Psst, kape tayo mamaya, mga 3pm –Veronica
Ibinalik ni Rome ang kanyang cellphone sa bulsa pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ni Veronica. Kasalukuyan siya ngayong nakikinig sa klase ni Prof Jay sa Sikolohiya. Isang linggo pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng examinations sa kolehiyo pero heto na naman at punong-puno na naman ng energy ang mga guro na magturo. Sa loob ng ilang linggo ay gaganapin naman ang pinakahuling yugto ng exam niya sa Aurora at kapag naipasa niya iyon, magiging isang ganap na siyang Dream Hunter.
Hindi maiwasang isipin ng binata kung ano kaya ang magiging pagsusulit. Ilang beses na halos malagay sa alanganin ang kanyang buhay sa dream world dahil lang sa gusto niyang maging isang Dream Hunter. May mga pagkakataong nawawalan ng sense of purpose si Rome sa kanyang mga ginagawa. Maging sa pag-aaral niya sa waking life at sa kung ano ba talaga ang objective niya sa pagsali sa LDA.
"I'll see you next meeting. Goodbye, class." Pangwakas sa wika ni Jay sa klase niya na siya namang tugo ng mga estudyante.
Muling pumasok sa isip ri Rome ang pagpo-proctor ni Alfred sa kanila noong isang linggo kaya't nang lumabas ang popesor sa klase ay sumunod siya rito upang itanong ang tungkol kay Alfred.
"Itinanong nyo na ba sa teacher ninyo sa Math?" tanong ni Jay.
"Yes, Sir. Pero ang alam po niya ay si Miss Jimenez daw ang nagbantay ng pa-exam niya."
"That's odd," tugon ng propesor, "ano kayang ginagawa ni Alfred rito at bakit kailangan pa niyang mag-sneak out during exams?"
"Iyan rin po ang ipinagtataka ko." Wika ng binata.
Tinapik ni Jay si Rome sa balikat, "don't worry about it. We will address the issue kapag nasa Aurora na tayo. For now, you need to decide kung paano mo imamanipulate ang Talisman mo. Vica will guide you."
Dumeretso na si Prof. Jay sa faculty room at naiwan si Rome sa hallway. Hindi siya kuntento sa naging sagot ng propesor sa kanya. Something is wrong with Alfred. May kutob ang binata na may planong hindi maganda si Alfred sa mga examinee ng LDA. Kailangan niya itong malaman sa lalong madaling panahon.
3:16 na ng hapon ng makarating si Rome sa usapan nila ni Veronica na café. Pagpasok ni Rome, nakasimangot na kaagad ang dalaga sa kanya.
"Ano ba naman 'yan, parang hindi babae ang kakatagpuin." Bungad ni Veronica.
"Well, this ain't a date though." Sagot ni Rome.
"Hmmmp..Umorder kana." Makikita sa mukha ni Veronica ang pagkairita sa sinabi ni Rome.
Ilang minuto rin ang lumipas bago isilbi sa kanila ang mga inorder nilang kape. Muli pang tiningnan ni Rome ang kanyang pocket watch para masiguradong wala siya panaginip na kagaya ng nangyari sa kanila ni Veronica noong magkita sila sa kapihan noon.
"Speaking of your Talisman, kelangan mong pag-aralan kung paano mo 'yan imo-morph or ima-manipulate." Ani Veronica. "Malaki ang chance na ang last examination ay kailangan ng inyong combat abilities gamit ang inyong mga Talisman."
"Wait, hindi ka kasali?" pagtataka ni Rome.
"I am the mentor of the group, remember?" tugon ng dalaga, "the final phase would probably an individual exam. Hindi mo na kakailanganin ang tulong ko or ng team natin. Besides, I can use my abilities very well already sa dream world."
"Eh di ikaw na," panunuya ni Rome.
"Focus, Rome. Kaya tayo nandito para pag-usapan yan."
"Ahhh..akala ko date."
"Ano ba?!" pero may kaunting kuryenteng naramdaman si Veronica.
"Okay, ipaliwanag mo sa akin," hiling ni Rome.
"Natatandaan mo yung tungkol sa Radiance, right?" paunang paliwanag ni Veronica. "Yung life energy na meron tayo sa panaginip. Iyon din ang panggagalingan ng capabilities natin na magamit ang ating mga talisman sa pakikipaglaban sa mga Mardrum."
"Okay, what else?"
"Since may kanya-kanya tayong Talisman at may iba't ibang conditions kung paano ite-test ito sa panaginip at sa waking life, ganoon rin ang rule kung paano mo ito gagamitin as your Lucid Dreaming ability."
"Kagaya ng ginawa ni Jasper noong nasa train tayo?" tanong ni Rome.
"Oo. Noong bumuga sya ng maraming usok na pampatulog." Pagsang-ayon ni Veronica.
"So, paano ko gagamitin 'tong sa akin?" sabay tingin ni Rome sa hawak niyang pocket watch.
"Kailangan mong umisip ng kondisyon kung paano mo iyan gagamitin bilang isang abilidad. Mas komplikado ang kondisyon, mas malakas ang magiging kapangyarihan mo sa Aurora." Paliwanag ni Veronica.
"Paanong kondisyon?"
Kinuha ni Veronica ang kanyang libro. "Alam mo na naman na ito ang aking talisman. Ang kondisyon ko sa librong ito, kung ano ang isusulat ko sa isang blangkong pahina, maco-conjure ito kapag ginamit ko sa Aurora. Kung matatandaan mo yung ginawa ko sa sasakyan natin noong gumala tayo."
"Ganoon lang kasimple ang kondisyon ng talisman mo?" tanong ni Rome.
"Not quite. You see, kailangan ko pang isulat sa pahina kung ano ang kailangan kong armas o kagamitan. So, sa isang combat situation, medyo kailangan kong kumain ng kaunting oras para lang makapagpalabas ng armas na gagamitin." Paliwanag ng dalaga.
"Naiintindihan ko na. Pero hindi ba dapat ikaw lang ang nakakaalam ng kondisyon na iyan?"
"Well, I trust you." Nakangiting sagot ni Veronica.
Matagal na tinitigan ni Rome ang kanyang sirang pocket watch. Kailangan niyang isiping mabuti kung anong klaseng abilidad ang nais niyang magamit sa Aurora lalo na kapag isa na siyang ganap na Dream Hunter. Agaw-dilim na nang lumabas ang dalawa sa café. Inalok pa ni Rome ang dalaga na ihatid sa tahanan nito pero tumanggi ang ikalawa.
"Kailangan mong makapag isip-isip. Make sure na kaya mo nang i-manipulate ang capability mo pagsapit ng exam." Wika ni Veronica bago ito magpaalam kay Rome.
Sa kwarto, nakatitig sa kisame ang binata at pinag-iisipang maigi ang mga sinabi ni Veronica. Marunong nang gumamit ng Radiance si Jasper Phase 1 pa lang ng examination. Si Mitch naman ay may natural na pisikal na lakas kahit nasa Aurora. Sa kanilang team, si Rome ang pinakamahina at malaki ang tsansang bumagsak sa huling phase ng exam. Si Alfred, obviously ay mahusay na sa paggamit ng kanyang abilidad. Ang mga bagay na iyon ang bumabagabag sa kanyang isipan hanggang sa pumikit ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...