"Huh?" Napabalikwas si Mitch mula sa kanyang pagkakahiga sa kama. Lito pa siya dahil hindi niya maalala kung bakit siya naroon. Alimpungatan at masakit ang ulo. Tumingin siya sa orasan at nang mapansin na male-late na siya sa trabaho, parang tila binuhusan siya ng malamig na tubig na nagmadaling nagbihis ng damit pampasok. Hindi na rin siya naligo. Nagmumog na lamang ng bibig at dali-daling lumabas ng bahay para humanap ng taxi.
112th floor pa ang opisina niya sa gusali kung saan siya nagta-trabaho at late na siya ng labinlimang minuto. Humahangos si Mitch na nagtungo sa elevator at pinindot iyon. Nang bumukas ito, hindi kaagad siya pumasok sa loob. Hindi sanay si Mitch na sumasakay sa elevator nang mag-isa. Matindi ang takot niya sa mga enclosed na lugar dahil noong bata pa siya ay nahulog siya sa balon at matagal bago na-rescue. Kaya't mula noon, kinasusuklaman at kinatatakutan na niya ang mga enclosed na lugar.
Wala pa rin siyang nakikitang sasakay ng elevator dahil halos abala na lahat ang mga naroroon at late na late na siya. Napilitan siyang sumakay sa elevator nang mag-isa. Pinindot ang close button. Nag-umpisang tumaas ang elevator at napabuntong-hininga si Mitch. Hinihiling na sana ay makarating na ito sa floor 112 o kaya naman ay may sumakay sa mga daraanang floor para hindi na siya solo sa impiyernong lugar na iyon.
Noong nasa 13th floor na, biglang tumigil ang elevator. "Salamat naman at may makakasama ako rito," bulalas ni Mitch. Subalit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumukas ang pintuan ng elevator. Ipinagtaka iyon ni Mitch kaya't pinindot niya ang open button pero hindi pa rin ito bumukas.
"What the?"
Biglang umuga sa loob ng elevator na ikinagulantang ng lalaki. Napakapit siya sa bakal na hawakan at natatarantang nagpapalinga-linga sa bawat sulok ng elevator. Nanumbalik sa ala-ala niya ang panahong takot na takot siyang humihingi ng tulong noong malaglag siya sa balong malalim. Nadagdagan ang takot niya nang mapansin niyang unti-unting gumalaw ang buong elevator. Unti-unti itong sumisikip!
"Tulong! Aaaaah! Tulong!"
Makailang ulit na tinadyakan ni Mitch ang pintuan ng elevator. Umaasang bubukas ito subalit balewala ang kanyang ginagawa. Patuloy pa rin siya sa pagdaing at paghingi ng tulong habang halos hindi na siya makagalaw dahil sa sikip ng lugar kung nasaan siya ngayon. Walang gustong tumulong. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ilang saglit na lamang at madudurog na ang katawan ni Mitch sa loob ng patuloy pa rin na pagsikip ng elevator.
"Teka," biglang may sumagi sa isip ni Mitch, "nasa Aurora ako kanina! Panaginip lang ito! Panaginip lang ito!"
Ubod lakas na sumigaw si Mitch at pinilit ibuka ang magkabilang braso para makawala sa pagkakaipit. Bilang bumitak ang buong paligid at sa ilang saglit pa, liwanang na lamang ang namutawi sa paningin ni Mitch.
∞
"Gaaah!"
Napabalikwas si Mitch mula sa pagkakahiga. Una niyang hinanap ang kanyang poker chip. Nakapa niya iyon mula sa bulsa, kinuha iyon at natataranta pa rin na malamang nasa panaginip pa rin siya.
"Congratulations, nakapasa ka sa pagsusulit na ito."
Si Professor Jay iyon. Tumayo si Mitch at kinompronta ang propesor. Nagdemand na malaman kung ano ang nangyari sa kanya. Pinakalma ng propesor ang lalaki at itinuro ang iba pang mga examinee na nakahiga sa kama at natutulog. Merong mga gising na at at nililibang sarili. Ang iba namang gising na rin ay nakahawak sa ulo at tila takot na takot. Idinako ni Mitch ang tingin sa iba pang examinee, hinahanap ang tatlong kasamahan. Itinuro naman ng propesor kung nasaan ang tatlo. Nakahiga at tulog pa rin.
"Mas mabilis ka kaysa sa kanila. Sa ilang sandal lang ay magigising na rin ang alinman sa kanila oras na malaman nila na nananaginip lang sila," sabi ni Jay kay Mitch.
"Panaginip sa loob ng isang panaginip?" tanong ni Mitch, "hindi ba at mapanganib iyon sa mga kagaya naming hindi pa bihasa sa Lucid Dreaming? At paano kami nakatulog? Ang huli ko lamang natatandaan ay tumalon kami sa bangin." Lito pa rin ang isip ni Mitch.
"Ang binagsakan ninyo ay tubig upang hindi kayo mamatay ngunit hindi ito ordinaryong tubig. Hinaluan naming ito ng sangkap na mayroon rin sa dream serum na ginagamit ninyo sa waking life. Ang pinagkaiba, mataas ang level ng sangkap na inilagay namin dahilan upang makatulog kayo oras na bumagsak kayo sa tubig." Paliwanag ng propesor. "Bawat examinee ay kinuha ng mga staff upang dalhin sa temporary shelter na ito habang hinihintay na matapos ang pagsusulit.
"Paano naman nangyaring ang kinatatakutang bagay pa ang dapat maganap sa panaginip ko?"
"Sa ikalawang level ng panaginip matatagpuan ang mga mapapait at nakakatakot nating mga panaginip. Ang pagharap sa kani-kaniyang mga takot ang isa sa pinakamabisang paraan para malaman kung isa kang mahusay na lucid dreamer. Marami sa mga kagaya ninyo ang hindi nagiging lucid kapag pinangungunahan ng takot kaya't humahanga ako sa kakayahan mo na malaman kaagad na hindi totoo ang mga nangyari sa panaginip mo." Tahimik lang si Mitch sa sinabi ng propesor.
"Maiwan na muna kita, may kakausapin lang ako." Wika ni Prof Jay sabay tapik sa balikat ni Mitch
Tiningnan ni Mitch ang propesor kung kanino ito lalapit. Gaya ng inaasahan, tumabi si Prof Jay sa pagkakaupo ng isang babaeng may tatak na dream catcher ang damit. Kitang-kita rin ang takot sa dalaga kaya't noon narealize ni Mitch na hindi lang siya ang may phobia. Sa daanan ng pintuan naman ay nakasandal si Alfred. Walang bakas nag anumang pagkatakot.
"Sino ba itong isang ito?" wika ni Mitch.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...