Chapter 1

36.8K 553 23
                                    

Disclaimer: This chapter contains matured content. Read at your own risk. 🔞

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para gawin ang gawaing bahay. Alas-kwatro pa lamang ay agad na akong nagtungo sa kusina para magluto ng almusal. Naglinis na rin ako at naglaba gamit ang kamay dahil ayaw ipagamit sa 'kin ni Levian ang waching machine. Kailangan daw ay maghirap ako at ito nga ang aking ginagawa. Pinunasan ko lahat ng lamesa maging ang sahig gamit ang basang damit. Ayaw na ayaw kasi ni Levian na may nakikitang alikabok dahil tiyak na isusubsob niya ko roon. Kaya hangga't maaari ay inayos ko ang trabaho.

Hindi asawa ang papel ko sa bahay na ito kung 'di masahol pa sa katulong dahil sa pinaggagagawa niya sa akin.
Naligo ako pagkatapos kong maglinis. Saktong alas singko y medya ako natapos at ala-sais naman ang labas ni Levian papasok sa opisina. Maingat kong inilagay ang almusal ni Levian sa lamesa. Mula pa man noon ay hilig ko na ang magluto at isa ang Adobo na siyang niluto ko ngayon, sa mga special recipe ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Levian na naka-suit habang pababa ito ng hagdanan. Kahit saang anggulo talaga tingnan ay napaka-gwapo nito. Subalit napakalamig tumingin at tagos iyon hanggang buto.Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bumaling sa akin ang mga mata nito.

Agad kong naramdaman ang galit sa
kanyang sulyap kaya hindi ko na kinayang makipagtitigan pa at mas pinili ko na lamang na maunang sumuko.

Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na si Levian sa mesa at gustuhin ko mang tumakbo o magtago ay hindi pwede dahil tiyak na pagagalitan ako.

Hinintay ko na lamang ang reaksyon ng asawa ko nang maisubo na nito ang pagkain. Sobra akong kina bahan at kulang na lamang ay maiyak ako nang sumama ang timpla ng mukha niya. Niluwa niya ang pagkain bago uminom ng tubig at pabagsak na hinarap ako.

"What the fuck is this shit?! It's disgusting! How can you prepare a meal like this?!" Halos dumagundong sa loob ng bahay ang boses ni Levian na lalong nakapagpakilabot sa akin.

"Do you really think I can eat this? Do you even call this food?!" Iniluwa pa nitong muli ang ibang naisubo niyang pagkain.

"P-pero m-maayos naman 'yan kanina," utal-utal kong pagdadahilan na ginawaran ng isang sampal na halos humiwalay na ang pisngi ko dahil sa lakas.

"Really? Then, eat it! Dahil kahit ata aso masusuka kapag kinain ito. Walang kwenta! Do your work properly!" Napasinghap ako nang ibuhos niya sa 'kin ang adobong nasa lagayan.

Humapdi ang dalawang mata ko dahil sa alat ng ulam at init dahil kaluluto lang ninyon. Hindi pa siya nakuntento at muli akong sinabunutan at malakas na ini-umpog sa pader.

Napahawak ako sa pader nang may makitang dugo sa palad ko at pilit na pinigilang mapahagulhol.

Padabog na umalis ang asawa ko habang naiwan akong sapo-sapo ang dumudugong ulo at tanging huni na lamang ng sasakyan ang na rinig ko hudyat na nakaalis na ito.

Doon na ako tuluyang napahagulgol.
Bakit kailangang mangyari sa 'kin to?Bakit kailangang ako ang magdusa sa kasalanang hindi naman ako ang gumawa?

Wala akong ibang makakapitan kung 'di ang sarili ko dahil maging ang mga magulang ko na sinasabing pumatay sa mga magulang ng asawa ko ay hindi ko na nakita simula nang makuha ako ni Levian.

Bakit hindi man lang nila kayang magpakita?

Bakit parang wala silang pakialam sa akin?

Bakit parang pasan ko na ang mundo?

Wala na atang mas sasakit pa sa lagay ko ngayon. Isa lang akong simpleng babae na nangarap din ng isang simpleng buhay-ang maikasal sa tamang tao at maging maligaya.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon