Chapter 47

18.2K 282 40
                                    


~LEVIAN POV~



MAGULO at gusot gusot pa ang damit ko nang puntahan ko ang sasakyang nasusunog na sinasabi nila. Gusto kung paniwalain yung sarili ko na hindi ito totoo . Nagkalat ang mga pulis para imbestigahan ang nangyari. Alam kong buhay sya. Alam ko iyon . Nararamdaman ko.


" Anong ginagawa nyo dito? Hanapin nyo ang asawa ko! Sigurado akong wala sya sa kotse. Hanapin nyo ! Kumilos kayong lahat!" Mabilis silang tumugon at umalis.


Tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag. " Hello ?". Parang binunggo ako dahil sa salitang binitawan ng pulis.
' Natagpuan napo ang bangkay sa loob ng kotse '. Paulit ulit itong nag eecho sa utak ko naparang sirang plaka.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mabibilis ang lakad ko palabas ng mansyon , gusto kong ako mismo ang kukumpirma na wala na sya . Hindi ako naniniwala.


" Levain! I'll take you " . Si Theodore ang nagmaneho ng sasakyan dahil alam nyang hindi ko kaya. Tulala ako hanggang sa makarating sa loob ng morgue kung saan dinala ang bangkay.


Mabibigat ang paa kong pumasok sa loob hindi ko mapigilang mapaluha. Napatakip ako sa bibig ng makita ang bangkay. Sunog na sunog ito at talagang hindi makikilala. Napahagulhol ako sa harap nito. Ang sakit!,Subrang sakit parang may kutsilyong tinatarak sa puso ko ngayon.


Pero may napansin ako. Hindi nya suot ang singsing na ibinigay ko. Posible kayang hindi sya ito? Gusto kung isiping hindi talaga sya ito.


" Don't worry sir, Magsasagawa kami ng test para makumpirma kung sya talaga ang asawa nyo " . Yan lang ang sinabi nila bago umalis. Napahilamos ang dalawa kong palad sa mukha ko.
" Levian pre, You need to rest . Noong isang gabi kapa walang tulog. Papatayin moba ang sarili mo ?" . Gusto kong sabihing oo. Parang ganun na nga.


KINABUKASAN din ay labas na nang resulta. Tumutulo ang luha ko habang nakakuyom ang kamao. Umiling iling ako.
" HINDI! HINDI SYA YAN! BITAWAN NYO KO! " Dalawang kaibigan kona ang may hawak sakin. Gusto kung suntukin ang pulis at sabihing bawiin nya ang sinabi nyang si Andana nga ito. Ayaw kong maniwala. Nagsisinungaling sila.


" Pare naman. Huwag kang ganyan. Huwag mong patayin ang sarili mo! Umayos ka !" . Inis ko silang tiningnan.
" PERO PATAY NAKO! NAWALA NA SYA KAYA PATAY NA DIN AKO! KASALANAN KO IYON. PINATAY KO SYA ! NAKITA NYA KAMI NI CLARISSE" . Basag basag lahat ng bote sa tabi ko. Hindi kona makilala ang sarili ko.

" Hindi mo yun kasalanan. Aksidente ang kinamatay nya Levian. " . Umiling iling ako. " Pero umalis sya dahil sakin. ". Iyon ang palagi kong tinatatak sa isip ko. Kasalanan ko. Napakasama ko. Wala akong kwentang asawa. Wala akong kwentang ama. Wala!.


Hanggang sa nailibing sya hindi parin ako makapaniwala. Buong araw lang akong nagkulong sa sarili kong silid kasama ang alak . Alak na paminsan minsang nag aalis nang sakit na nararamdaman ko.


___
Awang awa ang mga katulong sa mansyon ng Demetrius sa kanilang amo. Hindi ito kumakain at hindi lumalabas, tanging alak lang lagi ang kasama nito. Gusto sana nila itong damayan pero kahit sila hindi alam ang gagawin. Nasasaktan din sila sa pagkawala ni Andana. Ang mabait na si Andana pati na ang anak nito.


" Delyn, Ipaghanda mo nang almusal si kuya Levian mo " . Utos ng nakatatandang mayordoma ng mansyon na agad namang sinunod ni Delyn. Medyo dumami sila rito sa mansyon dahil ang mga kaibigan ni Levian ang nagdala ng mga ito.


Malungkot ang matanda habang paakyat ng ikalawang palapag. Subra na syang naaawa para kay Levian dahil sa mga nagyayari dito. Nawala na ang dating sigla nito noong mga panahong nandito pa si Andana. Hindi tuloy na mapigilang mapaluha nang isiping wala na ito.


Kumatok ang mayordoma sa pinto nito.
" Levian, iho. Dala ko ang almusal mo " . Pero walang kahit na anong tinig na sumagot sa kanya kaya naman napagpasyahan nyang pumasok na dahil bukas naman ang pinto.


" Ay diyos kopo! Levian , iho. Anong nangyari? Gumising ka !" Tarantang taranta ang matanda nang madatnan nya itong duguan dahil sa saksak. Siguradong ginawa nya ito sa kaniyang sarili.
" DELYN! DELYN !" mabilis namang pumanhik si Delyn na ganon din ang gulat ng makita ang kalagayan ni Levian.
" Tawagan mo ang mga kaibigan ni Levian! Kailangan nyang madala sa ospital". Hindi magkamayaw si Delyn at ang iba pang katulong dahil sa nangyayari.
Lahat sila kinakabahan.


" Mabuti na ang lagay nya . Gusto ko lang sabihin na kailangan nyang sumailalim sa mga test dahil sa depression nya. Posibleng maulit ulit ito kapag hindi sya naagapan " . Napabuntong hininga ang mga kaibigan ni Levian dahil sa pag aalala sa kaibigan .


____
Gumising ako na masakit ang tagiliran . Amoy ng mga alcohol na gamit sa ospital ang bumungad sakin. Puting kisame ganun din ang paligid . Inilibot ko ang paningin ko at masasamang mga tingin ng mga kaibigan ko ang bumungad sakin.
" Ito ba ang gusto mo? Ang mamatay! Ang kitilin ang iyong sariling buhay !" . Si Theodore na masama ang tingin sakin.


" Hindi mo ba alam na marami kaming nag aalala sayo. Sa kalagayan mo. Ingatan mo naman ang sarili mo Levian " . Bulalas pa ni Gavin.


" Kung nakikita ka ni Andana . Hindi sya matutuwa sa pinagagawa mo sa sarili mo . Umayos kana Levian. Hindi solusyon ang ginawa mo para takasan ang lahat ng ito". Axel


Tatlong araw ako sa ospital. Kahit nahihirapan ako pinilit kong maging normal ulit pero ramdam ko talaga yung kulang. Si Andana pati na ang magiging anak namin. Nawalang parang bula yung mga pangarap ko para sa pamilya ko. Sa mag ina ko.


Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kapag nawala yung taong mahal nyo diba? Yung pakiramdam na naiwan kang magisa. Yung taong dahilan ng bawat pag ngiti mo wala na. Nawalan na rin tuloy ng saysay yung buhay ko.


" Meeting adjourned " . Napasandal ako sa swilve chair dahil sa subrang pagod. Nagfocus ako sa kompanya . Inilagay ko yung isip ko sa trabaho. Trabaho lang.



Isang buwan na. Isang buwan na pero sariwa parin yung sakit. Hinalikan at niyakap ko ang picture frame ni Andana sa ibabaw ng table ko. Ito ang nagiging lakas ko sa araw araw . Ang makita ang magaganda nyang ngiti.


Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa opisina ko si Tito Dante , masyado kasi akong napatulala kaya hindi ko naramdaman ang pagpasok nya. Nitong mga nakaraan napapansin kong iba ang mga kinikilos nya. Tila lagi syang abala.


" How are you ?" He asked.


" I'm Fine "


Sya ang nag asikaso ng kompanya nung panahong hindi pa ako pumapasok sa kompanya. Marami rin syang alam sa negosyo. Alam nya ang pasikot sikot dito.


Tumawag si Axel at nag aya sa bar.
" Okay! I'll be there " . Saka ko pinatay ang tawag.


Nakasuit ako nang dumiretso sa bar. Tila namiss ko ulit ang alak na pumapawi noon sa sakit na nararamdaman ko. Mabilisan ko iyong nilagok at hindi ininda ang tapang na gumuhit sa lalamunan ko.
" Whoaah! Easy dude ! Marami pang alak dito hindi ka naman mauubusan " . Sinamaan ko lang ito ng tingin.


" Btw, Did you guys heard the news. May party ang mga Houston dahil birthday ng anak nilang babae. The long lost heiress na kamakailan lang nakita . Binigay na nga sakin ng secretary ko ang invitation eh " . Si theodore habang nagsasalin ng alak.


" I have a invitation too " Lahat sila meron.
" What about you Levian? " . Isinuot ko ang kamay ko sa loob ng coat ko bago ipinakita sa kanila ang kumikinang na invitation card.
" Yeah ! Here !" . Tinabi ko muli ito.


" So! Pupunta ba kayo?" Masiglang tanong ni Theodore. Mabilis na sumagot ng oo ang mga kaibigan ko maliban sakin.


" Ikaw Levian? Sumama kana. Minsan lang ito. " . Tumango nalang ako bago muling lumagok ng alak.


Nasa likod kami nakapwesto habang may hawak na glasswine. Isa sa mga sikat na hotel sa buong mundo. Hindi naman nakapagtataka dahil isa silang Houston.
Kulay pula at itim ang kulay sa paligid. Halatang pinaghandaan ang lahat dahil sa ganda at pagka organisado nito.


" If she's beautiful. I will court her" Dinig kong usapan ni Axel at Gavin.


" Dude !" Nasa tabi ko si Yohan at si Theodore na nasa harap lang ang tingin.


Tumayo ang MC sa unahan.
" This night , We will see the birthday party , The daughter of one of the famous Bussiness Man . The owner of Houston Luxury Empire " . Nagpalakpakan ang mga tao. Iginiya ko ang kamay ko at ipinalakpak.


" Let's Welcome Our birthday Celebrant. The one and only heiress . Ms. Cassiana Miller Houston " . Nakatungo ako kaya hindi ko pa nasisilayan ang itsura nito.


" Totoo ba itong nakikita ko! Kamukha nya " Theodore


" Yeah! Parang sya na nga . " Nakatulala sa una ang dalawa kong kaibigan kaya sinundan ko ang tinitingnan ng mga ito.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang tumigil ang paghinga. Si Andana! Sya iyong nasa una. Alam kong sya yun. Nararamdaman kong sya yun. Hanggang sa matapos magsalita ang mag asawa tulala parin ako. Nakapokus lang ang mga mata ko sa kanya. Subrang ganda nya . Lalo syang gumanda. Hindi ko tuloy namalayan na lumuluha na ako.


" Hey Dude.. Are you okay" . Pasimple kong pinahid ang luha ko. Naglakad ako papunta sa una hanggang makita ko si Dave Fajares . Isa sa mga negosyante.


Kausap nya si Andana. Kausap nya yung taong mahal ko. Lumapit ako rito at sadyang nagpakita.
" Hmm, This is Levian Demetrius . Demetrius corp " . Ipinakilala ako.


" Andana!" Subrang saya ko na makita sya ngayon. Na malaman kong buhay pa sya.
Walang emosyon syang bumaling sakin.


" Your'e here! " . Tama sya. Gulat na gulat akong makita sya. Gusto ko syang yakapin , halikan pero hindi ko magawa, ramdam kong galit sya . Pinigil ko ang mga luha kong bumagsak sa harap nya.


" Of course I'm here, I'm a birthday Celebrant remember " May pagkasarkastika ang pagkakasabi nya. Galit sya. Galit sakin yung babaeng mahal ko. Gusto kong hawakan ang mga kamay nya. Miss na miss ko na sya.


" Bakit parang gulat na gulat ka...... Hindi moba inaasahang nandito ako...... O baka naman........Hindi mo inaasahang buhay pa ako . " . Iyon ang huling salitang iniwan nya sakin. Tama sya ! Hindi ko inaasahang buhay pa sya at ang malamang buhay pa sya ay lubhang nakapagpasaya sakin. Tila nabuhay ulit ako. Nagkaroon ulit ako ng pag asa at dahilan para mabuhay.


Naabutan ko nanaman si Clarisse sa Office ko. " What are you doing here again ?" Hindi na ako papayag na manggulo syang muli samin.


" Panagutan moko. Kapag hindi mo iyon ginawa. I will kill this baby" . Hinawakan lo ang panga nito.
" Sige! Gawin mo. I don't care !" . Itinulak ko sya. Alam kong hindi na sya buntis kasi ipinalaglag nya na ito. Pinatay nya ang sarili nyang anak.


Nabalitaan kong nandun sa Hariego Inc si Andana kaya nagmamadali akong pumunta para makita sya. Lagi ko syang palihim na tinitingnan. Masaya akong makita sya. Hindi ko maipaliwanag ang saya.


" Wife!" I murmured .


" Let me remind you Mr. Demetrius .. I'm Cassiana --not your wife ........ Andana . She's dead , She's Fucking dead " . Galit sya at alam kong dahil iyon sa nakita nya. Pero pakiramdam ko may iba pa syang pinanggalingang galit bukod dun.


___
Alam kong nanganak na sya kaya gusto kong malaman kung nasaan ang anak namin .
" Where our baby?" Pero lalong nagalit ang mga mata nya sa tanong ko. Nagliliyab itong tumingin sakin.


" Nasaan? Tinatanong mo sakin kung nasaan! Huwag mo akong gawing tanga Levian. Huwag kang umarte na parang wala kang alam" . Kumunot ang noo ko nang umiyak sya. Hindi ko alam ang sinasabi nya sakin.


" KUMUSTA! PAANO MO NAGAGAWANG SABIHIN SAKIN YAN NGAYON! WALA NA SYA! WALA NA ANG ANAK KO . WALA NA SYA KASI PINAPATAY MO SYA! PINAPATAY MO SYA. NAPAKASAMA MO!"She shouted.


Nanigas ako at hindi makahinga habang umiiyak na nakatayo . Nakaalis na sya. Paano? Paano nya iyon nasasabi? At paano ko magagawang ipapatay sila . Hindi ko yun kaya dahil mahal na mahal ko sila. Mahal ko sila higit pa sa buhay ko.


__
" Sorry!" Sorry dahil wala ako nung panahong kailangan nyo ko . Hindi ko kayo nailigtas dalawa. Nagpa imbestiga ako sa nangyari. Binangga sya. Kaya lang hindi kopa nalalaman ang may gawa nito.


Dumapo ang palad sya pisngi ko.
" SORRY! SA TINGIN MOBA AY MABABALIK NYAN ANG LAHAT! WALA YANG SAYSAY !" tama sya ! Hindi ko na maibabalik ang dati.


Linggo linggo ako narito sa ampunan. Tuwing nandito ako noon pakiramdam ko kasama ko parin sya .

" I'm sorry dahil hindi ko kayo naprotektahan . Sorry dahil ngayon ko lang nalaman ang lahat. " . Dumapo muli sakin ang palad nya.


Ayaw nyang maniwala sakin. Nakatatak na sa isipan nya na ako ang may pakana ng lahat. Sa tingin nya talaga magagawa ko yun.
" Alam kong nasasaktan ka , Pero nasasaktan din ako " Ani ko. Umiling sya bago naglakad patalikod.


___
Nalaman ko na ang puntod ng anak ko.
' Adrian Levi ' Napakagandang pangalan.
" Sorry anak! Ngayon lang ako nakadalaw sayo. Huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal dahil mahal na mahal kita kayo ng mommy mo. " Napapadalas na ang pag iyak ko.


Mabilis kong pinagpalit ang pwesto naming dalawa kaya naman sakin tumama ang kutsilyong dapat para sa kanya. Mahal ko sya kaya kahit ito lang gagawin ko para sa kanya.
" Please baby! Hear my side" Huli kong sambit bago mawalan ng malay.


__
Natagkal ako bilang CEO ng kompanya at pumalit ang tito ko. Hindi ko alam na may nakapasok napalang ahas sa kompanya ko. Tinraydor nya ko. Pinagkatiwalaan ko sya na dapat ay hindi.


Alam kong marami pa syang tinatago na kailangan kong malaman. Babawiin ko ang akin. Babawiin ko.


__
" Mahal na mahal kita Andana at kailanman ay hindi sumagi sa isip ko ang ipapatay ka. Hindi kailanman. Mahal kita at sapat na yun para ingatan kita" Niyakap ko sya habang umiiyak. Inabot kami ng ulan dahil sa mga bagay na ipinaliwanag ko sa kanya. Ngayong magkasama na kami sabay naming haharapin kung sino ang may sala at dapat na managot.


END OF CHAPTER 47

Ending isComing. Thank you so much for supporting.

Don't Forget to Vote , Share, And Comment

Superthankyouu!!!!

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon