“DON’T wear that. Change your clothes,” sambit nito sabay turo sa suot kong damit.
Napanguso ako.
Kanina pa kami nagtatalo tungkol sa suot ko. Ano bang mali sa suot ko? Naka off-shoulder na dress lang naman ako na above the knee.
“Maganda naman ‘di ba?” tanong ko pagkatapos ay umikot sa harapan niya. Tumalim lang ang tingin nito sa akin.
“Maganda nga pero ayoko pa rin, you should change your clothes. Iyong mahaba at hindi kita ang likod mo,” saad pa nito.
Napanganga naman ako. Hindi makapaniwala sa inaasta niya. Nasa beach kami for pete’s sake! Tapos pagjajacketin niya ako?! Loko ba siya?
“Ano? Pero nasa beach tayo, Levian! Tapos magjajacket ako?” inis kong saad.
“Okay . . . pero dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang lalayo,” he said, halatang frustrated.Magkahawak kamay kami habang nag-iikot sa beach. Maraming tao. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa akin kaya nilingon ko siya.
“Makakapatay na talaga ako,” rinig kong bulong nito.
Kunot ang noo ko siyang tiningnan.
“Ano?” I asked.
Nginuso niya ang mga kalalakihan na nakatingin sa amin.
“Those fucking bastards! I will kill them,” umiigting ang pangang sambit nito.
“Bakit mo naman sila papatayin, aber?” taas ang kilay kong tanong sa kanya.
“They are staring at you! Fuck! I can’t control it. Damn! Let me punch him.” Akmang aalis na ito nang higpitan ko
ang hawak sa kanya.
“Don’t mind them. Tara kain na lang tayo, ginugutom na ako,” pag-iiba ko sa usapan at hinila na ito palayo.
Habang naglalakad pabalik sa room nadaanan namin ang grupo ng nagba-volleyball. Gusto ko sanang sumali kaya lang buntis nga pala ako.
“Are you tired?” tanong niya na ikinaling ko.
“Tara doon, gawa tayo ng sand castle,” pag-aaya ko.
Kumunot ang noo nito. Alam kung pambata ‘yon pero gusto ko pa ring gawin.Matagal na kasi noong huli akong gumawa noon. Kasama ko pa sina Mama at Papa. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Totoo pala talaga na nagiging emosyonal kapag buntis.
“Fuck, wife? Why are you crying? Are you hurt? Okay, okay gagawa tayo ng sand castle!” Natawa ako habang. pinupunasan ang luha ko. Hindi naman ‘yon ang dahilan kaya ako umiiyak.
“Really?” I pouted.
Umupo siya sa buhanginan at pinaupo niya ko sa lap niya. Mahihirapan daw kasi ako. Nakayakap lang siya sa ‘kin mula sa likod habang gumawagawa ako ng castle gamit ang buhangin. Nakangiti ako nang matapos ‘yon at hinarap siya.
“Maganda ba?” He nodded bago sinuklay ng kamay niya ang nakalugay kong buhok. Nilagay niya sa tabi ng tainga ko ang mga takas na hibla ng buhok ko.
“Alam mo bang matagal na noong huli akong gumawa nito. Kasama ko pa no’n sina Papa at Mama. Unang sweldo
kasi nila no’n sa trabaho tapos ay ipinasyal niya kami ni Mama rito. Sobrang saya ko noon kasi first time ko,” nakangiti kong kwento.
Hinawakan niya ang mukha ko bago pahidin ang mga luha ko. Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing naaalala sila.
Mga panahong kasama ko sila. Napakabait nila sa akin.
“Miss na miss ko na sila . . .” umiiyak kong saad.“Shh! Don’t cry, wife. I’m here. I will never leave you.”Niyakap niya ako.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya.
“I can be your shoulder everytime you’re hurt and you wanted to cry, I will always be here for you.” Hinimas-himas niya ang buhok ko hanggang sa tumahan ako.
Nagpapasalamat ako kasi nandito siya sa tabi ko. Hindi man maganda ang aming simula. Ramdam kong sincere siya sa lahat ng ginagawa niya.
Inalalayan niya akong tumayo.
“Saan tayo, Levian?” Naglalakad kami papunta sa hindi ko alam na direksyon. Medyo tabi ‘to ng hotel na tinutuluyan
namin.
“Wishing falls,” simpleng sagot niya.
Mayroon pala no’n dito.Nakarating kami sa hindi kalakihang talon. Marami ring
tao rito. Siguro humiling din sila at namamasyal dahil ang ganda ng paligid. Nakakamangha dahil mayroon pala nito rito.
“They said kapag humiling ka rito ay magkakatotoo. I never believe it pero wala namang mawawala kung susubukan ko ngayon.” Napatango ako. Tama siya wala namang mawawala.
Hinawakan niya ang kamay ko. Pumikit ako para humiling.Simple lang ang hiling ko. Ang matupad ang hiling ng taong mahal ko.
Ang hiling ni Levian.
Bumukas ang mata ko at saktong nakatingin siya sa akin.
“What are your wishes?” he asked.
“Hiniling kong matupad ang mga hiling mo. Masaya ako kapag nangyari ‘yon,” I said. Nangunot ang noo niya.
“Hindi ka humiling para sa sarili mo?” Umiling ako.
“Hindi. Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon. Ikaw at ang magiging baby natin. Masaya na ‘ko,”
ngiti kong saad.
Wala na talaga akong mahihiling pa. He smiled bago ako halikan sa noo at yakapin.
“Let’s go.” He rounded his arms on my waist.
PUMASOK ako sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng malaking t-shirt ni Levian na binigay niya. Naabutan ko
siyang nakaharap sa laptop at may ginagawa.
Dinampot ko ang phone ko sa table at tinawagan ang telepono sa mansyon.
“Hello! Sino ito?” si Manang ang sumagot ng tawag kaya napangiti ako.“Manang, si Andana ho ito.”
“Andana! Kamusta kayo diyan ng asawa mo? Masaya ba kayo diyan?” Ngumiti ako.
“Oo naman po, Manang. Masaya po kami dito. Maganda po kasi ang lugar at maaliwalas. Kayo po kamusta?”
“Ayos naman kami. Ikamusta mo na lang ako sa asawa mo. Inaalagaan ka ba niya?”
Napatawa ako. “Oo naman ho, Manang. Inaalagaan niya ako ng sobra. Sige ho. Ikakamusta ko kayo sa kanya.”
“Sige, hija. Ibababa ko na ‘to. Ingat kayo!”
Binalingan ko ng tingin si Levian na nakakunot noong nakatingin din sa akin.
“Sinong kausap mo?” he asked habang papalapit sa ‘kin.
Umupo siya sa tabi ko.
“Si Manang, nangamusta lang.” He nodded bago humiga sa tabi ko.
Sinenyasan niya akong humiga sa braso niya kaya sinunod ko. Nahiga ako sa braso niya at niyakap siya patagilid. Amoy na amoy ko ang manly scent niya. Nakasubsob ako sa dibdib niya habang nakayakap gano’n din siya.
Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa noo ko. He kissed my forehead.
“Let’s sleep. It’s already late.” Tumango ako at pumikit hanggang sa dalawin ng antok.
END OF CHAPTER 22VOTE, SHARE, COMMENTS,
THANK YOU FOR READING
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...