Chapter 18

18.1K 241 1
                                    


HANGGANG ngayon wala pa ring lead ang mga pulis tungkol sa pagkamatay nina Mama at Papa kaya labis akong nalulungkot. Hindi ko pa rin sila nabibigyan ng hustisya.

Bumalik din sa alaala ko ang mga nais sana nilang sabihin sa akin noong araw na iyon. Alam kong napakaimportante ng mga iyon kaya lang mapaglaro ang tadhana at hindi nito pinahintulutang masabi nila sa akin ang nais nilang aminin.

Sa bawat araw na lumipas lalong gumanda ang pagsasama namin ni Levian at ang tanging hiling ko lang ay huwag na sanang mabago ito.

Maya’t maya siyang tumatawag sa akin upang kamustahin ako. Mabilis din siyang sumagot sa mga tawag ko kahit nasa gitna pa siya ng meeting. Ramdam ko ang pagbabago niya na labis kong ikinasaya.

Pumunta ako sa garden at naupo. Malaya kong pinagmasdan ang naggagandahang mga bulaklak.

“Ma’am, juice po para sa inyo.” Napatingin ako sa likod ko kung nasaan si Delyn—ang dalaga naming katulong.

“Salamat.” Yumuko ito bago umalis. Kinuha ko ang baso at uminom.

Nang tumaas na ang araw ay pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Manang na naglilinis ng sala habang si Delyn ay
nasa kusina.

“Mabuti at naisipan mong magpainit sa labas, hija. Makakabuti ‘yan sayo,” saad ni Manang at tama naman siya.

Nitong nakaraan kasi palagi lang ako sa loob at bihirang lumabas, palagi kasi akong inaantok dala ng pagbubuntis ko.

“Oo nga po, Manang, namumutla na kasi ang balat ko,”sagot ko.

“Ay siya hali ka, ipagluluto kita ng turon. Paborito mo iyon diba?” Nakangiti akong tumango.

Nagtungo kami sa kusina at doon pinagtulungan naming tatlo ang paggawa nang turon.

Matapos ang pagluluto ay sabay-sabay kaming kumain habang nanonood ng TV. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa panonood.

Nagising ako sa tunog ng telepono kaya maingat akong naglakad papalapit at sinagot ‘yon.

“Hello, wife. I missed you already, have you eaten?” he asked.

“Yeah. Nakatulog lang ako nang kaonti,” sagot ko sa kanya.

“Okay, take a rest. Anong gusto mong pasalubong?” Nag-isip naman ako bago sumagot.

“Spaghetti, pizza, apple, mangoes, and a chocolate cake with strawberry,” natatakam ko nang sabi.

“Is that it?” paninigurado nito.

“Yes!” excited kong sagot. I heard him laughed.

“Why are you laughing?” I pouted.

Nakanguso ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

“Nothing, wife. I’m just happy. Wait for me, okay? I’ll buy you what you want,” malambing na boses nito.

Pagkababa ng telepono ay tumunog naman ang cellphone ko. Nang silipin ko ang caller ay halos manlaki ang mga mata
ko nang makita kong si Riza iyon.

Hala! Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang totoo. I think I need to tell her. Mabilis kong dinampot ang phone ko at sinagot ang tawag.

“He—”

“Oh my God, girl! Nag-aalala na ako sayo ha?! Ang sabi mo babalik ka na, nagbakasyon ka lang ba talaga o baka tumira ka na diyan?” agad na nitong pinutol pagbati ko. Walang nagbago at maingay pa rin siya at malakas ang boses.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon