Chapter 29

14.9K 163 0
                                    


~ANDANA POV~


Hanggang ngayon palaisipan parin sakin ang tungkol sa pagkatao ko . Posible kayang yun din ang nais nilang sabihin noon subra akong naguguluhan hindi ko mapigilang umiyak at masaktan kung totoo nga yun. Tunay ngang sa una palang wala na pala akong totoong pamilya .


Bumuntong hininga ako .


Kaylangan kung maging malakas para sa anak ko para kay Levian alam kong ngayon ay hindi na ako nag iisa.


Ininom ko ang gatas ko bago humarap sa salamin ilang buwan nalang manganganak na ako. Ilang buwan nalang magiging isang ganap na ina na ako.


Sinuklay ko ang buhok ko bago ipuyod pataas. Kinuha ko ang librong pinabili ko kay Levian tungkol sa pagbubuntis lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa veranda.



Binuklat ko ang unang pahina ng libro kung saan pinapakita kung paano at kung ano ang gagawin ng isang buntis. Sinunod sunod ko iyon hanggang sa paraan kung paano manganak at huwag magpanic dahil makakasama ito.


Naalala ko kahapon ang itsura ni Levian sobra syang nag alala ng umuwi ako at makitang parang wala sa sarili. Halos sumabog na kasi ang utak ko kahapon kakaisip sa katotohanan. Katotohanang pilit akong tinatakasan. Bakit ganun? Ang ilap sakin nang tadhana tila ba napakarami kung kasalanan.


Sa mga pinapakita nya lalo akong napapamahal sa kanya. Hulog na hulog na ako at hindi ko alam kung paano umahon sa bangin ng pag ibig na pinagbagsakan ko.


Ipinatong ko ang libro sa coffetable at humarap sa veranda. Natatangay pa ng bahagya ang buhok ko dahil sa simoy ng hangin. Malamig din ito dahil dumadampi ito sa balat ko. Tiningnan ko ang papataas na araw. Alam kung pagkatapos nang liwanag ay may dilim na kailangang paghandaan . Talagang walang permanente. Kahit malaman ko ang totoo. Hindi mababago ang pagmamahal ko kina Mama at Papa. Mahal ko sila at kailan man ay hindi magbabago yun.



Napatingin ako sa likod ko nang magsalita doon si Delyn.
" Kakain na po sa baba hali na po kayo "


" Susunod na ako " Tumango naman sya bago maglakad paalis. Nagumpisa narin akong maglakad. Nasa trabaho si Levian at maagap itong umalis kaya hindi kami nag kasabay sa pagkain.


Nagningning ang mata ko sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.
" Mukhang masarap po ito " Naupo na ako at sumandok. Napapapikit ako sa sarap .


" Specialty ko yan iha. Ganyan lagi ang niluluto ko sa mga anak ko. Salamat at nagustuhan mo " Ngumiti ako bago muling sumubo.


Uminom ako ng tubig pagkatapos. Kumain din ako ng strawberry na pinadeliver ni Levian. Naupo ako sa sofa at nagbukas ng TV . Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng balita. As usual wala paring nagbabago sa mga balita mapa radyo man o telebisyon.


Umakyat ako sa taas at naligo naglalagkit narin kasi ako dahil hindi ako nakapaghalf bath kahapon dahil sa pagod at stress. Alam kong bawal ako maistress pero hindi ko talaga mapigilan.


Naabutan ko sina Manang na nagaasaran parang nakay delyn ang pokus nila dahil pulang pula ito.


" Bakit po pulang pula si Delyn ? " I asked nang makaupo ako sa bangko.



Humagikhik naman si Manang. " Iyan kasing batang yan . May gusto raw kay Mateo sa hardinero natin " Lumipat ako ng tingin kay Delyn at nakataklob na ang kamay nito sa mukha. Napahagikhik din tuloy ako.


" Naman eh! " Nakataklob parin ang kamay nito sa mukha kaya lalo akong natawa. She's like a tomatoes . Ang cute



Napangiti ako nang pumasok si Mateo ang bago naming hardinero. Bata pa rin ito at kaedad ni Delyn . Maitsura din ito kaya hindi malabong magustuhan ni Delyn.


Nakita kung tumagilid si Delyn. Nahihiya .
Ang alam ko may itatanim si Delyn ba bulaklak sa garden kaya may pumasok na ideya sa utak ko.
" Mateo pwede bang tulungan mo si Delyn na magtanim ng bulaklak sa garden" He smiled.


" Opo Ma'am" Nakita kong nagulat si Delyn at hindi naitago ang namumulang mukha.


Napahagikhik kami ni Manang nang makaalis sila. " Halatang gusto nya si Mateo " Tumango tango naman ako.


" Andana ayos kana ba ? Huwag kang masyadong mag isip ng kung ano ano. Malalaman mo rin ang lahat " Tumabi sya sakin at niyakap ako.


" Ayos na po ako. Salamat sa paalala . Halika manang samahan mopo ako maglakad lakad sa labas " Tumango naman sya kaya sabay kaming lumabas.


Malawak ang Villa Fairland halos lahat malalaking bahay ang nakatayo. May mga bata ring naglalaro sa mga gate ng bahay kasama ang mga magulang nila. Sa tagal ko rito bilang lang araw na lumabas ako at mamasyal sa paligid.


" Manang ang ganda ho pala rito. Ngayon lang ako nakarating dito eh " Nasa playground kami na maliit lang pero maganda. Nasa tabi lang ito ng mansyon .


" Oo naman iha. Alagang alaga ito ng pamilya Demetrius noon. Dinadayo pa ito ng mga bata sa kabilang village "


Naupo ako sa Swing. " Napakaganda po talaga. Kaya siguro nawiwili ang mga bata dito " . Kumpleto ang lugar. Halos lahat ng nasa playground ay narito.


Naglakad na kami pabalik sa mansyon. Naabutan pa namin sina Mateo at Delyn na nagtititigan . Tumikhim ako kaya nahihiyang lumayo sila sa isa't isa at humarap sakin.


" Magmeryenda muna kayo sa loob " Aya ko . Tumango sila. Nauna na akong pumasok at nagtimpla ng juice. Nagslice din ako ng tinapay at nilabas ang ham .
Nagprito ako bago kumuha ng sauce para dito. Nilabas ko din ang Palaman na nasa garapon. Ako na ang naglagay ng palaman sa tinapay at nilagay yun sa isang pinggan.
Tumulong si Manang sa pagdadala sa Sala.


Parang isang pamilya ang turing ko sa kanila . Saba'y sabay kaming kumain sa sofa. Nagkwentuhan din kami. Inaya ko din ang dalawang security sa labas.


Tumunog ang telepono. " Ako na po Manang kumain lang po kayo dyan " Tumayo ako at pumunta sa Telepono.


" Hello, Villa Fairland Residence " Ani ko.


" Wife! It's me " I know it's Levian.


" Levian, Napatawag ka, May problema ba ? " Agad kong tanong.


" Nothing. I'm on my way. May ipapabili kaba ? " He asked. Parang bigla akong natakam sa Fries at Fried Chicken. At saka Chocolate Cake.


Pagkatapos kung sabihin yun . " Bakit ka nga pala napaagap umuwi ? " nagtataka lang ako kalimitan kasi mga hapon pa ang uwi nya.


" I'm done to my work. Wala rin akong meeting ngayon. Wait me . I'll hang up "
Pagkatapos ay pinatay nya na ang tawag.


Bumalik ako sa sofa. " Sinong tumawag iha ?" Manang asked habang umiinom ng juice. " Si Levian po, Pauwi na raw sya " .


Bumusina ang sasakyan at alam kung si Levian na ito. Sinalubong ko sya sa pintuan at binigyan ng halik. Sabay na kaming pumasok. Inaabot nya sakin ang pinabili ko.


Umakyat sya sa taas para magpalit ng damit dumiretso naman ako sa kitchen counter at pinatong ang mga paperbag. Naamoy ko ang mabangong amoy ng friend chicken kaya nilabas ko ito at agad nilantakan. Tumatakaw na talaga ako.

Hinigop ko pa ang natirang gravy . Nilabas ko ang dila ko at pinaikot sa tabi ng labi ko. I heard him groaned. Nakakunot ko syang tiningnan.
" Bakit Levian ?" I asked. He smirked.


" Your turning hard on me again " Naglipbite pa sya habang pinaglalaruan ang mapupula nyang labi.


" Titigil tigilan moko sa kahalayan mo Levian !" Umiwas pako ng tingin.

" I know, Just " Palapit sya nang palapit sakin . Ang husky din ng boses nya. " Just let me kiss you " Hindi na ako naka angal ng sakupin nya ang labi ko. Noong una ay nagulat ako pero kalaunan ay gumanti ako sa napakainit nyang halik na unti unting bumubuhay ng init ng katawan.


Sipsipan . Dilaan ang ginawa namin na halos mapaungol ako ng kagat kagatin nya ang ibabang labi ko. Bahagya nya ring pinipisil ang bewang ko.


Akmang baba na ang halik nya sa leeg ko nang marinig namin ang singhap ni Manang.


" Ay! Dyos kung mahabagin ! . " Mabilis na lumayo ako kay Levian at inayos ang sarili. Nakakahiya naabutan pa kami ni Manang sa ganoong sitwasyon . Sinamaan ko si Levian ng tingin. Kasalanan nya ito.



" Maigi pa . Sa kwarto nyo na ituloy iyan " Tuluyan nang pumasok si Manang dala dala ang pinabili nyang gulay. Nag init ang pisngi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Levian.


Hinapit nya ko kaya bahagya ko syang hinampas . " Letche ka , Kasalanan mo yun eh. Nakakainis , nakakahiya kay Manang " .


" Nothing to worry. Your lips is delicious. I think i want more "


Sinamaan ko sya ng tingin

" Magtigil ka . "



END OF CHAPTER 29

A/N: UNEDITED pa po ito Maya sorry kung may wrong grammar
VOTE nyo guys. Thank

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon