Chapter 33

7 1 0
                                    

Nagtitipon sa isang bilog na mesa ang anim na lucid dreamer. Dalawa rito ay babae. Pawang mga nasa pagitan ng trenta hanggang kwarenta ang kanilang edad. Mababanaag sa bintana ang isang abalang syudad sa Aurora kung saan nanggagaling ang iba't ibang liwanag mula sa sasakyan, mga gusali at sa natural na liwanag ng kalangitan na sa panaginip lamang matatagpuan.

"Kailangan nating ipahinto ang pagsusulit sa lalong madaling panahon. Isa sa mga examinee sa taong ito ang magiging tinik sa ating lalamunan kapag nakapasok iyon sa LDA." Wika ng isang lalaki sa pagpupulong.

"Sa buong kasaysayan ng LDA, kahit kailan ay hindi na-postpone ang pagsusulit, Marcus." Tugon ng isang babae. Siya ang ikalawa sa pinakamatanda sa mga nag-uusap sa hapag. "Kahit ilapit natin ito sa Ministry, malabo itong maaprobahan kung hindi natin maipapaliwanag sa kanila kung bakit gusto natin itong ipahinto."

Patuloy ang diskusyon ng mga nasa hapag nang sumapit si Alfred sa labas ng gusali kung saan nagpupulong ang anim. Muli na namang mababanaag sa mga mata ni Alfred ang ani mo'y kailaliman ng impyerno. Datha lamang ang liwanag na nanggagaling mula sa ikatlong palapag kung saan naroon ang anim na dream guardian ng LDA subalit alam ni Alfred na naroon ang mga iyon. Isang may masamang balak na ngiti ang makikita ngayon kay Alfred nang magsimulang kunin niya mula sa kanyang bulsa isang wand na ginagamit ng mga salamangkero sa mga karnabal.

"Wala na sigurong ibang paraan, Marcus. Kailangan natin siyang paslangin bago pa niya matutunang gumamit ng dream aura. Mahihirapan tayong lutasin ang problema kapag ganoon ang nangyari." Sambit ng isang lalake sa pagpupulong.

"Kung gayon.."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Marcus nang nang bigla na lamang lumitaw si Alfred sa mismong bintana malapit sa kinaroroonan ng anim. Lahat ng mga nasa hapag ay nagulat at akmang dadamputin ang kani-kanilang mga talisman subalit mas mabilis na nakapag-conjure si Alfred ng mga baraha gamit ang kanyang wand.

"Abracadabra! Hahaha!" isang histerikal na tawa ang lumabas mula sa bibig ni Alfred nang ibato niya ang mga baraha sa anim na dream guardians. Lubhang mas mabilis ang naging kilos ni Alfred sa mga ito kaya't hindi na sila nakapag-counter attack.

"Ulk!" tunog na nagmula nang tamaan si Marcus ng matalim na baraha sa kanyang leeg. Sumambulat ang kanyang dugo sa sa paligid. Ganoon rin ang nangyari sa lima pa niyang kasama. Sa isang iglap ay humandusay ang anim. Isa sa kanila ay napadapa na lamang ang duguang katawan sa mesa.

"Urkk..i..kaw.." nakakapit si Marcus habang tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo mula sa laslas niyang leeg.

Tumayo si Alfred sa gawing ulunan ng naghihingalong si Marcus. Gamit ang kanyang wand ay nag-conjure naman ito ng magic hat at isinuot sa sarili nyang ulo. Tumingkayad siya at nakangiting tinitigan si Marcus.

"Hindi kana magigising. Your soul belongs to Ikelos. Kukuku.." panunuyang wika ni Alfred sa kawawang dream guardian.

Patuloy pa rin ang paghihingalo ni Marcus nang damputin ni Alfred ang kanyang magic hat. Tumalsik ang kaunting dugo sa mukha ni Alfred nang itaga niya ang gilid ng sombrero niya sa leeg ni Marcus dahilan upang ikamatay iyon ng dream guardian. Mula sa pagkakangiti ay seryosong tumayo si Alfred upang tingnan ang iba pa. Mga wala na ring buhay ang mga ito.

Maririnig ang malakas at mahabang tunog ng limang aparato na halos sabay-sabay lumikha ng ingay. Taranta ang mga staff sa LDA kung saan lima sa capsule kung saan nakahiga ang mga regular na dream guardian ang nag-flatline. Sinubukang gisingin at i-revive ng isa si Marcus na noon ay critical na rin ang alarm ng subalit highly sedated siya ng dream serum kung kaya't hindi siya kaagad nagising. Ilang segundo lang ang lumipas nang tumunog na rin ang aparato niya senyales na wala na siyang buhay.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon