Chapter 31

20.2K 238 5
                                    

A/N: Hello po, dahil binasa niyo narin itong story ko, baka pwedeng follow niyo narin ako sa Wattpad account ko. Salamat

ANG sakit ng katawan ko at hindi ko din ito maigalaw.

Nasaan ba ako?

Minulat ko ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sa ‘kin at amoy ng iba’t ibang klaseng gamot.
Igagalaw ko na sana ang kamay ko nang mapansin ko ang dextrose na nakaturok doon.

Biglang bumalik sa alaala ko ang lahat. Kung gaano ako kasaya habang hinahanda ang surprise ko para sa kanya. At kung gaano ako nasaktan sa nakita, narinig, at nalaman ko.

Hindi ko namalayan na humahagulgol na naman ako habang iniisip ko ang mga nangyari at natuklasan ko. Hindi ko kaya at parang hindi ko kakayanin kasi hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na magagawa niya ang bagay na ’yon.

Ang sakit, nasasaktan ako hindi dahil sa mga galos at sugat na natamo kung ‘di dahil sa mga nalaman ko. He fooled me.

Naalala ko na naaksidente ako habang nagmamaneho. Marahan kong inangat ang kamay ko para haplusin ang umbok kong tiyan pero gano’n na lamang ang kaba ko nang wala na akong maramdaman doon. Wala na akong maramdaman.

Nagbaba ako ng tingin at doon tuluyang napaiyak.

“Misis, don’t push yourself too much. You’re not fully recovered yet!” Hindi ko pinansin ang doktor at iniangat ang kumot na nakatakip sa ‘kin.

“Doc, ang anak ko! Nasaan ang anak ko? Ligtas ba siya? Sabihin ninyong ligtas siya!” Humagulgol na ako sa harap ng doktor habang hinihintay ang sagot niya.

“You need to rest.” Tinabig ko ang kamay nito nang akmang hahawakan na niya ako. May pumasok ding dalawa na sa tingin ko’y mag-asawa Masyado rin silang pamilyar sa ‘kin.

“Doc! Nasa’n ang anak ko?! Dalhin ninyo ako sa kanya!” Pilit akong tumatayo pero hindi ko kaya.

Kailangan kong makita ang anak ko! Kailangan niya ako ngayon!

“Hija, calm down. Makakasama sa’yo ‘yan,” ani ng ginang sa tabi ko pero hindi ako nakinig. Patuloy pa rin ako sa pagiyak.

Hindi ba nila naiintindihan na kailangan ko ang anak ko?!

Kailangan ko siyang makita!  

“Dalhin ninyo ako sa kanya! Please! Ligtas naman siya ‘diba? Ayos naman siya diba? Makakasama ko pa naman siya ‘diba? Sabihin ninyo!” Humagulgol ako. Naninikip ang dibdib ko.

“Mr. and Mrs. Houston, I think we need to tell her.” Napaangat ako ng tingin.

Anong kailangan kong malaman?

Bakit kinakabahan ako?

“Sorry . . . but your baby didn’t make it. I’m sorry for your lost. Napakalakas ng impact ng aksidente at base on my observation, mahina na talaga ang kapit niya dahil sa maaaring
nakaaksidente ka na dati. Again, I’m sorry.” Tulala ako habang nakikinig sa doktor.

Gusto kong may magsabing hindi ito totoo. Na panaginip lang ‘to at kailangan ko nang magising. Malakas kong sinapak ang sarili ko.

“Don’t hurt your self!” Nagpupumiglas ako.

“Ibalik ninyo ang anak ko! Hindi ako naniniwala! Sabihin ninyong hindi ‘yon totoo! Buhay siya, ‘di ba? Buhay ang baby ko!” Malungkot silang tumingin sa ‘kin. Nakita ko rin ang
luhang pumatak mula sa mga mata ng ginang.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon