Chapter 11

21.9K 322 4
                                    

Chapter 11

HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nag-iba na ang trato sa akin ni Levian. Unti-unti nang umuusbong ang namumuong pag-asa sa puso ko na mamahalin niya rin ako nang buo, kung sino ako at hindi
kailangan ng dahilan.

“Have you eaten? Take care yourself and don’t always move para hindi ka mapagod.” Napangiti ako habang pinapakinggan ang mga paalala niya mula sa kabilang linya.

“Yeah, katatapos ko lang. Ikaw ba, kumain ka na?”tanong ko pabalik sa kanya.

Ahm . . . not yet, but I already ordered,” sambit nito. Lumabas ako pagkatapos ibaba ang tawag kasi kakain na si Levian. Naupo ako sa tabi ng pool at tiningnan ang kalangitan.

Parang kailan lang ang sama ng trato niya sa ‘kin pero ngayon iba na. Palaki nang palaki ang puwang sa puso ko na umaasa na tunay na niya akong mahal.

Hinaplos ko ang maliit na umbok sa aking tiyan.

'Mahal na mahal kita, anak. Aalagaan kita at mamahalin hindi ka pa man lumalabas sa mundong ito.’

Napangiti ako habang nakikita ang imahe ng sarili ko na karga-karga ang anak ko kasama si Levian.

We are a happy family.

Masaya akong pumasok sa loob at naligo bago nanood ng TV. Nag-search din ako tungkol sa pagbubuntis kaya
uumpisahan ko ‘yong gawin simula bukas.

I need to exercise every morning para hindi ako mahirapan manganak, maluluwag na dresses rin ang sinusuot ko para hindi maipit ang tiyan ko.

“Masaya ako para sa’yo, hhija. Ngayon ay tanggap ka na ni Levian at buntis ka pa. Magkakaroon na ng baby sa bahay na ito,” masayang ani ni Manang.

“Anong gusto mong maging pangalan ng anak mo, hija?” Napaisip naman ako sa tanong ni Manang.

“Maaga pa po para mag-desisyon pero gusto ko kapag babae ay ‘Lynsey Aine’ at kapag lalaki naman ay ‘Ace
Lincoln,” masaya kong turan kaya napapalakpak si Manang dahil napakaganda raw ng mga pangalang naisip ko.

“HINDI ba maaga pa para mamili tayo ng damit ni baby?” tanong ko kay Levian dahil inaya ako nitong lumabas at pumunta sa mall para bumili ng baby stuff.

“It’s okay! We will buy unisex clothes for now,” ani nito kaya napatango na lang ako.

Minutes had passed at nakarating na kami sa mall. Inalalayan niya ‘kong bumaba at hinawakan sa baywang bago giniya papasok sa loob.

Pumunta kami sa area kung saan naka-display ang mga baby stuff at kinausap ni Levian ang manager. Pinakuha niya ang lahat ng gamit na kakailanganin ni baby kabilang na ang crib, walker, at kung anu-ano pa.

Napangiwi ako nang makita ko ang walker, ilang taon pa ang hihintayin bago magamit ‘yan ng anak namin.
Ako naman ang pumili ng mga damit at halos lahat magaganda. Napuno ako ng kasiyahan dahil doon, lalo pa
dahil it’s my first time being a mother. Na-i-imagine ko na agad ang anak ko na suot ang mga iyon.

“Ang mga inutusan ko na ang magdadala no’n,” ani Levian kaya napatango ako. Alam ko namang hindi ‘yon kakasya sa aming sasakyan dahil sa sobrang dami. Ngayon pa
lamang ay sigurado na akong magiging spoiled ang anak ko sa daddy niya.

“Are you hungry?” Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom nang tanungin niya ako.

“Oo,” medyo nahihiya ko pang sagot kaya pumasok kami sa isang restaurant dito sa mall at si Levian ang tumawag sa waiter.

“Pasta, YangNyum Chicken, pork ribs, and a slice of chocolate cake,” saad ko sa waiter.

“Sir?” baling ng waiter kay Levian.

“Same,” maikli nitong sagot.

Ilang minuto lang ay naibigay na ang in-order namin kaya agad ko itong nilantakan dahil sa sarap, lalo na iyong meat nila.

Nagawi ang tingin ko sa dalawang magkasintahan na kumakain ng strawberry cake kaya bigla akong natakam at parang gusto kong agawin ‘yon at kainin.

“Are you okay?” tanong sa ‘kin ni Levian bago bumaling ang tingin sa tinitingnan ko. “Do you wamt a strawberry cake?”

Tumango-tango naman ako na parang bata.

“Okay, I’ll buy for you.” Tatayo na sana siya nang pigilan ko.

“But I want those,” turo ko sa cake ng dalawa. Ewan koba pero mas gusto ko ‘yon eh! Ayaw ko ng bago, gusto ko
‘yon mismo.

He sighed. “Okay, for you and for our baby.”

Nagsimula na siyang maglakad palapit doon sa dalawa at kinausap ito. Nakangiting binigay naman ito ng dalawang magkasintahan. Maglalapag pa sana si Levian ng pera nang
tanggihan nila ito.

Nagningning ang mata ko nang makitang dala na niya ito papalapit sa akin. Agad ko itong nilantakan hanggang sa naubos, dumighay pa ako bago uminom ng tubig.

Hawak ako ni Levian sa baywang habang naglalakad kami palabas ng mall nang makasalubong namin si Clarisse.

“Oh! Hi, Honey! You’re here,” nakangiting bati ng babae at akmang hahalikan pa sana niya si Levian nang umiwas ito.

Binaling ni Clarisse sa akin ang atensyon niya at pekeng ngumiti.

“Oops! Hi, Andana!”

“Bakit nga pala kayo napunta rito? At kasama ka, Andana?” sarkastiko nitong tanong na para bang hindi
makapaniwala na kasama ako.

“We went to buy some baby stuff.” Kita ko naman ang gulat sa reaksyon ni Clarisse bago plastic na ngumiti at labas sa ilong na nagsalita.

“Oh! Anyway, congrats to the both of you!” May paghaplos pa ito sa braso ni Levian na lalong nagpakulo sa
dugo ko.

“Anyway I have to go, see you around, Levian.”Kumindat pa ito bago umalis na para bang may pinapahiwatig. Hindi ko maiwasang mangamba sa mga gagawin niya.

“Don’t mind her. Let’s go home, you need to rest.” Pinagsawalang bahala ko na lang ‘yon at naglakad habang
nakahawak sa akin si Levian.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot papunta sa driver’s seat at nag-umpisang magmaneho.

“Sleep. Gigisingin na lang kita.” Unti-unti ko nang pinikit ang mga mata ko.


NAGISING ako dahil sa paglubog ng kama sa tabi ko. Unti-unti akong nagmulat at nakahiga na ako ngayon sa kama.

“Did I wake you up?” tanong ni Levian.

Kanina lang ay nasa sasakyan pa ako.

“Hindi na kita ginising at inakyat na kita rito. Halatang napagod ka at mahimbing na rin kasi ang tulog mo,”paliwanag niya.

Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako sa baywang. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya medyo nailang ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala ako sanay.

“Good night,” bulong nito bago ko marinig ang mumunting hilik niya kaya pumikit na rin ako at bumalik sa pagtulog.

A/N: Thanks for reading. Please 'Vote' and 'Share'

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon