~CLARISSE POV~" Arghhhh!" Bullshit. This is bullshit!! I hate her . I really hate them. Pabato kong inihagis ang dala dala kong gamit sa lamesang nasa harap ko. Kulang nalang ay umusok ang ilong ko sa galit. Nakakainis lang dahil hindi nagtagumpay ang plano ko.
Lumingon ako nang maramdaman ang presenya sa likod. Nakaupo na itong pandekwatro habang umiinom ng alak.
" So! Anong nangyari sa plano mo? Palpak nanaman diba? " . Nakangisi ito na lalong nagpatindi ng inis ko.
"Huwag kang ngumisi ngisi Dante! Mag isip ka rin ng paraan at huwag makapante riyan!" . Sigaw ko.
" I have a plan. Kung hindi mo makuha ang babaeng yun ,,, " Tumigil pa ito bago ngumiti. " Bakit hindi mo subukang kuhain ang mga mahal nya .. Ano sa palagay mo?" Doon ako napaisip .
Maganda ang naisip nya ngunit paano ko iyon magagawa? Makapangyarihan sila at siguradong laging may bantay kaya paano?
" Gumamit ka ng utak Clarisse! Sa tingin moba lahat ng pupuntahan nila ay maykasama. Sundan mo lahat ng galaw ng sa ganun ay hindi mahirap para sayo gawin ang plano. Ako na ang bahala sa mga kasama mo" .
Tama! Sigurado naman akong maraming pagkakataon. At isa pa hindi nila iyon mapagtutuunan ng pansin.
~CASSIANA/ANDANA POV~
Isang araw na ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagsabog. Hindi parin nawawaglit sa isip ko na si Clarisse ang may pakana nun. Grabe sya! Talagang mas pinili nya kung saan maraming masasaktan.
Mula din nun ay hindi na umalis si Levian sa tabi ko. Nasa harap ko sya ngayon habang nakatalikod at naghahanda ng breakfast naming dalawa. Nandito sya sa Mansyon , dahil iyon ang gusto nina Mommy. Hindi ko rin naman maitatangging masaya akong kasama sya.
" Here , Let's eat. " Sya ang nagpresintang magluto kahit pa maraming katulong dito.
" Thank you" . Ani ko bago magsimulang kumain.
" Hmmm, Masarap ba?" Tukoy nya sa pagkain. Tumango ako. Tunay itong masarap. Bigla ko tuloy naalala yung nakaraan namin. Nung pinagluto nya ko noon.
" If it's okay to you. Pwede kabang bumisita sa Bahay. Namimiss ka narin panigurado nila manang. Lagi ka nilang tinatanong sakin" . Naalala ko yung huli naming pag uusap ni Manang sa Mall. Bigla akong nakaramdam ng hiya.
" Oo naman. Sa susunod na linggo . Bibisita ako. " Matapos kumain ay nasa tabi ko parin sya.
" Are you okay?" Dagliang tanong nito nang mapansing nakatulala ako sa harap nya.
" Yeah. I'm okay. You don't need to bother about me ". Naningkit ang mata nya.
" At bakit naman hindi ako mag aalala sayo. Tell me . Anong iniisip mo?"
" I just wondering na kung sana ano tayo ngayon kung hindi tayo dinaanan ng pagsubok. " . Lumamlam ang mata nya.
Lumapit sya sakin at niyakap ako.
" I'm here. Wala akong balak iwanan ka sa laban. Sa laban natin. Anak natin yun eh kaya dapat lang sabay tayong lumaban diba? Shhh. It's okay , okay? " . Hinaplos nya anh buhok ko at hinalikan ako sa noo.
Nakatulog ako kanina dahil sa pag iisip. Hindi ko talaga ugaling hindi mag isip ng mag isip. Nawala ang pag kakaantok ko ng tumunog ang phone ko. It's mom.
" Hello baby! Good evening. Baka hindi kami makauwi ng daddy mo tonight kasi may aasikasuhin kami. It's okay with you?" She asked.
" Yes Mom! Take care. I love you"
" I love you baby! Take care too" aniya bago ibinaba ang linya.
Tumayo ako bago bumaba. Gabi na pala. Ganun ako katagal natulog? Sigurado akong hindi na ako makakatulog nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...