habang nagbabalatkayong isang maamong tupa.

Anong ginagawa ni Alfred dito? Guro ba sya dito? Paano sya naging proctor naming sa Math?

Balisa si Rome habang ipinamamahagi na ni Alfred ang mga long bond paper kung saan naka-print ang mga math problems na sasagutan ng mga estudyante. Lumilipad ang isip ni Rome at hindi niya namalayang iniaabot na ng kaklase niya sa unahan ang papel.

"Psst! Hoy!" Nagulat na lamang ang lalake at tinanggap ang papel. Pagkatapos noon ay iniabot ito sa kaklase niya sa likuran.

"You have 3 hours to finish the exam. Pass your papers before then." Wika ni Alfred.

Nakatitig lang si Rome sa papel. Hindi na nga siya nakapag-review sa eksam na ito ay wala pa siya ngayon sa pokus dahil kay Alfred. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa papel at kung paano ito saagutan. Hindi rin niya alam kung bakit narito ngayon sa kanyang paaralang pinapasukan ang isa sa shady at hindi katiwa-tiwalang examinee sa pagsusulit nila sa Aurora.

"..psst..hoy.." bulong ni Christine, "bakit hindi ka pa nagsasagot?"

"Quiet, or I'll tear that paper in front of this class." Seryosong wika ni Alfred. Dahil doon hindi na nagtangka pang bumulong si Christine kay Rome.

Balisa man ay sinubukang sagutan ni Rome ang mga math problems na nasa papel. Malamig ang kanyang mga kamay habang nagsasagot siya. Nanatili siyang nakatungo pero alam niyang nakatitig sa kanya si Alfred na tila lalamunin siya ng buhay. Hindi na nagawa pang kumopya ni Rome ng sagot kay Christine dahil ayaw rin niya na mapahapak at makumpiska ang papel ng babae. Sinikap na lang niyang sagutan ang pagsusulit kahit hirap na hirap siya math.

"5 minutes more."

Saka pa lamang nagawang luminga ni Rome sa paligid. Marami pa rin sa mga kaklase niya ang nagsasagot. Sobrang hirap naman kasi talaga ng mga eksam sa math kahit saang paaralan ka pumasok. Mangilan-ngilan pa lang ang nakakapagpasa. Eto ay iyong mga matatalino talaga o iyong mga wala naman talagang maisagot na sa kanilang mga papel.

Nang sumapit ang las minute ng eksam, nagkumahog ang mga kaklase ni Rome sa pagsasagot. Marami pa rin sa kanila ang hindi nasagutan ang ilang math problems. Kabilang na rin doon si Rome. Si Christine naman ay nakapagpasa na bago ang huling minuto bago ang palugit.

Si Rome ang huling nagpasa ng papel. Lumapit siya kay Alfred at tinanong ito pagkatapos niyang iabot ang papel sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Importante bang malaman mo kung bakit ako narito?" nakangising tugon ni Alfred.

"Ngayon lang kita nakita rito sa university namin. Alam kong hindi ka guro dito. Anong ginagawa mo rito?" muling tanong ni Rome.

"Gusto ko lang makita," tumayo na si Alfred at inipon ang lahat ng mga papel, "kung ano ang itsura ng waking life."

"Ano?!" gulat na wika ni Rome, "Anong ibig mong sabihin, Alfred?"

"kukuku..I'll see you at the final phase, Rome."

Umalis na sa classroom si Alfred dala ang mga papel nina Rome. Sinubukan pang siyang habulin ni Rome pero maraming tao sa corridor dahil kakatapos lang ng exam sa math at marmaing mga estudyante ang nagtatanungan ng kanilang mga isinagot sa exam. Nagmamadaling pumunta si Rome sa faculty room kung saan niya matatagpuan ang guro niya sa math pero bigo siyang matagpuan ito. Nakita n lang niya na nakapatong sa mesa ng guro niya ang envelope kung saan naroon ang papel niya at ng kaniyang mga kaklase.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon