Martes na at maagap na naman ang pasok ni Rome. 7:30 ng umaga ang kanyang unang klase sa Sikolohiya at nagmamadali siyang lumakad patungo sa paaralan upang hindi siya mahuli sa klase. Buzzer beater naman siya nang makarating siya sa pintuan ng kanyang classroom.
"Good morning, class," bati ng guro nila sa General Psychology. Tumugon naman ang mga estudyante at saka umayos sa kani-kanilang pagkakaupo. Dala noon ni Rome ang lumang libro niya sa Sikolohiya. Binuksan iyon at hinanap ang pahina kung saan pagbabasehan ang topic sa araw na ito. Binasa pa ni Rome ang kanyang daliri gamit ang bagong ligo niyang buhok upang mas madali ang pagbuklat niya ng pahina.
Inutusan silang buklatin ang kanilang mga aklat sa pahina 73 kung saan naka-imprenta ang paksa tungkol sa panaginip.
"Alright, class, raise your hands if you've experienced dreaming," utos ng guro sa kanyang mga estudyante. Lahat naman ng mga ito ay nagsipagtaas ng kanilang mga kamay pati na rin si Rome.
"What do you think, ilang beses kaya tayong nananaginip sa isang tulog lang?" tanong ng guro.
Isa-isang sumagot ang mga aktibong estudyante. May nagsabi na isa lang, mayroong naniniwala na tatlo o higit pa, at ang ilan naman ay tahimik lang sa kinauupuan at hinihintay lamang at ang iba ay tahimik na nakikinig sa diskusyon.
"Labing-anim at least," wika ng maestro.
"Ha?!" halos sabay-sabay na tugon ng mga bata. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng kanilang propesor kaya muling umugong ang ingay ng mga nagtatanong na estudyante na hindi magkamayaw pagtataas ng kamay.
"Eh Sir, bakit po hindi namin maalala lahat?" tanong ng isang estudyante na malakas ang boses.
Tumugon ang titser, "dahil ang panaginip ay part ng ating subconscious mind. Natalakay natin last week na kapag gising tayo, it is very difficult to retrieve what's in our subconscious. Iyan rin ang explanation kung bakit mahirap maalala ang buong detalye ng panaginip pagkagising natin."
Muling umugong ang ingay sa buong klase dahil sa paliwanag ng maetro. Karamihan sa kanila ay manghang-mangha dahil ganoon pala ang nangyayari kapag nananaginip sila. Marami pa silang mga tanong na gustong masagot lalo pa at ang paksa ay tungkol sa panaginip.
Itinaas ng isang babaeng kaklase ni Rome ang kanyang kamay upang magtanong. Ang estudyanteng ito ay kilala sa klase nila na halos lahat ng gwapong lalake ay crush niya. Inilahad naman ng guro ang kanyang palad bilang pagtanggap sa pagtatanong ng bata.
"Sir, kapag po ba may nakita akong gwapong lalaki sa panaginip ko, siya na po ba ang soulmate ko?"
Nagtawanan ang marami sa mga kaklase niya at siya naman ay kilig na kilig sa sarili niyang tanong. Excited na malaman ang sagot mula sa guro.
"I'm sorry to say, Miss Mendoza, pero hindi siya ang mapapangasawa mo."
"Ayyyy..." sabay-sabay na sambit ng mga kaklase nya.
"He was just a projection from our subconscious mind," pagpapatuloy ng guro.
Pinagtawanan pa ang dalaga ng mga kaklase niya pero hindi ito nagpadala at muling nagtanong kay Sir, "Eh Sir, bakit naman nasa panaginip ko siya?"
Ipinaliwanag ng maestro ang kanyang sagot para na rin sa buong klase. "Alright, class, everytime na may nakikita tayong mga anonymous person sa panaginip natin, projections lang sila na nabuo mula sa ating waking life."
Pinaupo na muna ng maestro ang estudyanteng nagtanong at saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag, "For example, may nakasalubong ka na tao sa labas habang naglalakad at tinamaan siya ng paningin mo. Kahit hindi mo matandaan o wala sa memorya mo ang itsura ng nakasalubong mo, nasa subconscious mind na natin ang itsura niya dahil tinamaan siya ng ating paningin. Did you get me?"
"Ahh..." sagot ng mga estudyante. Tahimik lang si Rome na nakikinig sa diskusyon sa klase. Nasa bandang gitna siya dahil sa apelyidong Hernandez kaya hindi siya maaaring matulog. Madali siyang makikita ng maestro nila.
"Kaya mas madalas na maka-encounter tayo ng taong hindi natin kilala sa panaginip dahil sa projections mula sa ating waking life." Pangwakas na paliwanag ng propesor sa tanong ng estudyante kanina.
Nagpatuloy na ang klase at mabilis na lumipas ang oras. Sa bakanteng oras ni Rome, hindi niya mapigilang isipin ang babaeng nakasalubong niya kahapon. Gusto niyang makita ang dalaga. Umaapaw ang kyuryosidad ng lalaki na malaman ang tunay na pagkatao ng dalaga dahil hindi pa rin siya mapakali at alam niya na matagal na silang magkakilala.
Sumapit ang alas-singko ng hapon at nagsiuwi na ang mga nasa eskwelahan. Habang naglalakad ay patuloy pa ring namutawi sa isip niya ang itsura ng babae. Medyo na-conscious na rin si Rome kakaisip kaya minabuti niya na pumunta muna sa Moonblend Café para umorder ng kape. Kahit estudyante siya ay affordable naman ang mga binibili niya at eksakto lang din ang allowance na binibigay sa kanya ng kanyang tita.
Isang wintermelon milk tea ang inorder ni Rome para mainitan pansamantala ang kanyang sikmura at mabwasan ang labis na pag-iisip. Naupo siya at kinuha ang isang box ng Jengga blocks para maglarong mag-isa habang nagrerelax. Walang anu-ano'y lumapit ang isang babae sa kanyang pwesto.
"Can I join?"
Halos matumba si Rome a pagkakaupo. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at wari'y nanlamig na parang bangkay ang kanyang balat. Hindi niya akalain, hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang babaeng maghapon niyang iniisip.
"Su...sure!" mautal-utal pang wika ni Rome. Hinila ng misteryosong babae ang upuan at naupo roon kaharap ang namamangha at di pa rin makapaniwalang si Rome.
"Uhm," naunang umimik si Rome, "I'm Rome," iniabot ng binata ang kanyang palad at magiliw naman itong hinawakan ng dalaga at nakipagkamay.
"Ako si Veronica."
BINABASA MO ANG
The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)
FantasyROME discovers that he is a lucid dreamer. Like many others, he thought he could harness all the powers and abilities in the dream world without limitation and consequences. Little did he know that lucid dreamers are usually prey to mardrums, monstr...