NAPATAKBO ako sa CR nang biglang hinalukay ang tiyan ko. Pumikit ako bago humarap sa salamin at nag-ayos.
Isang linggo na akong nakakaramdam ng ganito. Tuwing umaga ay parang hinahalukay ang tiyan ko at nasusuka ako.
May sakit kaya ako?
Nagtimpla ako nang gatas at naupo sa harap ng lamesa. Naalala ko ang sinabi ni Levian noong isang araw na malapit na niyang makita sina Papa.
“hija, sasama ka ba sa pag go-grocery ko mamaya?”tanong nito.
“Baka po hindi pumayag si Levian,” matamlay kong sagot.
“Nagsabi na ako kanina at pumayag siya kaya mag-ayos ka na at aalis na tayo.” Tumango naman ako at
nagmamadaling umakyat sa taas.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Manang at pumasok sa malaking supermarket.Pumunta kami sa aisles ng mga kailangan namin. May hawak din akong listahan ng mga dapat bilhin kaya magkahiwalay kami ni Manang.
Nandito ako sa mga fruits & vegetable section kaya untiunti ko nang kinuha ang mga kailangan ko. Nahagip ng mata ko ang mangga kaya parang may sariling utak ang kamay ko at automatic na dinampot iyon. Inamoy-amoy ko muna bago ilagay sa push cart.
Sinunod kong puntahan ang mga detergent at gatas na kailangan ko.
Nakailang talon na ako pero hindi ko talaga maabot ang gatas na inaabot ko. Masyado kasi akong maliit para maabot iyon. Tumingkayad ako at tumalon, saktong nahawakan ko ang gatas, ngingiti na sana ako sa tuwa nang dumulas ang paa ko kaya alam kong sa sahig ang bagsak ko.
Mariin ko na lang na pinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko pero wala akong naramdamang sakit at tanging matigas at mainit na hininga ang tumama sa ’kin.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at halos takasan ako ng dugo nang makitang magkalapit ang mga
mukha namin habang hawak niya ko sa baywang, kaya pala hindi ako tuluyang bumagsak!
Nang makaget-over ay agad akong umayos ng tayo at tumikhim.
“Ahm . . . thank you,” naiilang kong sabi.“Nagkita ulit tayo, Andana. Masaya akong nakita ulit kita.” Nahihiya naman akong ngumiti.
Tinulungan niya kong mamili at siya rin ang umaabot sa mga bilihin na nasa matataas na stalls. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
Nakasunod lang ako sa kanya habang siya ang pumipili at nagtutulak ng push cart. Masasabi kong napaka-gentleman niya at mabait. Hindi ko rin maitatangging gwapo siya, may matangos na ilong, mapupungay na mata, mapulang labi, at katamtamang taas at magandang hubog ng katawan.
Napatingin ako sa pinya, parang nag-crave ako bigla at gusto kong tikman ‘yon. Nang mapansin ni Grey na nakatingin ako roon ay kinuha niya iyon. Umiling-iling naman ako nang mapagtanto ko na kukunin niya iyon para sa ’kin.
“Naku! Huwag na, sakto lang kasi sa mga nakalista iyong dala kong pera,” nahihiya kong tanggi.
“I’ll buy it for you then,” nakangiti niyang sabi dahilan para makita ko ang kumikintab niyang mga ngipin, may dimples din siya.
Ang dami niyang binili para sa ‘kin tulad ng pinya, mangga, at strawberry. Sinabi ko rin kay Manang na mauna
na siyang umuwi at susunod na lang ako dahil inaya akong kumain ni Grey, nakakahiya naman kung tatanggihan ko.
“Hatid na kita. Masyadong delikado sa’yong mag-isa, besides ako rin naman ang nag-aya sa ’yo,” ani nito at wala akong nagawa kung ‘di ang pumayag at magpahatid sa kanya
sa mansyon.
“Dito na lang ako,” paalam ko.
“Diba doon pa ang bahay ni Levian?” turo niya sa may unahan.
“Pero kasi—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang ideretso niya ang sasakyan hanggang sa labas ng gate.
Alas sais na rin at medyo madilim na kaya natatakot ako baka kasi nandyan na si Levian. Napatigil ako sa pag-iisip nang pagbuksan ako ng pinto ni Grey. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik.
“Good night, Andana, next time ulit.” Kumaway pa siya bago nagmaneho paalis kaya nag-umpisa na akong tumalikod at pumasok sa loob.
Lalo akong kina bahan nang makita ko sa garahe ang kotse ni Levian. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at napapikit ako nang makita ko si Levian sa sofa habang may
hawak na dyaryo.
Tumayo siya nang makita niya ako.
“Where have you been?” malamig niyang tanong at ramdam ang inis doon.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.“You’re with Grey again.” Hindi iyon tanong kasi base sa boses niya ay siguradong-sigurdo ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
“Ngayon mo sabihing hindi ka lumalandi! Mas inuna mo pa ‘yang pakikipaglandian mo kaysa sa gawain mo dito!”Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.
“You’re a whore! A slut!” sigaw niya at hinila ang buhok ko.
“Aray ko, Levian! Please, nasasaktan ako! Saan mo ba ako dadalhin?!” Kinaladkad niya ko habang hawak ang buhok ko.
“Dahil malandi ka, dito ka sa bodega matulog! Bagay kang kasama ng mga hayop dito!” Pabagsak niya kong binitawan.
“Levian, please! Sorry! Hindi ko na uulitin! Parang awa mo na, ayaw ko dito!” Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa binti niya kaya napahagulgol ako.
“Manang, ‘yong susi ng bodega kunin mo nga!” malakas ang boses na utos ni Levian dahilan para lalo akong mapaiyak.
“Hijo, maawa ka naman sa asawa mo. Napakadilim diyan at maraming daga,” pagmamakaawa ni Manang habang kinakaladkad ako papasok sa bodega at doon ikinulong.
“Levian, maawa ka sa akin! Ayaw ko dito! Palabasin mo na ako!” Masamang tingin lang ang naging sagot niya sa ’kin bago naglakad paalis.HALOS hindi ako nakatulog sa kakaiyak kagabi. Namamaluktot na rin ako at naliliyo dahil sa lamig at daming lamok. Muli na naman akong napaiyak. Nakasandal lang ako sa pader habang nakatupi ang mga tuhod ko. Buhaghag ang buhok ko at may mga luha pa ring pumapatak.
Dalawang araw na akong nakakulong dito sa bodega at gutom na gutom na ako. Pakiramdam ko’y ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko pero hindi pa rin ako pinapalabas ni Levian.
Alam ko rin na pinagbabawalan niya si Manang kaya hindi ito nakakapunta rito. Gusto ko nang sumuko at matulog na lang at ipanalangin na sana huwag nang magising.
Napasinghap ako nang may bumuhos sa aking malamig na tubig. Habol ang hininga kong pinunasan ang mukha ko at nakita kong nakatayo si Levian hawak ang isang tabo.
“L-Levian!” gulat na usal ko at malungkot siyang tiningnan.
“Bumangon ka diyan at magtrabaho! Gawin mo ang gawaing bahay at papayagan kitang kumain ngayon.”
Tumango-tango naman ako bago lumabas at naglinis.
“Diyos ko po! Patawad, hija, gustuhin ko mang dalhan ka ng pagkain at tulungan eh hindi ko magawa!” Inalalayan ako ni Manang na maupo at binigyan ng pagkain. Mabilis ko
iyong naubos dahil sa gutom.“Maligo ka muna, hhija. Kahit hindi ka na muna magtrabaho, magpahinga ka.” Tumango naman ako bago
umakyat sa dati kong silid.Umiiyak ako habang may pumapatak na tubig sa balat ko. Napaako ang tingin ko sa isang bubog. Ito ‘yong na basag na vase sa kwarto ko. Agad ko itong kinuha at itinapat sa
pulsuhan ko, bago ko pa man isaksak ay na rinig ko na ang boses ni Manang.
“Andana, ayos ka lang ba diyan?” Binitawan ko naman ang bubog at nagpatuloy sa pagligo.
“Okay lang ho ako! Paki hintay na lang ho ako sa baba,”sagot ko para hindi mag-alala si Manang.
Nang maayos na ako ay lumabas na ako para magtungo sa baba, hindi pa man ako nakakahakbang sa hagdan nang makaramdam ako ng hilo. Huli na para makahawak ako dahil
dumulas na sa hagdan ang paa ko. Ramdam ko ang sakit sa tiyan at katawan ko nang nagpagulong-gulong ako pababa ng hagdan.
“Diyos ko po! Andana, anong nangyari sa’yo?” Namilipit ako sa sakit habang nakahawak sa tiyan ko.
“Manang, sng sakit po! Ah!” daing ko.
“Hija . . . dinudugo ka!” Sa sobrang sakit ay unti-unti na akong nawalan ng malay habang sapo-sapo ko ang aking tiyan.END OF CHAPTER 8
A/N: I know maraming galit na at gusto ng patayin si Levian, well ako di naman Hahhaa apaka sama niya.
Share, Vote,Comment
![](https://img.wattpad.com/cover/255557081-288-k122759.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...