Chapter 38

18.4K 214 5
                                    

NAKATITIG ako sa kawalan habang hawak-hawak ko ang ballpen nang biglang pumasok ang secretary kong si Syche. Umayos ako ng upo pero hindi binibitawan ang ballpen sa aking kamay, hinarap ko siya nang may pagtatanong sa mukha.

She smiled bago inabot sa ‘kin ang brown envelope.  “Congrats, Ma’am. We succeeded!”

Mabilis kong binuksan ang envelope at isa-isang binasa ang mga laman nito. Mabilis akong nabuhayan ng loob at nawala ang masama kong mood kanina.

Ang matagal kong hinihintay ay nasa kamay ko na.Nakangiti akong sumandal sa swivel chair at pinaikot-ikot ito, hindi pa rin maalis ang malawak na ngiti sa aking labi dahil sa dala ni Syche na balita. Muli kong tinitigan ang papel. I’m
now the new major shareholder ng Hariego Inc., walang mapagsidlan ang saya ko.

Maingat kong inilagay ang papel sa ilalim ng drawer.

Niligpit ko ang mga gamit ko at dinampot ang bag ko bago lumabas ng opisina. Dinaanan ko pa si Syche para icongratulate sa kanyang trabaho. Hindi ako nagkamaling piliin siya.

Mabilis ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa parking ng building. I immediately started the engine at tinahak na ang daan patungo sa lugar na nais kung puntahan ngayon.

Tumunog ang phone ko, kinabit ko sa tainga ko ang bluetooth at kinonect sa phone. “Hello, Mom. I’m just going
somewhere. Yes, pupunta ako diyan, hindi pwedeng wala ako sa anniversary ninyo ni Daddy.”

Iniliko ko ang sasakyan ko at binaybay ang daan patungo sa lugar na natitiyak kung nando’n ang kalaban ko. Itinigil ko ang sasakyan sa tabi, mula rito ay kitang-kita ko ang mataas na gusali.

‘Hariego Inc.’

Ang ganda ng apelyido, hindi nga lang bumagay sa mga gumagamit na tao. Nakita ko kung paano duruin ni Clarisse ang dalawang security na pinipigilan siyang pumasok.

“What the hell?! Umalis nga kayo! Bakit ayaw ninyo akong papasukin?! I’m the COO of this company! Give way or you’ll regret it!” Nakaduro ang mga daliri niya sa dalawang security.

“Ma’am, pasensya na po kasi—” Mabilis na pumasok si Clarisse at hindi na pinansin ang dalawa. Bagsak ang balikat ng dalawang security bago bumalik sa kanilang pwesto.

Napangisi ako. Ni hindi man lang niya alam ang mga nangyayari—hindi man lang niya alam na malapit na siyang
mapatalsik sa lugar na ‘yan.

Habang pabalik sa opisina ay may bagay na umiikot sa utak ko. Buntis si Clarisse, ‘yan ang huli kong balita pero bakit tila ata hindi lumalaki ang tiyan niya? Nakakapagtaka lang.

Umiling-iling ako, mas mabuting hindi ko na muna alamin ang tungkol doon. Mas mabuting hindi siya buntis para hindi madamay ang bata sa mga plano ko.

Ang tanging gusto ko lang naman ay magbayad ang mga taong dahilan ng pagkamatay ng anak ko—ng anak kong walang laban sa kanila. Humigpit ang kapit ko sa manibela
bago ito ipinark.

Mabibigat ang paghinga ko habang papasok sa opisina. Hangga’t naaalala ko ang lahat, babalik at babalik sa ‘kin ang sakit na hindi kailanman malulunasan kahit pa ng
pinakamagaling na doktor.


Hindi ko na magawang tingnan ang mga empleyado ko na bumabati sa ‘kin at dumiretso na lang ako sa elevator. Dahil sa tahimik na lugar ay rinig na rinig ang tunog ng mataas
kong takong. Sulyap lang ang ginanti ko sa mga empleyadong nasa paligid.

“SYCHE, to my office please.” Binaba ko ang telepono bago tumitig sa mga papeles.

“Yes, Ma’am?” Kinuha ko ang sobre sa ilalim ng drawer at inabot sa kanya.

“For doing a great job.” Tatanggi pa sana siya nang titigan ko siya nang masama. Alam kong hindi niya ito tatanggapin kaya ginawa ko ‘yon.

“By the way, I have an important event. Maaga akong uuwi, ikaw na ang bahala rito.” She nodded bago magpaalam na lalabas na ng opisina.

Tumayo ako at pumunta kwarto ko sa loob nitong opisina. Nagpalit ako ng damit dahil feeling ko ang lagkit ko
na kahit wala pa akong kalahating araw na suot ito. Pumasok ako sa closet at nagbihis.

Dumiretso ako sa five-star restaurant kung saan naroon sina Mommy at Daddy. Hindi ito magarbong kasiyahan at tanging kami lang na pamilya ang naroon, ayaw kasi nila na makaagaw kami ng pansin kaya hindi na sila nagpa-party.

I also don’t want a party, instead mas gusto kong kasama ang mga mahal ko sa buhay. Isang beses lang ako nagpa-party at ‘yon ay noong birthday ko.

Bumilis ang lakad ko nang matanaw ko sila.

“Happy anniversary, Mom and Dad!” bati ko sa kanila.

Kumain lang kami hanggang sa magpasiya nang umuwi.
Nagpatake-out pa sila para sa mga kasambahay at mga security sa bahay. They have a beautiful heart, hindi nila nalilimutan ang mga taong nagsisilbi sa kanila.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon