Chapter 23

15.8K 192 0
                                    

NGAYON na ang uwi namin pabalik sa mansyon. Tapos na ang isang linggo naming bakasyon dito.

“Nagugutom ka na ba?” Binaling ko kay Levian ang tingin ko at naabutan itong seryoso sa pagmamaneho.

“Medyo.” Mahaba rin ang byahe namin hindi ko lang namalayan noong una naming punta dahil tulog ako.

“Okay. Kakain muna tayo,” he said bago niya itinigil ang sasakyan sa parking ng isang restaurant. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan bago inalalayan pababa.

“Welcome, Sir. Enjoy eating!” bungad ng isang empleyado ng restaurant sa amin, bahagya ko itong nginitian.

Pinaghila niya ako ng upuan at umupo sa harap ko. Nakita ko siyang lumingon sa pinto kung saan nandoon ang lalaking bumati sa amin kanina, sinamaan niya ito ng tingin.

Matalim ang titig na bumaling naman siya sa akin.

“Don’t look at him. Just look at me, only at me,” he said.

Napanganga ako.

Nagseselos ba siya? Natawa ako sa isip.

“Why are you smiling? Are you thinking of him? Damn, Andana! Can’t you see I’m jealous?” Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa inasta niya.

“I’m not thinking of him. I’m thinking of you. You’re so cute when your jealous,” nakangiti ko iyong sinabi.

“Tsk!”

Siya na ang tumawag sa waiter habang ako ay pinapanood lang siyang magsalita. Kitang-kita ko ang bawat galaw ng perpektong panga niya at ang pagtaas-baba ng kanyang adams
apple.

Ba’t gano’n? Ang hot kahit nagsasalita lang siya?

“You’re staring me, wife. I know I’m handsome.”

Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya habang nakangisi sa ‘kin.

“Yeah. Gwapo ka nga!” nakangiti kong pagsang-ayon habang nakahalumbaba.
Namula ang mukha niya pati tainga.

“Teka . . . kinikilig ka ba?” mapanukso kong tanong.

“Of course not! Hindi naman nakakakilig!”

Sinundot ko siya sa tagiliran. “Weh? Bakit namumula ka?”

Hinawakan ko pa ang pisngi niya. Hinuli naman niya ang mga kamay ko at pinagsiklop iyon sa kanya.

“Hindi ko alam kung ano ang kinikilig but I think kinikilig nga ako.” Napanganga ako.

Kinikilig pala ang isang tulad niya?

“Here’s your orders, Sir. Enjoy!” Bahagya pang yumuko ang crew bago umalis.

“Let’s eat.”

Siya ang naghiwa ng meat sa pinggan ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong dalawang taong gulang na bata na kailangang himayan.

“Ako na, Levian. Kumain ka na rin.” Kinuha ko ang kutsara sa kanya at sumubo. Inabot niya rin sa ‘kin ang tubig.

Nakita ko siyang nakatingin sa ‘kin.

“Bakit? May kalat ba ko sa mukha?” Bahagya siyang tumango kaya dali-dali kong kinuha ang tissue pero pinigil niya ako.

“No. I think my lips are better than that tissue.” Huli na nang halikan niya ako sa gilid ng labi at bahagya pa ‘yong dinilaan. Nahihiya tuloy akong humarap sa kanya. Mabuti na lang may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao dito!

Nakakahiya talaga.

“Dapat hindi mo ginawa ‘yon!” nakanguso kong saway sa kanya.

“Why? Isn’t it delicious?” Lalo akong namula.

Masarap naman kasi eh! Nagtakip ako ng mukha dahil sa pamumula. I heard he chuckled.

Nakanguso ko siyang hinarap.

“Kumain na lang tayo. Pinagtatawanan mo pa ako eh!”

Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang akong mag-isa.Palagi ko ring pinupunasan ang gilid ng labi ko.


TATLONG busina ang ginawa ni Levian bago buksan ni Manang ang gate ng mansyon. Matapos niyang i-park ang
sasakyan ay bumaba siya para pagbuksan ako.

“Careful!” Tumango naman ako bago dahan-dahang bumaba.

Nakangiti kong sinalubong si Manang at Delyn na nakaabang saamin.

“Manang! I miss you po.” Niyakap ko sila na para bang ang tagal naming hindi nagkita. Tumawa naman si Manang at
gano’n din si Delyn.

“Halatang na-miss mo kami, Ate huh?” Ngumiti ako. Tinuring ko na rin kasi silang pamilya.

“Manang at Delyn nasa kotse po ang pasalubong namin sa inyo.” Turo ko sa kotseng sinakyan namin.

“Naku, salamat, hija! Ang bait mo talaga!”

“Wala po iyon, Manang. Kuhain ninyo na po.” Nakangiti silang lumapit sa kotse.
Lumapit naman sa ‘kin si Levian. “You’re so kind, wife.”

Natuto lang kasi akong magbigay at saka hindi na sila iba sa akin.

Umakyat ako sa taas at nagbihis. Nahiga rin ako para mamahinga. Si Levian naman ay may aasikasuhin muna sa company, babalik din daw siya bago magdilim.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. Nakaramdam din ako ng bagay na nakayakap sa baywang ko.

Masaya kong minulat ang mga mata ko at pinagmasdan ang mukha niyang napakaamo habang natutulog. Pointed
nose, makapal na kilay at pilik mata, red lips, at perfect jawline—he looks like an angel habang natutulog.

Maingat akong bumangon habang sapo ang tiyan ko. Nag-ayos muna ako bago nagsuot ng tsinelas at lumabas ng
kwarto. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan at nakahawak din ako sa tagiliran ko para maayos ang paglalakad ko.

Naabutan ko si Manang na umiinom ng tubig.

“Good morning, Manang!” bati ko bago naglakad palapit sa kitchen counter.

“Good morning din. Ang aga mo nagising ah? Ipagluluto mo ba ulit ang asawa mo?” I nodded bago nagtungo sa kuhaan ng rekado para sa lulutuin kong sinangag at giniling na sinarsahan. Paborito ko ito na laging niluluto ni Mama noon.

Nagayat ako ng sibuyas at bawang para sa paggigisa. Sinunod ko ang giniling at hinalo. Makalipas ang ilang minuto
ay nilagyan ko na ito ng iba’t ibang rekado tulad ng patatas, carrots, at iba pa.

Nakatingin ako kay Manang habang hihintay ang magiging reaksyon niya sa niluto ko.

“Hmm. Ang sarap, hija! Sigurado akong magugustuhan ito ni Levian!” Napangiti naman ako.

Si Manang na ang naghanda ng lamesa para sa almusal namin. Naka t-shirt si Levian pababa ng hagdan.

“Good morning, wife!” He kissed me at naupo sa harap ko.

“Good morning! Let’s eat, ako ang nagluto kaya sana magustuhan mo.” Pinapanood ko lang siya habang
kumukuha ng pagkain at nilalagay sa pinggan niya.

“Anong lasa? Masarap ba?” I asked.

“Hmm . . . It’s delicious, wife. I think I need more,” he said.

Halos maubos ni Levian ang ulam. Humiling pa siyang ipagluto ko siya ulit pagkapanganak ko. Kahit hindi naman
niya sabihin gagawin ko talaga.

“Levian, can I eat ice cream? Please?” Nag-puppy eyes pa ako sa kanya.

“Okay!” May tinawagan siya sa telepono bago tumabi sa ‘kin at yumakap. Nagmo-movie marathon kasi kami.

May kumatok sa pintuan kaya bumaba si Levian sa kama para buksan ‘yon. Nagningning ang mata ko nang makitang hawak niya ang isang tupperware ng ice cream pagkabalik
niya.

“Thank you, Levian!” Dali-dali kong inabot ang ice cream at kumain.

“Gushto mho? Ang sharap!” Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng ice cream.

“Don’t talk if your mouth is full, baka mabulunan ka,”saway niya at pinahid ang kalat sa bibig ko.

Inabot ko sa kanya ang isang cup ng ice cream. Tinanggap niya ito at naupo ulit sa tabi ko.

Mariin kong pinahid ang luha ko pagkatapos ng movie. Nakakaiyak kasi ang ending ng kwento. Nadadala ako sa bawat eksena.

“Wife! Shh . . . It’s just a movie, okay?” Hinaplos niya ang likod ko at sinandal sa balikat niya.

“Eh kasi naman! Hindi happy ending!” nakanguso kong reklamo. Mababaw lang kasi ang luha ko. Kahit sa palabas
lang naiiyak ako. Pakiramdam ko, ako ‘yong bida sa kwento.

Nakita kong dinampot niya ang cellphone niya at may tinawagan.

“Sinong tinawagan mo?” tanong ko.

“Si Garry. Pinapahanap ko ng CD na nakakatawa para hindi ka na umiyak.” Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa
sinabi niya.

Nanood lang kami hanggang sa magpahinga uli. Hindi rin siya nagkamaling patawanin ako. Paano ba naman, movie ni Dolphy ang dinala. Nakanguso naman siya habang
nanonood.

“I am more good looking than Dolphy,” nakangusong ani nito. Pinisil ko naman ang pisngi niya at ilong.

“Yes! You’re the most gorgeous man I ever meet.” I smiled.

“Really? Well, you’re the most beautiful woman in my eyes too. No one can replace you.” Namula ang mukha ko at
sumubsob sa dibdib niya.

“Inaantok na ako . . .” saad ko habang nakasandal sa kanya.

“Sleep . . .” Hinimas-himas niya ang buhok ko hanggang sa dalawin ako ng antok.




A/N: Thanks for reading BHSW.
Vote and Comment your feedback, Tysm🥰

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon