Chapter 14

19K 255 3
                                    

ONE week had passed mula nang dumalaw ako kina Mama at Papa.

Maaga akong gumising para maghanda. Masaya ako dahil
makikita ko na ulit sila at higit sa lahat ay dahil sasabihin na nila sa akin ang katotohanan.

Naghahalo ako ng niluto ko nang may yumakap sa akin mula sa likod.

“Good morning, wife,” bati niya kaya napangiti ako.

“Good morning,” I greeted back at isinalin na ang niluluto ko.

“Kain na tayo,” aya ko bago tawagin si Manang at ang bagong katulong.

Pinaghila ako ni Levian ng upuan bago siya umupo sa harap ko. Si Manang at Delyn ang naghain.

Delyn ang pangalan ng bagong katulong na siyang pamangkin ni Manang.

Tahimik lang kaming kumain.

“Levian, ngayon ulit sana ako dadalaw kina Mama? Papayag ka ba ulit?” I asked him.

“Of course, may kasama ka namang bodyguards,” sagot nito. I smiled at him and hugged him tightly.

Umakyat ako sa taas at naligo. Masaya akong bumaba ng hagdan para batiin ang mga bodyguards ko.

“Good morning!” I greeted loudly habang pababa ng hagdanan.

“Good morning, Ma’am,” sabay-sabay nilang bati at bahagyang yumuko.

Pahakbang na sana ako palabas nang marinig ko ang balita sa TV. Lumingon ako at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang iyak na gustong kumawala. Nabitawan ko ang sling bag ko at nanginginig ang tuhod habang pinapakinggan ang balita.

No! Hindi ‘yan totoo! Hindi!

Ayaw kong maniwala sa balita. Gusto kong itatak sa isip ko na nagsisinungaling lang sila—na lahat ng ito ay hindi totoo pero kitang-kita sa screen ng TV ang mga bangkay nila.

Hindi ba ay magkikita pa kami? Sasabihin pa nila sa akin ang totoo? Pero bakit ganito? Anong nangyari?
Bakit sila namatay?

Ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat. Hindi ko namalayang nakasalampak na pala ako sa sahig habang umiiyak.

“Andana! Okay ka lang?” Niyakap ako ni Manang at niyakap ko rin siya pabalik at doon umiyak ng umiyak.

“Pupuntahan ko sila! Kailangan kong pumunta para malaman ang katotohanan!” Pero pinigilan akong umalis ni Manang.

“Andana, makakasama sa’yo ‘yan at sa anak mo,” paalala nito.

“Walang mangyayaring masama sa akin, Manang. Kailangan ko lang talagang pumunta doon,” naiiyak na
sambit ko at mabilis na umalis.

Dali-dali akong lumabas at tinakbo ang ospital kung saan dinala sina Mama at Papa. Naabutan ko ang mga pulis doon.

“Nasaan sila? Nasaan ang mga magulang ko?” umiiyak kong tanong.

Sinamahan ako ng mga pulis sa morgue. Hindi ako makahinga, parang hindi ko kaya. Napahagulgol ako nang malapitan ko sila na nakahiga na at walang buhay.

“Ma! Pa! Gumising kayo, please! ‘Wag ninyo naman pong gawin ‘to! ‘Wag ninyo naman po akong iwan!” umiiyak kong sambit habang niyuyugyog sila.

“Diba mag-uusap pa tayo ngayon? May sasabihin kayo sa akin diba? Pero bakit ganito? Bakit ninyo ako iniwan? Ang daya niyo naman eh!” I cried.

“Kayo na lang ang mayroon ako, tapos mawawala pa kayo?” umiiyak kong sumbat habang nakatingin sa bangkay nila.

Hindi ko matanggap. Ang hirap at sobrang sakit.

Pinahid ko ang luha ko bago humarap sa mga pulis.

“Anong nangyari sa kanila? Bakit humantong sa ganito?”I asked them.

“Natagpuan namin ang mga bangkay nila sa CR ng kulungan. Parehas na silang walang malay at bumubula ang bibig. Base sa resulta ng test na isinagawa, nalason ang mga
magulang mo.” Umiiyak akong humarap sa kanila at binigyan sila ng nagtatakang tingin.

“Pero bakit? Bakit sila nilason?! Sinong gumawa?” Hindi ko mapigilang hindi sumigaw.

“Hindi pa namin alam, Ma’am. Pinagpapatuloy pa namin ang imbestigasyon,” pahayag nito.

Alam kong may gumawa nito. Kung sino man sila ay plinano nila ito para hindi masabi sa akin ng mga magulang ko ang totoo.


NAKAUPO ako sa waiting area nang dumating si Levian.

“Wife, na balitaan ko ang nangyari. Are you okay? Kumain ka na ba?” he asked pero umiling ako.

“Wala akong gana,” I said habang nakatulala.

“Alam kong nasasaktan ka, pero you need to eat para lumakas. Makakasama ‘yan kay baby.” I nodded.

Tinawagan niya ang mga bodyguards at nagpabili ng pagkain. Iniisip ko pa rin ang nangyari. Sobrang sakit. Ang
hirap paniwalaan—ang hirap tanggapin.

Sinubuan niya ako dahil nanginginig ang mga kamay ko. Nakaapat na subo pa lang ay umayaw na ako. Wala talaga akong gana lalo pa sa ganitong sitwasyon, parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak hanggang sa mawala ang sakit at mamanhid ako.


Si Levian ang nag-asikaso ng burol ng mga magulang ko. Nagmukmok lang ako sa kwarto at bahagyang kumain.

“Hija, kumain ka na. Nagluto ako ng paborito mo,”tawag ni Manang sa labas ng pinto.

“Susunod na po ako.” Kailangan kong magpalakas, ayaw kong mahirapan sila dahil sa pag-aalala sa ‘kin.

Bumaba ako at naupo sa harap ng lamesa. Inaya ko rin sila Manang na sabayan ako, mabuti na lang at pumayag sila. Hindi ko trip kumain mag-isa, feeling ko maiiyak na naman ako.

Natapos kaming kumain at naupo ako sa sofa.

“Manang, kailan po ang uwi ni Levian?” tanong ko.

“Pauwi na rin iyon, hija—” Na rinig naman namin ang busina ng sasakyan mula sa labas. “Oh, ayan na pala siya.”

Sinalubong ko ng yakap si Levian.

NAKAUPO ako sa harap ng kabaong ng mga magulang ko habang katabi ko si Levian na nakahawak sa kamay ko.

“Masakit pala talaga sa pakiramdam na mamatayan ng magulang,” saad ko kaya tumikhim siya.

“Ngayon alam ko na ang naramdaman mo noon,” I said at tiningnan siya.

“Hindi kita masisisi kung bakit galit na galit ka, dahil kahit ako, sobrang galit din ang nararamdaman sa
kung sino man ang may gawa nito sa kanila!”

“Pero mali ako dahil sinisi kita,” he said at niyakap ako.

“Okay lang, naiintindihan kita,” I said.

Habang nakatingin sa harapan ay hindi mawala sa isip ko ang mga bagay-bagay tungkol sa pagkamatay nila Mama. Kung sino ang nasa likod nito? May galit ba siya sa kanila kaya nila ginawa iyon?

Galit?

Biglang pumasok sa isip ko si Levian. Galit na galit siya kina Mama at Papa pero posible ba? Posible bang siya ang may kagagawan nito?

Nakita kong papalapit sa akin si Levian. Siya kaya?

Kailangan ko siyang tanungin.

“Levian . . . ayaw kong isipin ito pero . . . may kinalaman ka ba sa pagkamatay nila?” naiiyak kong tanong kaya nagulat siya.

“Galit ka sa kanila, diba?” dagdag ko pa.

He sighed heavily bago ako hinarap.

“I admit na galit ako sa kanila—sobra. Pero hindi sumagi sa isip ko na patayin ang mga taong alam kung sobra mong pinapahalagahan. Alam
kong iniisip mong isa ako sa mga posibleng may kagagawan nito, pero hindi. Hindi ko ‘yon magagawa.”

Nakahinga ako nang maluwag, alam kong sincere siya. Sana nga hindi siya, dahil hindi ko kakayanin kung sakali mang may kinalaman nga siya sa nangyari.

NGAYON ang araw ng libing nila. Patunay na wala na talaga akong pamilya bukod sa magiging anak ko.
Yakap-yakap ako ni Levian habang umiiyak. Unti-unti akong humakbang para silipin sila sa huling pagkakataon bago hinagis ang putting bulaklak sa ibabaw ng mga kabaong
nila.

“Mahal na mahal ko kayo . . .” I whispered in the air.

Nagtagal pa kami ni Levian sa sementeryo bago magpasyang umuwi.

Kakayanin ko ang lahat ng ‘to para sa anak ko—para sa sarili ko. Alam kong darating din ang araw na malalaman ko rin ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.


THIRD PERSON’s POV


SAMANTALANG sa ‘di kalayuan ay nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng hood. Nakatingin siya sa anak ng
yumaong mag-asawa. Siya ang nakakaalam kung sino ang
nagpapatay sa mga magulang nito pero natatakot pa siyang lumabas sa ngayon.

Masyado pang mahirap at delikado ang sitwasyon.





END OF CHAPTER 14
Share , Vote , Comment
A/N: Fb acc: Sandara Demetrius
Thank you
Don't forget to follow me on facebook😍

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon