Chapter 16

41 3 0
                                    

"Good morning, Class," bati ng propesor nina Rome nang pumasok ito sa pintuan ng kanilang classroom. Tumugon rin naman ng pagbati ang mga estudyante. Isang libro, boardmarker at pambura ng white board ang dala ng guro at sinimulan na kaagad niya ang klase.

Tahimik lang na nakikinig si Rome sa kanyang kinauupuan at tila ba lumilipad ang kanyang isip. Malapit sa bintana ang pwesto ni Rome kaya't hindi niya maiwasang hindi tumingin sa labas. Sumabay pa ang hangin na para kang idinuduyan kapag dumampi na sa pisngi. Antok na antok si Rome kahit hindi naman bitin ang tulog niya buong weekend. Sadyang pakiramdam niya ay pagod na pagod siya dahil na rin siguro na nanatili siyang gising sa loob ng panaginip sa loob ng mahabang oras. Abala pa si Rome sa pag iisip sa mga nangyari ilang araw na ang nakalilipas nang tawagin siya ng propesor.

"Mr. Hernandez," sambit ng guro.

"Yes, sir?" nabigla si Rome. Parang binuhusan siya ng tubig sa pagkabigla.

"I was asking if you understand what's written on the board pero mukhang nasa ibang planeta ka."

Nagtawanan ang mga kaklase ni Rome. Kahit brown ang balat ay makikita sa mukha ni Rome ang pamumula dahil sa pagkapahiya. Magkagayon man ay tumayo pa rin si Rome at ipinaliwanag ang ibig sabihin ng nakasulat na salita sa pisara at saka bumalik sa pagkakaupo.

"Good," wika ng propesor, "just pay attention Mr. Hernandez."

"Yes, sir."

Lumipas ang maghapon. Ilang klase ang kinainipan ngunit natapos at nakaraos rin. Maghapong tamlay si Rome mula sa unang klase nila sa Sikolohiya hanggang sa pinakahuling subject nilang English. Bago lumabas ng classroom ay tiningnan ni Rome ang kanyang phone at binasa ang kaisa-isang text. Mula ito kay Veronica:

Sa amin ka ulit matulog mamaya. Agapan mo pagpunta. Tulungan mo ako pagluluto.

Hindi na nagreply si Rome. Umuwi na siya agad sa bahay upang kumuha ng damit at iba pang gamit. Pagdating niya sa bahay ni Veronica, pumasok na siya kaagad sa gate, itinarangka iyon at dumeretso na rin sa pinto. Kumatok muna siya pero pumasok rin kaagad.

"Late ka Kuya," ani Veronica, "pumarito ka at tulungan mo ako."

Ibinaba ni Rome ang dalang bag sa sofa at nagtungo sa kusina para tulungan si Veronica pagluluto. Iniabot ng dalaga ang kutsilyo kay Rome at inutusan siyang hiwain ang sibuyas.

"Seriously?" ani Rome.

"Bakit? Sibuyas lang yan Kuya."

Napasimangot si Rome dahil nakita niyang chopped na lahat ng mga dapat hiwain o tadtarin maliban sa sibuyas. Sinadya ni Veronica na huwag munang hiwain ang sibuyas upang pagdating ni Rome ay siya ang gumawa noon. Nakasimangot man, pumunta muna si Rome sa mga stock ng kusina at may hinahanap na kung ano. Nagtaka pa si Veronica at tinanong pa si Rome kung anong hinahanap. Hindi naman tumugon ang lalaki.

Nang mahanap ni Rome ang isang garapon ay tumingin ito kay Veronica ng may nakakalokong ngiti. Napasimangot ang babae sa itsura ni Rome.

"Bakit? Ano 'yan?"

"Asin," tugon ni Rome.

"Alam ko, I mean aanhin mo 'yan?"

"Watch and learn," nakangising sagot ng binata.

Binuksan ni Rome ang takip ng garapon at inilagay niya iyon sa kanyang harapan malapit sa chopping board at saka sinimulang hiwain ang mga sibuyas.

"Ahhhhhh..." Napatango na lang si Veronica sa nakita. Nakangisi namang nagpatuloy sa paghihiwa ng sibuyas ang binata. Hindi niya inasahan na makakaisip ito ng paraan para hindi maiyak habang naghihiwa ng sibuyas.

Naghapunan ang dalawa nang matapos lutuin ginisang sitaw sa karneng baboy. Habang kumakain sila, ipinaliwanag ni Veronica ang ilang bagay na dapat malaman at matutunan ni Rome.

"Ang nakaengkwentro natin kagabi ay isang Shadow Beast."

"Shadow Beast?" tanong ni Rome.

"Oo, mga malalaki at nakakatakot na mga halimaw na alaga ng isang Mardrum."

Patuloy lang sa pakikinig si Rome.

"Wala pang concrete na ebidensya kung paano at saan nag umpisa ang mga Mardrum. Di gaya ng mga Shadow Beast, ang mga Mardrum ay nakakapag-isip na parang tao at katulad rin natin ng itsura nila maliban kung gutom na gutom ito sa Radiance," paliwanag ni Veronica.

Sa sinabi ng dalaga ay nanumbalik sa ala-ala ni Rome ang isa niyang panaginip. Matagal na niyang nakalimutan iyon pero malinaw ulit sa isip niya ang itsura ng kalbong lalaki na sumakal sa kanya sa tren.

"Anong Radiance?" usisa ni Rome.

"Ang Radiance ay ang kaluluwa natin sa panaginip. Ito rin ang pinanggagalingan ng ating Lucidity. Kapag isa kang Lucid Dreamer, maraming aura o Radiance ang lumalabas sa ating katawan lalo na kapag gumagamit ka ng isang pambihirang kakayahan. Para sa mga Mardrum, pagkain ito sa kanila upang mabuhay at patuloy na pumatay ng mga dreamer."

"Sila ba ang dahilan ng mga namamatay sa bangungot?" tanong ni Rome.

"Partly," ani Veronica.

"Anong partly?"

"Kuya, you see, ang target ng mga Mardrum ay mga Lucid Dreamer dahil sa ating Radiance. Ang mga normal dreamers at mga projection sa dream world ay hindi nag e-emit ng Radiance kaya't hindi sila nabibiktima ng mga Mardrum. Ang mga Shadow Beast ang threat sa mga normal dreamer lalo na sa mga taong in distress," pahayag ni Veronica kay Rome.

"So, paano makakaligtas ang mga dreamer sa mga Shadow Beast?" patuloy na tanong ng binata.

Tapos na silang kumain noon kaya't tumayo na muna si Veronica upang iligpit ang pinagkainan. Tumulong naman si Rome para mas mapadali ang gawain.

"Para masagot ko 'yung tanong mo, may pupuntahan tayo mamaya," sambit ni Veronica.

Marami mang tanong angkailangang masagot ay ipinaubaya na lamang niya ito kay Veronica. Batid rin nglalaki na marami siyang malalaman at matututunan sa pupuntahan nila ngayonggabi.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon