Chapter 30

19.4K 198 0
                                    

NAGISING ako dahil sa tumamang mumunting sinag sa mukha ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago bumangon. Wala na si Levian sa tabi ko, tanging note lang sa
lampshade ang naiwan.

Nagtimpla ako ng gatas bago umupo sa harap ng dining table pagkababa ko.

“Good morning, hija. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita.” Tumango na lang ako bago uminom ng gatas.

Bacon, egg, hotdog, at tocino na may kasamang fried rice ang kinain ko. Masyadong marami pero ewan ko ba, nagugutom ako at parang gusto kong kumain ng marami. Si Manang na rin ang nagligpit ng pinagkainan ko.

Nag-ikot pa ako sa garden at pinagmasdan ang mga bulaklak. Nakakawala sila ng stress, sa totoo lang. Napakaganda at napakabango nila.

Naglakad na ako pabalik sa mansyon at naupo ako sa sofa at para magmuni-muni. Kanina ko pa ito nararamdaman eh, parang may nakalimutan ako.

Ano nga bang araw ngayon? Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang calendar.

“Shit!” Napatayo ako sa kinatatayuan ko at napatakip sa bibig.

It’s our anniversary today. Kaya pala parang may naaalala ako ngayon—anniversary pala ng kasal namin.

Nag-isip ako ng gagawin, dapat may gawin ako diba?

Anniversary namin ngayon. Kung noon ay ni monthsary ay wala, siguro naman ngayon pwede na kasi ayos na kami.

Huminga ako nang malalim bago nagtungo sa kusina. I’m 7 months pregnant now kaya lalong dumoble ang saya ko at wala nang mapaglagyan.

“Hija, anong ginagawa mo? Magluluto ka ba?” Humarap ako kay Manang at tumango.

“It’s our anniversary day, Manang. Maghahanda ako ng surpresa sa kanya. Pwede ninyo po ba akong tulungan?”

Magluluto ako ng paborito niyang ulam na adobo. Inilagay ko ito sa Tupperware at masayang nilagay ito sa bag.Kumuha rin ako ng mixer para gumawa ng cake sa tulong ni
Manang na halatang masaya rin.

Maya-maya ay natapos ko na itong i-bake at nilagay sa isang box. Nakangiti ko itong nilagyan ng icing at message sa itaas.
‘Happy 2nd Anniversary Hubby.’

 “Manang, maganda ba?” Tumango ulit si Manang.

“Tiyak na magugustuhan ‘yan ni Levian, hija. Happy Anniversary sa inyo.”

Pagkatapos kung ilagay sa bag ang mga dala ko ay tiningnan ko ang phone ko nang magtext si Levian.

‘Wife, I miss you.’

Napangiti ako, hindi ko sasabihing anniversary namin ngayon dahil nga isu-surprise ko siya.

‘I miss you too’ reply ko at ngumiti.
Umakyat na ako para maligo.

Naghanap ako ng pinakamagandang damit na maisusuot at napili ko ang peach na dress na medyo kita ang likod, lampas tuhod ko ito kaya
hindi ako maiilang.

Sinuot ko ito bago humarap sa salamin. Maganda nga. Kahit malaki na ang tiyan ko ay bumagay pa rin ito sa makinis at maputi kong balat. Kinuha ko ang sandals na binili namin dati at sinuot. Bagay na bagay din ito sa ‘kin.


Naupo ako sa harap ng salamin at kinuha sa drawer ang make up kit ko na minsan ko lang gamitin. Naglagay ako ng light make up at lipstick bago humarap sa salamin.


Sinuklay ko rin ang buhok ko. Inipit ko ito gamit ang hairpin na matagal ko nang hindi ginagamit. Regalo ito sa ‘kin nina Mama at Papa noong 18th birthday ko.

Tumayo na ako at kinuha ang shoulder bag bago bumaba at pinatawag kina Manang ang mga bodyguard na makakasama ko. Pinapasok ko na rin sa kanila ang mga dala ko sa loob ng sasakyan bago ako sumakay sa backseat.


Tiningnan ko ang oras at maaga pa naman kaya naisipan kong dumalaw muna sa puntod nila Mama.


“Kuya, dumaan po muna tayo sa cemetery.” Niliko niya ang sasakyan.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon