Chapter 8

56 7 0
                                    

"Maraming nag-aakala na masarap maging isang Lucid Dreamer pero hindi nila alam kung gaano kalaki ang peligrong nakaamba sa bawat oras na nalalaman nating nananaginip tayo," paliwanag ni Veronica.

Nabuo ang curiosity sa sarili ni Rome nang marinig ang paliwanag na iyon. Bigla tuloy niyang ginusto na makinig na lamang kay Veronica araw-araw upang turuan siya tungkol sa panaginip. Marami na siyang napag-aralan sa Sikolohiya tungkol roon ngunit mukhang ang lahat ng mga nasa libro ay mababago dahil sa mga nangyari kay Rome at mga mangyayari pa.

"Turuan mo ako," sambit ni Rome, "turuan mo ako kung paano maging isang tunay na Lucid Dreamer."

"I intend to," sagot ng dalaga, "kaya kita binigyan ng kapsulang iinumin mo dapat kaya nga lang hindi ka sumunod sa sinabi ko."

Napangiti si Rome at sinabi, "mas mabuti siguro na turuan mo na muna ako para at least panatag na ang loob ko kapag iinumin ko ang gamot na iyon. Malay ko ba kung lason 'yon o droga."

Matagal na hindi tumugon si Veronica. Tila ba nag-iisip ito nang malalim sa pagkatulala.

"Will you teach me?" tanong ni Rome.

Nanatiling tahimik si Veronica. Alam niyang malaking sakripisyo ang gagawin niya sa pagtuturo sa lalaking ito subalit wala rin naman siyang magagawa dahil positibong gising na ang Lucidity ni Rome. Alam ng babae na mas vulnerable ngayon si Rome sa mga Mardrum lalo pa at siguradong mas mapapadalas ang Lucid Dreaming nito.

"Sige," tugon ni Veronica, "pumapayag na ako, tuturuan kita."

Kitang-kita sa mukha ni Rome na nasiyahan siya sa desisyon ni Veronica. Sa mga session na gagawin nila ay naisip niyang mas madalas niyang makakasama ang magandang babaeng ito. Makakatulong din ito para mas madaling maalala ni Rome kung sino ba talaga si Vica sa buhay niya. Masasagot na ang katanungan sa isipan niya kung bakit pamilyar ang babae sa kanya.

"First question, nananaginip ba tayo ngayon?"

"Ha?" hindi pa nag-sink-in kaagad sa utak ni Rome ang itinanong ng dalaga.

"Do you think we're dreaming right now, kuya?" muling tanong ng dalaga.

"Hindi, ramdam ko ang kurot mo sa tenga ko kanina eh."

"Correct and wrong," ani ni Veronica. Ikinagulat ng lalaki ang tugon ng dalaga sa kanya. "Tama ka na hindi tayo nananaginip ngayon. Pero mali ka na gawing basehan ang kirot o sakit na nararamdaman mo sa katawan mo para masabing gising ka o hindi."

Hindi makapaniwala si Rome sa paliwanag ni Veronica pero kailangan niyang matuto kaagad kaya't hindi na lamang siya umimik. Tumango na lamang si Rome bilang pagsang-ayon kay Veronica.

"First Lesson, kailangan mong matuto at magsanay ng reality check."

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon