Chapter 9

27.4K 404 44
                                    


MASAKIT ang katawan ko lalo na ang tiyan ko nang magising ako. Dahan-dahan lang ang pagmulat ng mga mata ko at halos mag-blur ang paningin ko dahil puro puti ang sumalubong sa akin.

Unang bumungad sa 'kin ang kisame, sumunod ang puting dingding ng silid, at nakita ko ang machine sa tabi ko. Hindi ko rin napansin na may oxygen pala ako kaya tinanggal ko ito. Nakita ko rin ang dextrose na nakalagay sa kamay ko.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Levian. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil naalala ko ang
nangyari, nahulog ako sa hagdan dahil sa liyo, siguro'y dahil iyon sa ilang araw kong hindi pagkain at pag-iyak. Pero bakit nga ba dinala niya pa ako dito?

'Di ko namalayan na nakaupo na siya sa tabi ko.

"Mabuti naman at nagising ka na," malamig ang pagkakasabi nito.

"Iniwan ko ang trabaho ko dahil lang sa'yo, kaya't mabuti at nagising ka na."

"Bakit nga ba dinala pa ako dito?Bakit? Dahil gusto mo pa akong pahirapan?" Hindi siya sumagot pero ang mga luha ko ay wala nang patid sa pagtulo.

"Kahit kailan hindi mo makukuha ang hustisya para sa mga magulang mo," dumilim ang tingin niya sa 'kin.

"Dahil mali. Mali ka ng taong pinaparusahan!"

Mabilis kong tinanggal ang mga bagay na nakakabit sa kamay ko kaya nagdugo ito. Tatayo na sana ako nang makaramdam akong muli ng pagkahilo. Kasabay noon ang pagpasok ng isang babaeng doktor.
Nakita naman niya ang kamay ko kaya agad niya akong nilapitan.

"Naku, Misis! Delikado po ito, bakit ninyo tinanggal?"Binalik niya ang mga ito sa kamay ko.

"Ayon sa resulta ng tests ay masyado kang stress, pagod, at kulang sa tulog.
These are bad for-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"May sakit ba ako, Doc?" kalmado kong tanong. Umiling naman ang doktora.

"Wala naman. But the dizziness you felt is one of themajor symptoms of your pregnancy," tila paulit-ulit na nagecho sa aking pandinig ang huli niyang sinabi.

Pregnancy

Pregnancy

Pregnancy

"Kamuntikan na ring mapahamak ang bata, mabuti na lang at malakas ang kapit ni baby. But once na maulit ito,
mataas ang porsyento na she or he can't make it," paliwanang ng doctor.

Bumalik sa 'kin ang lahat kung paanong takam na takam ako sa mga maasim at kung bakit tila hinahalukay ang tiyan ko sa umaga.

"Take care of your self, Misis. Congratulations to the both of you," ani ng doctor at umalis na.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil sa nalaman ko. Hindi ako malungkot dahil magkakaanak ako
kung 'di dahil maaari siyang madamay sa paghihirap ko na ayaw kong mangyari.

Hindi ko namalayan na kanina pa ako umiiyak.

"Hey, are you okay? I didn't know that your pregnant,"malumanay ang tono ng boses niya ngayon.

"Alam kong hindi mo matatanggap ang bata kaya ilalayo ko siya sa'yo pagnakapanganak na ako."

"What?! No!" malakas niyang sigaw.

"Bakit? Kung iniisip mong hindi mo na ako masasaktan nagkakamali ka! Dahil ang anak ko lang ang ilalayo ko at maiiwan ako!" Tuluyan na 'kong umiyak dahil hindi ko kaya.

Hindi ko kayang mahiwalay sa baby ko pero kailangan.

"No. Walang aalis. Anak ko siya kaya hindi mo kailangang ilayo ang bata," giit ng lalaki.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon