Chapter 17

18.2K 228 4
                                    

“HIJA, kanina kapa pabalik-balik baka mahilo ka na niyan,” I sighed heavily bago tuluyang umupo sa sofa. Kanina ko pa kasi hinihintay si Levian pero hanggang ngayon wala pa rin ito, hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

“Kinakabahan ako, Manang,” nag-aalalang pag-amin ko.

“Naku, hija, makakasama ‘yan sa’yo. Parating na rin ‘yon. Siya nga pala mauna na ako. Matulog ka na rin, dadating din ‘yang asawa mo, baka may tinapos lang.” Tumango naman ako bago muling umupo sa sofa.

Dinampot ko ang phone ko at tinawagan si Levian. Ilang rings lang ay sinagot na niya ang tawag.

“Levian, nasaan ka na? Kanina pa ako nag-aalala sayo,”bungad ko sa kabilang linya pero walang sumagot.

“Oh, hello, Andana! He’s busy pa, mamaya ka na tumawag . . . or kahit ‘wag na lang,” mapang-insultong sambit mula sa kabilang linya.

Nagulat ako nang makilala ang boses ni Clarisse.

Bakit nasa kanya ang phone ni Levian?

Anong ginagawa nila gayong . . . gabi na?

Naramdaman ko ang mainit na likido na namumuo sa mata ko. Kumirot din ang dibdib ko.

Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Sana mali ang iniisip ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako at nahulog na mula sa kamay ko ang cellphone ko.

Tulala akong pumasok sa kwarto namin at lihim na umiyak. Ayaw kong gumawa ng conclusion sa utak ko pero hindi ko talaga maiwasan.

Hinimas ko ang umbok kong tiyan. Apat na buwan na ito ngayon kaya halatang-halata na.

Nakatulog ako na may bigat na dinadala sa puso.

NAGISING ako na may mabigat na bagay na nakadagan sa baywang ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa ‘kin si Levian na gulo-gulo ang buhok. Nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko at nakayakap sa baywang ko.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa mukha niya.

“Wife? Why are you crying? May masakit ba sa’yo?” nagaalalang tanong ni Levian pero umiwas ako ng tingin.

“Wala.” Mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo habang hawak ang tiyan ko.

Napahagulgol ako sa loob ng banyo. Bumalik sa aking isipan ang nangyari kagabi, nasasaktan ako dahil sa kakaisip ng mga posibleng dahilan kung bakit sila magkasama.

“Wife? Are you okay? Please, open the door!” Patuloy siyang kumakatok mula sa labas ng pintuan pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Nag-ayos ako bago lumabas at nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at mabilis na lumapit sa ‘kin.

“Andana, baby. Bakit ka umiiyak?” may pag-aalalang tanong nito at lumapit sa ‘kin. Itinaas nito ang mukha ko at iniharap sa kanya. Naluluha naman akong tumingin sa kanya.

“Totoo ba ang pinapakita mo sa ‘kin ngayon? Hindi naba ito parte ng plano mo?” Nangunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

“Yes, of course. Totoo ito. Alam kong nagkamali ako noon kaya pilit kong inaayos ang sarili ko para sa iyo at sa magiging anak natin,” paliwanag nito at hinawakan ang dalawang kamay ko. Napaiwas naman ako ng tingin.

“Hinintay kita kagabi . . . sobra akong nag-alala sayo kaya tinawagan kita . . . pero alam mo bang si Clarisse ang
sumagot?” garagal ang boses kong kwento sa kanya. Bumakas ang gulat sa kanyang mukha at tila hindi inaasahan ang sinabi ko.

“What? Hindi ko alam na tumawag ka. Sorry, baby, may tinapos kasi ako kaya na-late ako ng uwi. Tungkol naman kay Clarisse, she’s nothing okay? Naiwan ko lang ang phone ko kaya siguro siya ang nakasagot,” mahinahon nitong paliwanag at niyakap ako bago isinandal sa dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit na hinalikan.

“Please, baby . . . forgive me? Promise, hindi na mauulit. Nandoon lang siya dahil sa business,” he said, sincerely.

“Fuck my self! Pinaiyak na naman kita. Lagi ka na lang nasasaktan dahil sa akin.” Niyakap niya ako.

“Wala kaming relasyon ni Clarisse. Ginamit ko lang siya noon para saktan ka. Please, believe me. I’m very, very sorry. Alam kong hindi maibabalik ng sorry ko ang mga nagawa ko sa iyo pero, Andana . . . totoo ako ngayon, mahal kita.” Muli niya akong niyakap at hinalik-halikan sa pisngi.

He wiped my tears and he kissed my temples.


“SIGURADO kang hindi ka papasok?” I asked kasi nagpresinta siyang magluto.

“Yes, wife. Mas importante kayo sa ‘kin ni baby at pambawi ko na rin sayo.” Nakangiti itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

Matapos niyang magluto ay inilapag niya sa mesa ang lahat ng iyon.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon