EPILOGUE

25K 394 67
                                    

MASAYANG nagmulat ng mga mata si Levian at hinalikan sa noo ang asawa bago tuluyang bumangon. Malawak ang kanyang ngiti habang tinutungo ang kusina dahil sa sayang nararamdaman.

Iniayos niya na ang lahat para sa agahan nila ng pamilya at naroon pa rin ang kanyang ngiting hindi ata kayang tanggalin ng kahit ano pa man.

He’s really happy. He felt that he’s finally complete—his family completes him.

Hanggang sa matapos ay dahan-dahan niyang inalagay ito sa lamesa. Lalo siyang napangiti nang marinig ang mga itong palapit na sa kusina.

“No! I’m cuter than you!”

“Nah! I’m the cutest!”

“Whatever—wow! Delicious! What’s that, Daddy?” tanong ng anak niyang si Liax Andrei nang maupo ito sa
bakanteng upuan.

“It’s Caldereta and this,” tinuro niya ang isa pa. “this is adobo. It’s your mom favorite.”

“Is it delicious?” tanong naman ng isa niya pang anak na si Lance Andrei.

“Of course, baby! It’s delicious.” Sumunod na lumabas si Andana at mabilis itong nilapitan ni Levian at inalalayan na maupo sa tabi niya bago masuyong hinalikan ang malaking tiyan nito.

“Hey, baby! Good morning!”

“Good morning to our little sister in my mom’s tummy!” Liax greeted.

“Good morning, my princess!” Lance said.

Bahagyang natawa si Levian at si Andana dahil sa kambal.

“Dad?”

“Yes, Liax baby?”

“I’m cuter than Lance, right?” Ngumiti at pinisil ni Levian ang pisngi nito.

“You’re both cute and handsome. You’re twins remember?” Liax pouted. Napaka-cute nito tulad ng kanyang kambal.

“I told you . . . were both cute.” Lance smiled.

Lance and Liax is already 5 years old at limang taon na rin ang nakalilipas simula nang matapos ang lahat ng trahedyang nangyari sa kanila.
Masayang-masaya si Levian na pinapanood ang kanyang mag-iina na nasa sala at naglalaro. Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya sa buhay upang bigyan ng ganitong kaperpektong pamilya. Wala na siyang mahihiling pa.

Dahil sa pag-iisip niya hindi niya namalayang nakalapit na si Andana at naupo sa tabi niya.

“What are you thinking about?” she asked.

Damn! She’s beautiful. She never fails to make his heart beat so fast.

“Thank you.”

“For what?”

“For staying by my side, for giving me that kind of angels.” Inginuso nito ang mga anak na masayang naglalaro.

“You deserve all of that, and we deserve you, love.” she said before kissing him.

Gusto pa sanang palalimin iyon ni Levian pero pinutol na ni Andana.

“Don’t be a perv. May mga bata.” He pouted.

“Oh! My husband is cute when he pouts!” She gigled at pinisil-pisil pa ang pisngi ng asawa.

Hinaplos niya ang tiyan nito. Andana is giving birth this month kaya naman lagi niya itong pinagpapahinga at hindi na pinagbubuhat ng mabigat. Sa limang taong buhay nila na magkasama palagi niyang pinaparamdam ang saya rito.

“Kids! Come here.” Mabilis na tumakbo ang kambal niya papalapit sa kanilang mag-asawa.

“Maligo na kayo ha? Nandyan na si Manang Seling.” Tumango ang dalawa.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon