Ilang araw ding nag isip-isip si Rome kung kailangan ba niyang pumasok sa LDA. Ni hindi siya sigurado kung kakayanin ba niya ang aptitude test na ibibigay sa kanila. Bukas na ang eksaminasyon at wala man lang sinabi sa kanya si Veronica kung ano magiging content ng exam. Sino ba namang hindi kakabahan na kumuha ng pagsusulit na iyon na alam niyang mga bihasa na sa Lucid Dreaming lamang ang mga pumapasa?
Unan ni Rome ang kanyang mga kamay habang iniisip ang mga bagay na iyon. Tatlong araw na ang lumipas mula nang pumunta sila ni Veronica sa LDA at kailangan na niyang magdesisyon kung mag e-exam ba siya. Mabuti na rin lamang at hindi siya ngayon nakakaranas ng REM sleep dahilan na rin sa capsule na ibinigay ni Veronica sa kanya para maiwasan ang ganoong kalagayan ng pagtulog. No REM, no Lucid Dreaming. No Lucid Dreaming, less danger sa mga Mardrum.
Nang matapos siya sa pagmumuni-muni ay pinatay na ni Rome ang ilaw sa kanyang lampshade at saka tumihaya upang matulog.
∞
Maagang nagising si Rome sa kaaya-ayang panahon. Balik sa dating routine ang mga abalang kalye at sidewalk na maraming nagtitinda ng kung anu-anong mga street foods. Paroo't parito ang mga estudyante na labas-masok sa kolehiyo. Sa room 301 ng school of Arts, naroon si Prof. Jay na may dalang malaking attaché case. Nakaupo siya sa unahan at hinihintay ang mga kukuha ng pagsusulit. May mangilan-ngilan nang bata sa loob pero marami pa ring bakanteng upuan. Maya-maya ay pumasok sa silid si Rome at iniabot sa propesor ang application form na binigay ni Veronica apat na araw na ang nakalilipas.
"Mabuti naman at naisipan mong magexam," bungad ng propesor na tinugon lang ng pagtango ng ulo ni Rome.
Itinuro ng propesor kung anong numero ng upuan pupwesto si Rome. Kaagad namang naupo ang lalaki at naghintay. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Veronica. Naka-ponytail siya di gaya ng palaging nakalugay ang buhok. Nakakapanibago sa paningin ni Rome. Lumapit ang dalaga kay Rome at tinapik ang ikalawa sa balikat.
"Galingan mo."
"Mag-eexam ka rin?" tanong ng lalaki.
"Nope. Dream Guardian na ako, remember? Mag-aassist lang ako kay Professor Jay.
Muling tinapik ni Veronica si Rome sa balikat bago ito pumunta as unahan at kausapin ang guro. May hindi maipaliwanag na pakiramdam si Rome sa oras na magkaakdikit sila ni Veronica. Kahit sa simpleng tapik lang parang may kuryente siyang nararamdaman. Napatitig tuloy si Rome kay Veronica nang matagal. Nang muling humarap ang dalaga ay biglang iwas ang lalaki sa pagtitig. Inilinga na lamang ni Rome ang kanyang paningin sa mga kabataang nakaupo. Inisa-isa niya ang mga iyon.
Halos lahat ng mga nakaupo ay tahimik maliban sa dalawang estudyanteng nagtsi-tsismisan. Naisip tuloy ni Rome na baka nagkamali ng pasok ng room ang dalawang iyon dahil sobrang daldal nila. May isang lalaking tila ba pamilyar sa kanyang pangingin. Hindi maalala ni Rome kung saan at kelan pero nakita na niya ang lalaking iyon, sigurado siya. Halos kaedad lamang niya ang lalaki at tahimik lang na nakaupo habang nakapikit ang mga mata. Napansin ni Rome na may pilak na lighter na nakapatong sa armchair ng lalaki.
Uusisain sana ni Rome kung bakit may lighter ang lalaki dahil alam niyang bawal ang yosi sa loob ng campus. Tatayo na si Rome para lapitan ang lalaki nang may dumating na iba pang mga examinee. Nagulat si Rome dahil mas maedad ang mga ito kaysa sa kanila. Sa tantiya niya ay kaedad sila ni Prof Jay. Dalawang lalaki ang pumasok at ipinasa sa guro ang application at saka umupo. Mukhang mayaman ang isa dahil naka-coat and tie ito samantalang ang kasama niya ay casual lamang ang suot. Sumunod na pumasok ang isang babae na kaedad rin ni Prof Jay. Nakaitim itong T shirt na may tatak na dream catcher na asul. Nakajacket na itim rin at nakaboots na bumagay sa kanyang pantalon. Lumapit rin ito kay Prof para magpasa ng application form.
"Hi, my name is Jay," wika ni Prof na wari ba'y nagniningning ang mga mata. Napangiti na lamang si Rome sa itsura ng guro dahil tila ba nakakita siya ng kanyang soulmate.
"My name is written on the paper, sir," sabay talikod ng babae at pumunta sa kanyang uupuan.
Napaagik-ik ng bahagya si Rome at Veronica sa nangyari. Hindi naman natinag ang guro na nakangiti pa rin.
Tatlumpong minuto rin ang nakalipas bago makumpleto ang lahat ng mga kukuha ng pagsusulit. Mabilis na ang pangangatog ng hita ni Rome at di na siya mapakali sa kinauupuan. Gusto niyang simulan na agad ang exam para matapos na rin agad at malaman ang resulta. At least mababawasan kahit papaano ang kanyang anxiety kung pumasa man siya o bumagsak. Lumingon si Rome sa lalaking kanina ay tiningnan niya at napansin niyang nakapikit pa rin iyon.
"Tulog ba ang kumag na 'yun?"
Isinara na ni Prof Jay ang pintuan ng room. Gayundin ang ginawa ni Veronica sa kabilang dulo ng kwarto na may pintuan rin.
"Mag-uumpisa na tayo. Please ready your pencils," sambit ng propesor.
Okupado na lahat ng upuan sa kwarto ng mga magsisipag-exam. Sa tantiya ni Rome ay hindi baba ng 40 ang bilang nila. Hindi naman mainit sa room dahil fully airconditioned ito kaya hindi mamomroblema si Rome kung mahirap man ang exam. Hindi siya papawisan sa pag-iisip.
May ibinigay na folder si Prof Jay sa mga nasa unahan ng hanay. Ipinapasa niya ito isa-isa hanggang magkaroon ang mga nakaupo sa hulihan. Noon nalaman ni Rome na tulog nga ang lalaking may lighter kanina sa armchair dahil nagulat ito nang iabot sa kanya ng isang babaeng nasa unahan niya ang folder.
"Please open your folder," ani Prof Jay. Gayon naman ang ginawa ng mga examinee.
"As expected," bulong ng babaing tinitigan ni Prof Jay kanina.
Nagtaka tuloy si Rome dahil paanong expected na noong babaeng iyon ang exam? Nang buklatin ni Rome ang folder, nagulat si Rome dahil blangkong bond paper lang ang nakalagay.
Umugong ang bulungan at ang karamihan ay inusisa ang laman ng papel ng mga katabi.
"Alright, mind your own papers. Listen to my instructions and do not dare to cheat," mariing pahayag ng propesor. Natahimik ang lahat sa kanyang sinabi.
"Kung sino man ang mahuhuling nandaraya ay otomatikong babagsak sa examination."
Umayos ng pagkakaupo ang bawat isa pati na rin ang tulog na lalaki kanina. Unti-unti nang nangangatog ang mga hita ni Rome. Pinilit niya itong pigilan sa abot ng kanyang makakaya.
"On 30 minutes," sambit ng propesor, "I want you to draw what a dream looks like. Your timer starts...now."
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...