Chapter 20

19.4K 207 1
                                    

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Akma na sana akong babangon nang may pumigil
sa baywang ko.

“Let’s sleep for a while. Na-miss kong kayakap ka,” he said in a husky voice.

I smiled bago muling humiga. Ngayon ko na lang ulit siya naabutan sa tabi ko dahil maaga ito sa trabaho.

“Hindi ka ba papasok? 7 am na.” Nakita ko kasi sa orasan ang oras kaya
nagtataka ako kung bakit nakahiga pa rin itong si Levian.

“I’m not going to the company. Sasamahan kita sa check up mo.” So, alam niyang check up ko ngayon.

“How did you know?” I asked, kasi sa pagkakaalam ko hindi ko naman sinabi sa kanya.

“Because you’re my wife. At saka, anong klaseng asawa ako kung hindi ko alam kahit man lang ang check-up mo?”
Napanguso ako.

Bakit gano’n? Ang cute niya kapag naglalambing.                     

“Pero, paano mo nga nalaman?” I asked again.

“Dr. Sanchez told me. You know, noong nagpunta ako roon binigay niya sa akin schedule mo. By the way, I’m sorry. Nitong mga nakaraan ay naging busy ako. May nangyari kasi sa company,” he said.

I just smiled at him para sabihing okay lang. Besides, nandito na siya. Bukod pa roon ay kasama ko siya sa checkup
ko.

“9 am ‘yon kaya tumayo ka na at maliligo na rin ako.”Hindi niya ako pinayagang tumayo.

“Let’s shower together, wife.” Sinamaan ko siya ng tingin. Lecheng ‘to! Kita nang malaki na ang tiyan ko, dadali pa!

“Magtigil ka, Levian. Mauuna na ko, pagkatapos ko ikaw naman.” He smirked.

“Why? Don’t you want to shower with me?” mapang-asar na ani nito.

Binatukan ko siya.

“Okay ! Okay! I’ll wait for you! But . . . later, okay?” na rinig kong pahabol niya.

Aba’t! Anong later?! Walang later!

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko siyang nakaupo sa kama.

He smiled at me. Ano ba ‘yan Kinikilabutan ako.

 “Maligo ka na, Levian.” Umikot ako at pumunta sa closet. Pumili ako ng dress na above the knee na kulay kahel.

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Levian na tumutulo pa ang tubig sa buhok. Hindi ba to nagpunas?

“Bakit basang-basa ka na naman? Wala ka bang towel “ I asked pero itinaas niya ang towel niya. Mayroon naman pala.

“Oh, bakit hindi ka magpunas Basang-basa ang buhok mo oh!”

“Ikaw magpunas sa akin.”

“What?”

“Please . . .” Umupo siya sa upuan at pilit inaabot sa akin ang towel niya.

Iiling-iling kong inabot ang towel at pumwesto sa likuranniya. Aba’t gawin ba naman akong tagapunas ng buhok niya?

“Ikaw rin magkabit ng butones ko, wife.”
Ako na naman. Loko ba ‘to?

“Ginagawa mo ba akong katulong ha?” Nakapamaywang ko siyang hinarap pero ngumiti lang siya.

“Nope! I just want to. Kinikilig kasi ako kapag ginagawa mo ‘yon. You looked like a caring wife.” Hanudaw? Kinikilig?
Weh? ‘Di nga?     

Bipolar din itong lalaking ‘to! Minsan cold, minsan sweet, tapos ito, childish.

“Let’s go!” pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot patungo sa driver’s seat.

He drove safely hanggang sa nakarating kami sa St. Jude Medical Hospital. Hawak niya ako sa baywang hanggang sa makapasok kami sa office ni Dr. Sanchez.

“Good morning, Mr. and Mrs. Demetrius. So, how areyou feeling, Andana?” she asked.

I just smiled. “Okay naman po. Masaya na medyo kinakabahan dahil malapit na akong manganak.”

“Okay but that’s normal. Normal lang sa isang buntis na kabahan lalo na at malapit na ang kabuwanan niya. You’re 6 months pregnant,” she said.

Kinakabahan kasi ako dahil first time kong manganganak. Paano kung hindi ko pala kaya? Sabi kasi nila kapag
manganganak nasa ilalim na ng hukay ang isa mong paa.

“By the way, ayaw ninyo bang malaman ang gender ng baby?” Gusto ko sanang malaman pero mas maganda kung
surprise ‘di ba?

Nagkatinginan kami ni Levian. Pinag-usapan kasi namin ito.

“No! Gusto naming surprise ang gender ng baby naming,” Levian answered.

“That’s great! Ayos naman ang tibok ng puso ni baby sa tiyan mo. Dahil na rin 3 months na lang bago ka manganak ay medyo makakaramdam ka ng kaunting kirot. But, hindi naman lagi, kapag pagod ka lang.”


“WHAT do you want to eat?” he asked habang nagmamaneho siya.

“Hmm . . . Mcdo tayo.” He nodded bago iliko ang sasakyan papunta sa Mcdo.

Siya ang umorder habang ako ay nag-aantay lang. Mayamaya lang ay dumating na siya. Tahimik lang kaming kumain.

Nasa pagkain lang din ang atensyon ko.

“Hmm! Levian, ipag-take out mo naman sila Manang.” I said.

“Okay”.

Matapos niyang magpatake-out ay napagpasiyahan na naming umuwi. Bawal daw kasi sa akin ang mapagod.

“Manang, ito ho.” Sabay abot ko nang pagkain sa paperbag.

“Salamat, hija! Nag-abala pa kayo.” Naupo kami sa sofa ni Levian at hinaplos-haplos niya ang tiyan ko.

“I can’t wait to see our child.” He smiled at hinalikan ang tiyan ko.

Napangiti ako nang maramdamang may sumipa sa loob ng tiyan ko.

“Levian, sumipa si baby! Maybe it can hear you?” Mabilis naman siyang lumapit sa tiyan ko at pinakiramdaman niya ‘yon.

I think sumipa siya dahil naramdaman niya ang presensya nang daddy niya.

“He can hear me!” nakangiting usal nito. Kinunutan ko siya ng noo.

“Pano mo naman nalamang lalaki siya?” I asked. Nagkibit balikat siya.

“Instinct?” he answered.

Well, gusto ko ring maging lalaki ang anak namin para maging kuya siya at maprotektahan niya ang mga kapatid niya.

“I want a boy to protect our princess.” Napanguso ako.

“Hindi pa nga ito lumalabas. Princess na kaagad?”Umirap ako nang makita ko ang pag-ngisi niya.

“Why? That’s not imposibble. I’m a sharp shooter remember?” Isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya.

“You pervert!” inis kong bulyaw at padabog na tumayo.

Niyakap niya ako mula sa likod at nilagay ang baba sa balikat ko. He hugged me tightly.

“I’m just joking! I like teasing you and seeing you blush, wife,” he said at binuhat ako.

“Hoy! Ibaba mo ko! Mabigat ako hoy!” Pero nagtuloytuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan.

“You need to rest, wife. Hindi ka naman masyadong mabigat.” Wala akong nagawa kung ‘di ang manahimik
hanggang sa ilapag niya ako sa kama.

“Don’t you remember what I said earlier?” Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kaninang umaga.

Later.’

“You perv!” I said pero malakas siyang tumawa.

“I’m just kidding. Just rest, wife. I’m beside you. Papanoorin kitang matulog,” he said.

Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya kaya unti-unti na akong dinalaw ng antok.


                             
END OF CHAPTER 20
AuthorsNote: Vote, Share and Follow me guys.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon