Chapter 16

19.2K 242 4
                                    

NAMUMULA pa rin ako dahil sa nangyari kanina, hindi naman kasi pumasok sa isip ko na maapektuhan siya. Ayan tuloy napunta kami sa kama. Na rinig ko naman ang
pagtikhim ni Levian na nasa likod ko.


Yes, sa likod dahil nakaupo na naman ako sa lap niya!

Aba! Baka mamaya nito may iba na namang puntahan ‘to.

Kaya ito ako, todo ingat, mahirap na. Ready to fight pala itong alaga niya.

“Baby, bakit ang tahimik mo?” he asked me habang tinitingnan ang mukha ko pero todo iwas ako.

Ayaw kong makita niyang namumula ako.

“W-wala,” binaling ko sa iba ang paningin ko. Kunwari nagtitingin-tingin ako ng mga gamit.

“Really? Iniisip mo ba ‘yong nangyari kanina?” Inis ko naman siyang binalingan ng tingin.

“Hindi ah!” mariing tanggi ko at bumusangot.

“You’re too defensive, baby,” pang-aasar niya.

“Ouch! You’re so harsh, baby. I’m just telling the truth!”Hinamas-himas pa nito ang braso niyang hinampas ko.

“Nakakainis ka talaga! Aalis na nga ako!” Patayo na ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sa baywang ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

“Ano ba, Levian?! Nakikiliti ako!” Iniiwas ko ang leeg ko sa kanya dahil nakikiliti ako sa pag-amoy-amoy nito.

“I like your smell, baby . . .” Tinampal ko naman ang braso nito.

“Manyak ka talaga!” namumula kong saad kaya bahagya siyang natawa at kinurot pa ang pisngi ko.

“Atleast ikaw lang minamanyak ko. Oh, you’re blushing again, baby. You’re really in love with me, huh?”

Nakakainis ‘to! Masyado akong pinapakilig! Pati tuloy tinggil ko kinilig na! ‘Nyeta!

Nakarinig kami ng tikhim kaya mabilis pa sa alaskwatrong napatayo ako. Nahihiya naman akong yumuko
dahil ang Tito ni Levian pala ito.

Oh my god! Hindi man lang namin napansin na nakapasok na pala siya! Letcheng kalandian kasi ito!

“Sorry, Levian, can we talk?” Tumingin naman sa ‘kin si Levian. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Nakalabas na ang dalawa pero ako ito namumula pa rin sa kahihiyain. Ano na lang ang ihaharap kong mukha sa tito niya? Sigurado akong na rinig niya ang usapan namin.

Si Levian kasi eh! Masyado akong pinapakilig!

Ilang minuto lang ang hinintay ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Matangkad siya, gwapo, naka-business suit din siya, at halatang mayaman dahil sa
pormahan.

“What are you doing here?” Kunwaring seryoso kong tanong baka mamaya magnanakaw pala ito.

“Nandito ba si Levian?” Tinaasan ko naman ito ng kilay.

“May nakikita ka bang Levian dito?” medyo may pagkamataray ang pananalita ko kaya napanganga siya bago kumamot sa ulo.

“Ah hehe wala . . . pasensya na.” Kumakamot pa ‘to sa ulo habang nailing-iling.

“Ano pangalan mo?” bigla’y naitanong ko.

“Kanina pa ako nandito ngayon mo lang tinanong?”Tumaas naman ang kilay ko.

“Eh ngayon ko lang naalala. Bakit may problema ba?”Mabilis naman siyang umiling.

“Wala, walang problema. Ahm . . . I’m Axel Santiago,bestfriend ni Levian,” pagpapakilala nito kaya nawala naman ang mataray kong ekspresyon at agad na napalitan ng masayahing ngiti.

“Talaga? Ako si Andana, asawa niya ako.” Bigla naman siyang napangiti.

“Ikaw pala ang asawa niya, you’re beautiful. Nice to meet you.” Lalapit na sana siya para makipagkamay nang may baritonong boses na nagsalita.

“Back off, bastard! She’s mine.” Matalim ang titig ni Levian kay Axel kaya nagtaas ito ng dalawang kamay.

“Easy, dude! Wala akong planong agawin siya!”natatawang saad ng kaibigan niya.

So ‘yon lang ‘yon? Nag-seselos siya kaya umeksena siya sa pag-uusap namin ng kaibigan niya.

Aba! Sana all.

“Good. Now, what are you doing here?” seryosongtanong ni Levian.
Magkaibigan ba talaga sila?

Hindi halata. Wala man lang sweetness.

“Napadaan lang, may ka-meeting kasi ako malapit dito. Naisip kong dumaan na-miss kita eh.” Inis naman itong
binalingan ng tingin ng asawa ko.

“Fuck you, dude. Get out. You’re just disturbing me.”Tinuro ni Levian ang pinto.

Tatawa-tawang naglakad palabas si Axel at may pahabol pang salita.

“I love you, dude!” Napatawa ako nang mahina dahil sa pag-aasaran nilang dalawa.

“That bullshit.” Tumatawa pa rin ako dahil umuusok na ang ilong ni Levian.


“Grabe ka! Hindi ka man lang nag-‘I love you too’,”natatawang kong pang-aasar din sa kanya kaya binalingan niya ako ng tingin.

“You’re teasing me too, wife,” nagtatampo nitong ungot.

Ay hala! Aakala ko pa man din sisigawan niya ako, ‘yon pala ngunguso lang sa harap ko.

“Yiee! Ang cute talaga ng pisngi mo,” pinisil ko ang dalawa nitong pisngi at pinanggigilan.

“Let’s go.” Nagtataka akong tumingin sa kanya.

“Saan?” parang bata kong tanong.

“Restaurant,” simpleng sagot nito at giniya na ako palabas.


PINAGTITINGINAN kami ng mga tao kaya nakaramdam ako ng hiya.

“Don’t be shy. Sila dapat ang mahiya sa’yo,” he said kaya sa una ko na lang binaling ang tingin ko.


Tahimik lang kami sa pagkain dahil busy ako sa pagnguya,ang sarap kasi!

“Ang sarap!” masaya kong sabi.
Ngumiti naman siya.

“Ahm Levian? Saang side mo Tito ‘yong nasa office kanina?” Wala akong maisip na topic kaya ito ang naisip ko.


“Kay Dad.” Tumango-tango naman ako.


“Nasa kompanya mo rin pala siya?” dagdag ko pa.


“Yeah. One fourth ng shares sa kompanya ay sa kanya.” Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay.
Napag-alaman ko ring dalawa lang na magkapatid ang Daddy at Tito niya.


Wala rin daw pamilya ang Tito niya at mag-isa ito ngayon.

Ewan ko ba, pero nawi-wierduhan ako sa Tito niya.Minsan kasi nahuhuli ko itong nakatingin sa ‘kin. Para bang may iniisip. Naisip ko tuloy baka ayaw niya sa ‘kin para sa pamangkin niya.


Pangalawang beses ko pa lang siyang nakita, ngayon at noong libing nina Mama at Papa.


“Let’s go. Malapit nang mag-six ng gabi kaya kailangan mo nang magpahinga.” May tinapos kasi si Levian na mga papeles. Nagpresinta pa nga siyang ihahatid na lang niya ako kanina pero tumanggi ako.
Nag-stay ako sa kwarto sa office niya at nanood ng TV habang kumakain para mawala ang inip ko.


“Tara.” Hinapit niya ako sa baywang bago pagbuksan ng pintuan. Umikot siya sa driver’s seat at nag-umpisang
magmaneho.

               
                 
END OF CHAPTER 16

A/N: Share , Vote, Comment and also Follow me
Thank you for reading!

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon