KUMAKAIN kami nang tumunog ang cellphone ni Levian. Dinampot niya ito at sinagot.
“Hell—What? I’ll be there!” Nagmamadali siyang tumayo bago humarap sa ‘kin.
“I need to go. The company needs me,” paalam nito at uminom ng tubig.
“May problema ba?” tanong ko na may pag-aalala.
“Yeah, but don’t worry, maliit lang naman. Kailangan ko lang talagang pumunta, babalik din ako kaagad,” aniya bago ako hinalikan sa noo.
“I’ll call you later, take care,” he said.
Pinanood ko siyang sumakay ng kotse hanggang sa umalis.
“MANANG, tutulong po ako magluto,” presinta ko at sumunod sa kusina.
“Hali ka, ikaw ang maghalo nito at ako ang maggagayat ng mga rekado. Delyn, dito ka sa tabi ni Andana,” saad ni Manang at tinawag ang batang kasambahay.
Pagkatapos magluto ay nagpunta ako sa pool at umupo roon. Kumuha ako ng bulaklak at nilagay ‘yon sa tainga ko.
Tiningnan ko ang maumbok kong tiyan. It’s already 6 months. Ilang buwan na lang lalabas na ang anak ko—ang
anak namin.
Ito rin ang dahilan kaya hindi ako pinapayagan ni Levian na maglakad ng malayo o kaya pumunta kung saan-saan, baka daw kasi mapahamak ako.
Pumikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin. Hinawakan ko ang kwintas ko at pinakatitigan ang ukit sa gitna ng puso.
Tulad ni Manang parang nakita ko na ang nakaukit dito sa kwintas ko. Hindi ko lang matandaan kung saan.
Hinimas-himas ko ang tiyan ko bago ngumiti.
“Hi, baby. Excited na kami ng daddy mong lumabas ka. Mahal na mahal ka namin,” kausap ko sa anak ko.
Ang dami ko nang pangarap para sa kanya. Iniisip ko ang sarili ko habang karga-karga siya. Hindi na talaga ako makapaghintay, excited na talaga ako.
“Hija, natawag ang asawa mo. Ito ang telepono,” tawag ni Manang at inabot sa‘kin ang telepono.“Hello, wife. I miss you already. How are you? Nagpasaway ba si baby sayo?” Nakangiti ako habang pinapakinggan siya.
Napatawa naman ako dahil sa ka pagiging overacting niya.
“I miss you too at hindi nagpasaway si baby kasi hindi pa naman siya lumalabas.” I laughed.
“I’m just excited. You know first baby natin siya,” aniya kaya napangiti ako.
“Ako rin. Na-i-excite na akong makita siya. Anong oras ka uuwi?” tanong ko.
I heard him sighed.
“Sorry, wife. I don’t know the exact time, baka gabihin ako nang uwi. Huwag mo na akong hintayin, okay? Just rest. Don’t worry, paggising mo bukas katabi mo na ako,” saad nito para pagaanin ang loob ko.
“Okay, mag-ingat ka pauwi ha?” paalala ko.
“Yes, wife. Take care too. I need to hang up. I love you.” Ngumiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
“I love you too,” mahinang anas ko sapat na para marinig niya.
Pagkatapos nang tawag ni Levian pumasok ako sa loob at doon naman naupo. Sa totoo lang nabo-bored na ako rito. Taas-baba lang ang nagagawa ko, mag-ikot sa napalaking bahay, at tumingin ng mga bulaklak.
Tulad nang sinabi ni Levian, hindi ko na siya hinintay. Natulog ako nang maaga para na rin makapagpahinga.Nagising ako na may nakayakap sa ‘kin. I smiled when I saw Levian by my side, hugging me.
Simula nang magising ako na katabi siya noong isang araw. Minsan na lang kami magkasama kumain. Masyado siyang busy sa kompanya, ayan ang lagi niyang sinasabi. Palagi ko siyang iniintindi dahil alam kong trabaho niya ‘yon.
Pagmatutulog ako wala pa siya. Kapag nagigising naman ako nakaalis na siya. Isang linggo nang gano’n. Nag-aalala tuloy ako para sa kanya dahil alam kong pagod siya sa trabaho.
Kung may maitutulong lang sana ako.
Naligo ako bago kunin ang phone at itext si Riza. Ngayong araw kami magkikita. Hindi alam ni Levian dahil wala akong panahon at hindi kami magsabay para masabi ko.
Alam ko namang papayag siya dahil kasama ko naman ang hinire niyang bodyguards.
“Hija, may lakad ka ata? Kaya mo ba?” Ngumiti ako para sabihing kaya ko.
“Kaya ko naman po at saka kasama ko naman ang mga bodyguards ko. Madali lang ho ako, may kikitain lang akong
kaibigan,” paliwanag ko.
Bumaba ako sa tapat ng café, maingat ang paglalakad ko dahil malaki na rin ang tiyan ko at halata na. Dress lang ang suot ko at flat na sandals.
Nakita ko sa may tabi ang taong matagal ko nang hindi nakikita—my bestfriend.
“Dito lang muna kayo, doon lang ako sa loob.” Itinuro ko sa bodyguards kung saan ako papasok, tumango ang mga ito.
Pagkatapos kong kausapin ang mga bodyguards ko ay nag-umpisa na akong pumasok. Nakangiti niya akong niyakap
pero nanlaki naman ang mata niya nang bumaba ang tingin sa tiyan ko.
“What the—” hindi makapaniwalang usal nito habang nakatingin sa itsura ko. Hindi ko siya pinatapos at pinaupo muna.
Grabe tong babaeng ‘to. Hihiyaw na naman.
“So ano na? Bakit ka buntis? Huwag mong sabihing aksidente lang ‘yan. Ano ‘yon nasagasaan ka ng rumaragasang—" Tinakpan ko ang bibig niya. Halos
pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng café.
Natawa ako sa asta nito.
“Ingay mo naman. Kaya nga ako nakipagkita para sabihin sayo diba?” aniya ko.
“Bilisan mo magkwento ha? Gusto ko mula sa simula hanggang ngayon. Aba! Umalis ka lang tapos heto buntis ka na?” sambit nito, excited na excited malaman ang nangyari.
“Oo na ito na nga,” saad ko nakangiti.
Kinwento ko sa kanya mula umpisa kung paano ako kinasal at kung bakit. Grabe ang reaction niya. Nasa part na ako na sinasaktan pa ako ni Levian.“Ano? Hayop na lalaki ‘yan! Nasa’n ‘yan ha? Samahan mo ko sa kanya, papatayin ko ‘yan,” galit itong tumayo pero nagsalita ako.
“Patapusin mo kaya muna ako, Riza? May karugtong pa kasi ‘wag kang atat,” usal ko kaya naupo ito ulit.
Diniretso ko ang pagkukwento ko na nalaman niya na buntis ako at naging mabait na siya sa ‘kin. Sinabi kong
inaalagaan na ako nito.
“Ay tanga pala ‘yang lalaki na ‘yan eh! Kung kailan malapit ka nang mamatay saka lang bumait,” pailing-iling ito, iritado
pa rin.
“Pinatawad ko na siya, ‘yon din naman ang hiling ko noon pa, ang maging mabait siya sa ‘kin.” Ngiti ko na lamang sa kanya para ipaaalam na okay lang ako.
“Ano? Pinatawad? Agad? Ang bilis mo namang magpatawad! Grabeng ka-martyran naman niyan, Andana,” hindi makapaniwalang ani nito.
“Mahal ko eh, alam mo naman diba? Kapag nagmamahal ka kahit nasaktan ka, magpapatawad ka dahil nga mahal mo
siya? At isa pa, ‘yon naman ‘yong gusto ko, ang bumait siya kaya bakit pa ako magpapakipot diba?” paliwanag ko na
lamang pero tila hindi ito kumbinsido.
Tumayo si Riza kaya nagulat ako.
“Saan ka pupunta?” taka kong tanong.“Bibili ng trophy pang-award ko sayo. ‘The best-martyr wife’,” kumumpas-kumpas pa ito sa ere.
Napairap pa ito kaya natawa ako.
“Kahit ‘wag na trophy. Ilibre mo na lang ako,” tawa ko pa.
“Ano pa nga bang magagawa ko? Pero, teka . . . ikaw ang mayaman ah? Ikaw ang mang libre!” sambit nito na ayaw maisahan.
Mabilis niyang tinago sa loob nang bag niya ‘yong wallet.
“Joke lang naman, ako talaga ang magbabayad. Pangbawi ko rin sayo,” sambit ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Riza at halos tungkol sa akin ang topic. Alas-tres na nang hapon ako nakauwi.
Nakauwi ako sa bahay pero wala pa rin si Levian. Siguradong mag-o-overtime na naman ‘yon sa trabaho.
Umakyat ako sa itaas at nahiga sa kama. Inamoy-amoy ko ang unan ni Levian. Sa ganoong paraan kasi ay parang katabi
ko na rin siya.Nami-miss ko na siya.
END OF CHAPTER 19AuthorsNote: Share, Vote, Comment
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...