Isang liwanag ang nangibabaw sa buong paligid at kasabay noon ay tumilapon ang tatlong Mardrum dahilan para mabitawan ang nag-aagaw buhay na si Rome. Bumagsak siya sa sahig at napasandal sa pader. Nanghihina na siya at halos malabo na ang paningin. Pero nakasisiguro siya sa kung sino ang aninong papalapit sa kanya.
"Magiging okay ka rin," hinawakan ni Veronica si Rome sa pisngi at hinalikan siya nito sa noo. Patuloy pa rin ang pagniningning ng liwanag sa paligid. Hindi pa makarekober ang tatlong Mardrum at nakalupasay pa rin ang mga ito sa sahig. Hirap maintindihan ni Rome kung paano nangyari iyon dahil na rin sa sugat na tinamo sa kanya at hindi siya makapag-isip nang maayos.
Sa lakas nag radiance na pinakawalan ni Veronica, tila isang balde ng dugo ito na ibinuhos sa dagat na infested ng daan-daang pating dahil ang iba pang mga Mardrum at mga halimaw na Shadow beast na ilang kilometro ang layo ay naramdaman ang malakas na aurang iyon.
Binuklat muli ni Veronica ang kanyang libro at sumulat sa blangkong pahina gamit ang lapis. Pinunit ang bahaging iyon at idiniit sa bahagi ng braso ni Rome na may sugat.
"Heal," sambit ni Veronica, at nagliwanag ang papel na iyon na nagresulta sa unti-unting pagsasara ng sugat sa braso ng binata. Ilang sandali pa ay unti-unti na ring nanumbalik ang paningin ni Rome subali't nanghihina pa rin siya at hindi makatayo.
"Ride," ani Veronica nang punitin ang isa pang bahagi ng papel at itapon sa lapag. Nag-transform ito sa isang motorsiklo . Eto ang sasakyang ginamit nila noong unang beses silang gumala sa Aurora. May kung anong sinet si Veronica sa motor bago tulungan ang binata na makasakay roon.
"Hindi ka sasama?" nangangatal pa rin ang boses ni Rome dulot ng kanyang panghihina.
"I'll hold them back. I cannot let you die, not here," naglapat ang mga labi ng dalawa. Matagal at puno ng pag-ibig. Kasabay noon ay unti-unti nang humihina ang puting liwanag na nagsilbing tila isang shield sa lugar kung saan sila naroroon.
"Goodbye, Rome," pinindot ni Veronica ang control ng motorbike at sa pamamagitan ng auto-drive ay mabilis itong umandar. Sinikap pang humawak ni Rome kay Veronica dahil ayaw nyang mawalay sa kanya subalit tila lantang gulay talaga siya ngayon dahil sa pagkaubos ng kanyang dugo at lakas.
Naramdaman ni Rome na basa ang kanyang pisngi. Dahil ba ito sa dugo at pawis dulot ng palpak niyang pakikipaglaban sa mga Mardrum? O dahil ba ito sa luha mula sa kanyang mga mata? Masaki tang kanyang dibdib sa mga nangyari. Ramdam ni Rome ang pananakit ng kanyang leeg na tila sinasakal. Guilt, regret, you name it. Iyan ang nararamdaman ngayon ni Rome dahil sa maraming beses siyang iniligtas ng ibang tao sa tiyak na kapahamakan, wala man lang siyang magawa upang iligtas si Veronica.
Habang papalayo si Rome, nagsunggaban ang maraming Mardrum mula sa itaas sa lugar kung saan naroon si Veronica. Tuluyan na ring nawala ang liwanag roon na napalitan ng pusikit na kadiliman. Tanging angil ng mga Shadow Beast ang narinig ni Rome habang papalayo siya sa bahaging iyon ng maze.
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...