Ininda ni Rome ang pananakit ng ulo nang gumising siya mula sa pagkawala ng ulirat. Nakahiga siya ngayon sa isang lumang sofa na kulay brown. Nang tumingin siya sa itaas, nakita niya ang mga luminous na buwan at mga bituin. Mga disenyong madalas inilalagay ng mga nanay sa kisame ng anak nilang paslit. Ganoon din ngayon ang nakikita ni Rome sa itaas.
Nakasimangot na bumangon ang binata dahil naalala niya kung bakit siya nawalan ng malay. Sandali siyang naupo, inilapat ang mga paa sa sahig na tabla at kumapit sa magkabilang sentido.
"Matigas talaga ang ulo mo, kuya."
Nang tingnan ni Rome ang pinanggalingan ng boses, nakaupo rin sa isang sofa si Veronica. Madilim sa bahaging iyon ng kwarto kaya hindi kaagad siya nakita ni Rome. Nang tumayo ang dalaga ay tinamaan ito ng liwanag. Noon lang napansin ni Rome na iba ang suot ni Veronica ngayon. Malayo sa Veronicang nakikita niya sa school. Hindi na nakaimik si Rome na wari bang nalunok ang dila. Ibang-iba talaga ngayon si Veronica dahil iba ang suot niyang damit. Naka-maiksing short ito at nakaspaghetti strap.
"Bakit, kuya?" tanong ng dalaga.
"Uhm," saad ni Rome, "wala."
"Ito kasi ang suot ko nang matulog ako kaya ganito ang get up ko," paliwanag ng dalaga.
Na-conscious bigla si Rome dahil nabasa ni Veronica ang kanyang iniisip. Napatingin na rin ang lalaki sa kanyang sariling suot at dali-daling tinakpan ang ibabang parte ng katawan nang mapagtantong naka-boxer shorts at sando lamang siya.
Napangiti ng lihim si Veronica sa naging reaksyon ni Rome. Lumakad na lamang siya at kunwari'y may sinisilip sa bintana pero ang totoo ay pinipigilan ang sariling tumawa.
"Kailangan na nating gumising," sambit ni Veronica, "Pumunta ka sa Cafeteria pagkatapos ng klase mo."
Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay lumapit si Veronica kay Rome at pinitik niya si Rome sa noo. Sa bahaging gitna ng magkabilang kilay niya.
∞
Napaigtad si Rome sa higaan nang bigla siyang magising. Madilim pa sa buong paligid kaya't kinapa ni Rome kung nasaan ang kanyang phone. Nang makuha niya ito ay pinindot ang nag-iisang button sa screen. Umilaw ito, alas sais y kinse na ng umaga. Isiniksik muli ni Rome ang cellphone sa unan at muling bumalik sa pagtulog.
Late nang pumasok si Rome sa klase dahil sa muling pagtulog kaninang umaga. Matapos ang maghapong klase, hindi niya kinalimutan ang bilin ni Veronica na pumunta sa Cafeteria pagkatapos ng klase at gayon nga ang ginawa niya.
Sa Moonblend, initulak niya ang salaming pinto at nakita niyang nakaupo na doon si Veronica at nagbabasa ng magazine. Nasa gawing gilid niya ang inorder na tea at umuusok pa iyon. Lumapit si Rome sa kinaroroonan ng dalaga.
"Aray!" Napasigaw na naman si Rome dahil piningot na naman siya ni Veronica nang maupo siya sa tabi nito.
"Reality check, kuya, at para na rin sa katigasan ng ulo mo."
Giba na naman sa simangot ang mukha ng binatang wala na lamang ginawa kundi maging submissive kay Veronica.
"Bakit hindi mo ininom 'yong gamot na ibinigay ko sa'yo?" pagalit na tanong ng babae.
"Para saan ba kasi 'yon?" tanong rin ni Rome.
"It's a capsule that contains something that restrains our rapid eye movement," paliwanag ni Veronica.
"So, ayaw mong managinip ako?" tanong ng lalaki
"Isa kang Lucid Dreamer, kuya," ani Veronica, "kailangan mo muna itong matutunang kontrolin at hindi lang basta mag-enjoy sa wonderland na nakikita mo."
Nagtaka si Rome sa sinabi ni Veronica. Bakit siya pipigilan na managinip o mag-Lucid Dreaming? Hindi ba sa ganoong paraan ay mas madali niyang malalabanan ang bangungot dahil mas may kakayan na siyang kontrolin at i-alter ang kanyang panaginip? Ang mga katanungang iyon ay namutawi sa isipan ni Rome dahil sa sinabi ng kausap niya.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...