Chapter 52

17K 213 4
                                    

ANDANA’s POV

BALISA kaming lahat dahil sa pagkawala ni Mommy. Ramdam ko ang matinding pag-aalala ni Daddy ngayon.
Nanginginig ang kamay niya sa bawat oras na lumilipas na hindi namin siya nakikita. Biglang bumalik sa alaala ko ang usapan namin ni Clarisse.

Gusto kong sabihin kina Levian pero nag-uumapaw sa ‘kin ang takot na baka saktan nila si Mommy. Ayaw ko munang gumawa ng maling desisyon ngayon.

“Wife, are you okay? Don’t worry, we will find your Mom.” Hinaplos niya ang buhok ko bago ako halikan sa noo.

Thanks to him dahil lagi siyang nandyan para palakasin ang loob ko. Akala ko noon malakas na ‘ko. Akala ko kaya ko
na pero kapag pamilya na ang napag-uusapan, nanghihina ako.

“Dad!” ani ko at niyakap siya.

Ramdam ko ang luhang tumulo sa balikat ko kaya hindi ko mapigilan ang umiyak din.

“Shh! Mahahanap natin siya, Dad. We will find Mommy—safe!” Niyakap ko lang siya hanggang sa medyo um-okay na siya.

“Mahirap pong hanapin ang location nila, Sir. Masyado itong malayo para mahagilap ng GPS. Ginagawa po namin
ang lahat para matunton sila,” anang officer.

“Okay. Thanks,” saad ni Levian habang pinapanood naming maglakad papalayo ang mga naatasang maghanap kay
Mommy.

Humarap siya sa ‘kin.

“It’s late. You need to rest,” aniya bago iginiya papasok ng mansyon.

THIRD PERSON’s POV

MARIING napapikit ang ginang nang malakas siyang sampalin ni Clarisse sa magkabilang pisngi. Nakagapos ang
kanyang mga kamay sa upuang kinauupuan niya ngayon.

Nakapiring din ang kanyang mga mata kaya naman hindi niya makilala kung sino ang mga taong nasa likod nito.

“Who the hell are you?! Anong bang kasalanan ko sa inyo?! Can you bring me back to my family?!” Isang ngisi ang
kumawala sa mga labi ni Clarisse.

“Ikaw, wala kang kasalanan, but your daughter? Hmm . . . marami. Sobrang dami.” Bumalik sa kanya ang lahat. Ito lang naman ang dahilan nang pagkasira ng buhay niya. Ito ang umagaw sa mga bagay na gusto niya.

“Mabait ang anak ko! Wala siyang kasalanan sayo!”

“Who the hell are you to say that?! She’s a whore! She stole Levian from me! She stole everything from me!” she shouted.

Galit siya, galit na galit siya.

“Wala siyang kinuha sayo. Ikaw ang may kinuha sa kanya! You killed her son, remember? Kung may dapat mang
maghiganti . . . ang anak ko ‘yon, at hindi ikaw!”

Para namang nagpantig ang tainga ni Clarisse at mahigpit na hinawakan ang mukha ng ginang. Mahigpit ito kaya naman napadaing ito.

“Masakit? May mas sasakit pa diyan oras na hindi magpakita sa ‘kin ang anak mo!”

“No! Don’t hurt my daughter! Ako na lang!” Humalakhak si Clarisse bago dahan-dahang tinanggal ang
panyong nakatakip sa mga mata nito.

“No one can stop me now. No one.” Bakas sa mukha ng ginang ang pagkagulat.

“Clarisse . . .” nasambit niya.

“Yes, it’s me.”

“Anong plano mo sa ‘kin? Are you going to kill me? Then kill me now! ‘Wag mo nang idamay ang anak ko!”

“’ Wag kang atat. Darating din tayo diyan, but before that. . .” Naglakad ito palapit sa kanya habang hawak ang isang
kahoy.

“Ah! You’re going to pay for this! Ah!” Hinang-hina ang ginang nang nakailang hampas si Clarisse sa braso at mga binti nito. Naka-video rin ang pangyayari at ipapadala lang niya naman ito kay Andana.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon