Chapter 43

17.5K 230 2
                                    


~CASSIANA POV~

Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung bakit nagawang gawin iyon ni Dante sa kaniyang sariling pamangkin, Sabagay pera ang pinag uusapan at kayamanan kaya naman nagawa nya ito. Kung ganun ay hindi ko na pala dapat pabagsakin ang kompanyang yun pero tila parang may kutob akong masama laban sa kanya.

Sumandal ako sa swilve chair habang pinapakinggan ang magandang balita para sakin.

'Isa sa bussiness industry sa bansa ang bankrupt ngayon ito ay Hariego Inc na pinamamahalaan ng Hariego Family'

Bumukas ang pinto ng office at pumasok. Nakangiti syang pumasok at umupo sa harap ko.

"Have you heard the news?" I nod.

"Yes dad," I smiled. Masayang masaya ako kasi isa sa mga kalaban ko ang unti unti nang bumabagsak.

"Nagawa mo anak," Tumango ako.

"Ofcourse dad, This is the world of bussiness, Matira matibay. At isa pa may atraso siya sakin,"

"Btw, May bussiness trip kami ng mommy mo sa Canada next week, Kaya ikaw na ang bahala dito," Pagkatapos ng usapan naming yun ni Dad ay umalis sya para sa importanteng meeting nya sa pinapatayo nilang bagong building.

Magaan ang loob kong iniligpit ang mga gamit ko. I'm going to the Charity Foundation. Nagmamadali akong bumaba sa parking , Naabutan ko ang driver ko sa labas at yumuko ito ng makita ako.

Napangiti ako ng mapakla dahil sa mga alala ala. Noong panahon na pumunta ako dito masaya at puno ng kulay ang mundo ko pero ngayon hindi ko alam..

Patungo ako sa "My home Rizal Orphanage " Ang ampunan na tinulungan namin noon. Nitong nakaraan lang biglang sumagi sa isip ko kaya naisipan kung bumalik at magbigay ng tulong.

Dahil narin sa probinsya ito ay umabot kami ng tatlong oras sa byahe. Tanging pera lang ang dala ko ngayon na donation at pagkain. Masyado kasi akong naging busy at hindi ko masyadong naasikaso.

Kahit medyo malayo pa sa harap ng ampunan ay tanaw ko na agad ang itim na kotseng nakaparada sa harap nito. Inisip ko nalang na posibleng may iba ring nagbibigay ng tulong. Natuwa ako sa isiping yun.

Hindi rin alam ng mga sister's na darating ako kaya nais ko silang surpresahin. Masaya akong pumasok sa loob at kasunod ang driver ko na syang may dala ng mga pagkain. Pansin kong mas gumanda ang playground ng lugar.

Mula rito ay rinig na rinig kona ang masayang sigawan ng mga bata tiyak na naglalaro sila at sigurado na ako ngayon na may iba pa ngang mag aabot ng tulong bukod sakin.

Kita ko ang saya at gulat sa mga mukha ni sister Gemma.  "Dana hija!" Masayang nitong ani at niyakap ako.

Yumakap din ako pabalik.

"Ate Dana!"

"Ate!"

Masaya akong lumuhod at sinalubong ng yakap ang mga bata.Isa isa ko silang hinalikan sa noo.

"Namiss kapo namin ate Dana. Akala po namin hindi kana babalik eh!" Hinaplos ko ang buhok nya.

"Naging busy kasi si ate nyo eh kaya ngayon lang ako nakadalaw," Nakangiti kong saad.

"Napunta po rito si kuya," Saktong pag angat ko nang tingin ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang nandito rin pala.

"Si kuya Levian po. Linggo linggo po sya rito ate Dana, " Tahimik ako tumayo at pilit na ngumiti.

Linggo linggo sya rito. Hindi ko alam na babalik pa pala sya dito. Nasa harap kami ng hapag kainan at saktong kaharap ko pa siya ng bangko. Tahimik akong kumain at paminsan minsang sinasagot ang tanong ng mga bata. Sana lang hindi na nila maitanong ang tungkol samin ni Levian.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon