Chapter 21

17K 194 1
                                    

NGAYON ang punta namin sa beach ni Levian. Malaki na ang tiyan ko dahil anim buwan na ito pero pumayag siyang pumunta roon dahil sa hiling ko.

Isa pa nakakalakad pa naman ako nang maayos. Naiinip na kasi ako sa bahay dahil maghapon lang akong nandoon.

Nag-leave rin si Levian para alagaan ako.

“Manang! Alis na po kami. Ingat kayo rito,” paalam ko habang palabas ng mansyon. Ang mga bodyguards ang may bitbit ng mga gamit namin.

Sabi sa ‘kin ni Levian baka abutin daw kami ng 1 week. Sigurado akong marami na kaming magagawa sa isang linggo.

Kami lang ang magkasama ni Levian. Pinaiwan niya ang mga bodyguards.

“You can sleep. I’ll wake you up.”
Humikab at nagpunas muna ako ng mata para i-check kung may muta ako nang magising ako. Napansin ko ring
nakatigil na kami. Nilingon ko ang katabi kong nakatingin din sa ‘kin.

“Nasaan tayo? Bakit nakatigil pa tayo?” Nilibot ko ang paningin ko sa labas. Nasa harap kami ng isang malaking
building. Tanaw ko rin ang dagat sa ‘di kalayuan.

“We’re already here.” Gulat naman akong napatingin sa kanya.

“Bakit hindi mo ako ginising?” nakanguso kong tanong.

“I don’t want to disturb you while you’re sleeping. Kaya mas minabuti kong pagmasdan ka at hintaying magising,” he said.

Namula ako. Ano kayang itsura ko habang natutulog? Baka nakanganga ako? Aish!

“Kung iniisip mo kung ano ang itsura mo . . . don’t worry, you looked like an angel sleeping.” Inismidan ko naman ito.

“Tara na nga!” Nauna na akong lumabas at hindi na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto.

“Hey! Wait for me, wife. Baka mapaano ka!” Nasa likuran ko ito at humihiyaw pero nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nakita ko sa gilid ang isang lalaking mukhang may lahi base sa itsura nito.

Nilapitan ko ito para pagtanungan.

“Hey! Can I ask where’s the lobby?” Malaki kasi ang lugar at talagang mahihirapan kang hanapin ang lobby nito.

“Hi, Miss beautiful.” Tinuro niya ang daan. Aalis na sana ako at sasamahan ng lalaki nang may humawak sa braso ko at hinapit ako papalapit sa kanya.

“Hey man, I’m her husband. We don’t need your help here,” matalim na usal ni Levian.

Hindi na ako nakapalag pa nang hawakan niya ako sa baywang at naglakad paalis. Nakakahiya tuloy doon sa lalaki. Hanggang pagkarating namin sa room hindi pa rin ako pinapansin ni Levian.

Kanina ko pa siya sinusuyo. Naubos ko na lahat ng magagandang salita na alam ko pero nagtatampo pa rin ang
lalaki.

Ewan ko ba dito, daig pa ang babae kung magtampo!

“Hubby, I’m hungry. I want to eat!”

Yes, pati tawag ko sa kanya ay pinalitan ko na. Ginawa kong hubby para mas romantic pero wala pa rin.

“You can eat what you want,” malamig na saad nito.

Napanguso ako.

“Feed me please?” pati ka-cutetan ko ay dinamay ko na.

“May kamay ka naman diba?” Nakakainis talaga. He promised me na susubuan niya ako kahit kailan ko gusto pero ngayon . . . busy siya sa phone niya habang nakangiti!

Hindi ko maiwasang mainis. Mukhang may ka-text pa ata ang gago. Kaya siguro ayaw niyang maistorbo.

Padabog akong tumayo para umalis. Nabubwesit na rin ako, kanina ko pa siya sinusuyo pero walang nangyayari.

Kung ayaw niya akong samahan, kakain akong mag isa!

Magpakasaya siya sa ka-text niya!

Kinuha ko ang wallet ko bago pumunta sa pinto para buksan ‘yon.

“Where are you going?”

Wow! As in Wow!

‘Edi, kakain!’ Gusto ko ‘yong isigaw sa kanya pero mas pinili kong taasan siya ng kilay.

“Wife, answer me.” Inis ko siyang binalingan ng tingin.

Nagtanong pa! Kita na ngang gutom na ako.

“Kakain mag-isa sa labas. Pero kapag nakita ko ‘yong lalaki kanina magpapasama akong kumain.”

“What?”

“Bingi ka ba? Bahala ka na nga diyan! Magsaya kayo ng ka-text mo! Bwesit!” Nagmartsa ako palabas.

Maingat akong naglakad. Ramdam kong nakasunod siya sa akin.

“Wife! Wait for me. I’m sorry okay? Ako ang sasama sayo. Damn! I will kill that fucking bastard.” Napatigil ako at
nilingon siya.

“Sasamahan mo ako? ‘Di ba ayaw mo? Doon ka sa katext mo.” Muli akong tumalikod. Hindi na ako naiinis ngayon.
Iniinis ko lang talaga siya. Aba!

“Wala naman akong ka-text! I’m sorry wife.” Para itong bata na nakanguso sa harap ko at hinahawakan ang kamay ko.

“Sigurado ka?” Tumango-tango naman siya.

Good boy!

“Aish! Ako dapat ‘yong sinusuyo ngayon . . .” rinig kong bulong niya.

“May sinasabi ka?” kunwaring galit kong singhal.


PAGKATAPOS kumain ay naglibot-libot pa kami. Pero umakyat din agad dahil bawal sa akin ang mahamugan.

Tanghali na ako nagising dahil sa sarap ng tulog ko. Masarap kasi sa pakiramdam ang simoy ng hangin dito. Hindi kami gumamit ng aircon at hinayaan lang na bukas ang bintana.

Wala na siya sa tabi ko. Nasaan na naman kaya ‘yon?

Na rinig ko ang rumaragasak na tubig mula sa banyo. Ngayon alam ko na kung nasaan siya.

“Good morning, wife! Let’s eat outside. Nagpahanda na ako ng pagkain natin,” he said pagkalabas niya ng banyo.

Pagtapos kong mag-ayos at magsipilyo ay bumaba na kami patungo sa kubo na nirentahan niya.

Naabutan namin ang iba’t ibang putahe roon. Nakahanda ito at nakapalibot sa lamesa. Puro seafoods ang karamihan
doon kaya mas lalo akong natakam.

“Wow! Ang laki naman nito. Pwede kong kainin ‘to?”Itanaas ko ang malaking crab at hinarap kay Levian.

“Of course. Eat what you want. Ako na ang maghihimay kumain ka na lang.” Siya ang naghimay para sa akin kaya
masaya lang akong kumain.

“Busog na ba kayo ni baby?” he asked and I nodded.


MAGKAHAWAK kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan. Naka t-shirt siya at naka-shorts. Kitang-kita
ang hubog ng katawan niya. Samantalang ako ay naka-dress na puti na hanggang tuhod.

Lahat ng atensyon ng mga tao malapit sa amin ay nakatuon sa aming dalawa. Paano ba naman kasama ko ang
napakagwapong lalaking ito. Pati mga babae ay halos tumuwad na habang naka-bikini kapag dumadaan si Levian.

Mabuti na lang hindi sila pinapansin ng asawa ko.

Habang patuloy sa paglalakad lumapit sa’min ang isang babae na luwang-luwa ang kaluluwa sa bikining suot niya.  

Nakakainis. Halatang bina balandra niya ang katawan niya kay Levian.

“Hi!” malanding bati nito at tumigil sa harap namin. Hindi siya pinansin ni Levian at binigyan lang ng tingin na walang emosyon.

Buti nga sayo.

“Oh! May kasama ka pala. Kapatid mo?” Nag-init ang ulo ko sa na rinig.
Kapatid? Mukha ba akong kapatid?

“He’s my husband.” May malaking ngisi sa labi ko para isampal sa kanya na asawa ako ng lalaking gusto niyang
landiin.

“Really? Hindi kasi halata. Hindi kayo bagay! Mas bagay kami!” mapang insultong ani nito.

Humigpit ang kapit ni Levian sa akin pero gusto ko pang gumanti sa babaeng ito.

“Kayo? Bagay?” Tumawa ako para insultuhin siya.

“Paano kayo babagay, eh ‘hayop’ ka?” diniinan ko ang salitang hayop. Nakikinig lang si Levian sa amin. Ramdam kong gusto niya nang umalis pero hindi pa ‘ko tapos.

“By the way, kompanya nga naaagaw, asawa pa kaya?”Nakangisi ito samantalang ako ay tumawa.

“Talaga? Bato nga na babasag, mukha mo pa kaya?” nakangisi kong balik sa kanya.

“Let’s go, hubby! Iwanan na natin ang asong ito na tahol nang tahol.” Iniwanan ko siya roong nakanganga. Maaaring
martyr ako pero hindi ko siya aatrasan. Isang lapit pa niya basag ang mukha niya!

“You did great, wife,” he chuckled. Pinaningkitan ko siya ng mata.

“So . . . masaya ka pang nilalandi ka ng babaeng ‘yon?”

“Of course not!”

“Eh, bakit tawa ka nang tawa?” Naiinis ako. Hindi daw siya masaya pero tawa naman ng tawa ang gago.

“Because of you, wife. Pinabilib mo ako. Job well done! Napahanga mo ako kanina. Natalo mo ‘yong asong malandi,” hindi ko maiwasang matawa.

Asong malandi. May accent pa siya habang sinasabi ‘yon.

                                        
                  
END OF CHAPTER 21

VOTE, COMMENTS, SHARE
THANK YOU FOR READING

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon