Chapter 41

18.5K 222 12
                                    

PAGKAPARADA ko ng kotse ay lumabas na ako at sumakay sa elevator.

Isang ngiti ang sinukli ko sa mga empleyado. Namataan ko si Syche na palapit sa ‘kin kaya tumigil ako.

“Ma’am, good morning po! Gusto ninyo po ba ng kape?” she asked and I nodded.
Naglakad na siya paalis kaya pumasok na ako sa office.

I check the time and it’s already 7 am. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang mga papeles na hindi ko natapos kahapon.

Tiningnan ko itong maigi bago pirmahan. The door opened and my secretary entered, bitbit niya ang kape at inilapag ito sa harap ko.

“Thank you,” I said.

Habang sinisimsim ko ang kape ay umalis na siya para kunin ang schedule ko ngayong araw.

“What’s my schedule for today, Syche?” I asked habang nagta-type.   

“Free po kayo hanggang lunch, Ma’am.” Nakahinga naman ako nang maluwag dahil na rin sa dami ng trabaho.

“But you have a meeting . . .” Tumingin ako sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. “. . . with Demetrius Corp., Ma’am.”

Natigil naman ako sa kinauupuan nang marinig ‘yon. Ang tanga ko para makalimutan ang sinabi ni Daddy last time.

“1 pm po, Ma’am. Sa mismong building nila.” Wala akong nagawa kung ‘di ang tumango.

Ano bang kinakatakot ko? Hindi ba dapat sila ang makaramdam niyon? Sila ang may atraso sa ‘kin! Mariin kong hinawakan ang ballpen nang mag-ring ang phone ko.

“Hello?”

“Hi! This is me, Grey.” I heard him chuckled.

“Uh huh, napatawag ka? Kamusta?” Narinig ko pa ang munting tawa nito.

“I’m fine. Do you miss me? Because I miss you!”

“Sira!” Lalo itong natawa with his sexy voice.

“I’m here in front of you building. Tinatanaw ka mula rito.”Umikot ako at humarap sa baba at tama siya. He’s here,
prenteng nakasandal sa tabi ng kotse niya.

Napahawak ako sa dibdib ko nang tumingala siya at nagtama ang mga mata namin. Kumindat pa ito mula sa baba at kumaway.

“Anong ginagawa mo diyan? May meeting ba kayo ni Dad ngayon?” I asked.

“Yes, nandyan na ba siya?”

“Wala pa, pero parating na rin ‘yon. Pumasok ka kaya muna? Bakit kasi ang aga mo?” He chuckled.

“Sige, papasok na ‘ko.” Kita kong binaba niya ang phone at naglakad papasok.

Naglakad ako papunta sa office table ko at naupo sa swivel chair. Maya-maya lang ay pumasok si Syche.

“Ma’am, Mr. Silvestre wants to talk to you,” she said.

“Papasukin mo.” Tumango naman siya bago lumabas.

Sumandal ako at hinintay na pumasok si Grey. Hindi nagtagal ay pumasok na ito habang nakangiti.

“Hi!” he greeted.

“Hello! Coffee?” I asked and he shook his head.

“So, inuumpisahan na pala ninyo ni Dad ang project?” I inquired, opening a topic.

“Yeah, ikaw nga sana ang magma-manage but sabi ni Tito you are too busy,” he said.

Totoo naman marami akong kailangang gawin at dapat gawin.

“Yup. I have a meeting with Demetrius Corp., later.” Nakita kong nagulat siya.

“Are you okay with it?” I nodded.

Pumasok si Syche.

“Sorry to disturb you, but Chairman Houston is here.” Tumayo na si Grey para magapaalam.


THIRD PERSON’s POV

SA kabilang banda, patuloy na nagwawala si Clarisse dahil sa unti-unting pagbagsak ng kompanyang pinaghirapang itayo ng pamilya nila. Lahat kasi ng investors at board members ay lumipat na sa Houston Empire na lalo niyang ikinagalit.

“Argh! Nakakainis! Bakit pa siya bumalik? Sinira niya ang lahat! Sinisira niya ang lahat! Bwiset talaga siya!” Galit na galit
ito at patuloy na binabasag ang mga gamit sa loob ng kanyang silid.

Padabog itong bumaba nang ipatawag siya ng kanyangmga magulang upang kausapin. Naupo si Clarisse sa harap ng mga ito.

“Our company went bankrupt. Baka pati bahay natin mawala na,” problemadong saad ng ama nito.

“Wala na bang ibang paraan?” tanong ng kanyang ina.

Umiling ang ama nito na lalong kinagalit ni Clarisse.          

“Ano?! Ayaw kong maghirap! For god sake, dapat natin itong maayos! Kasalanan ‘to ng babaeng ‘yon!” Tumayo ito para umalis.

“Dad, ‘yong susi ng kotse ko?” tanong ni Clarisse.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

“Wala na. Binenta namin ng Mommy mo ang mga kotse para ipangbayad sa mga utang natin.”

“What?! Bakit ninyo binenta?! Kotse ko ‘yon!” Tumayo ang ama nito at galit na hinarap si Clarisse.

“Binenta namin ‘yon para ihulog ang pera sa bahay, Clarisse!” singhal nito.

“Kahit na! Ano nang gagamitin ko ngayon?!”

“Mag-taxi ka na lang muna siguro.”

“What?! Hindi ako sasakay sa cheap na sasakyang ‘yon! No way!” Mabilis itong tumakbo paakyat.      

   

ANDANA’s POV

HALOS maya’t maya akong tumitingin sa orasan at gusto ko nang ihambalos ito dahil pakiramdam ko ay napakabilis nang oras.

12 pm na agad. Napakabilis talaga.

Nang malinis ko na ang mga papeles ay pumasok ako sa kwarto ko rito sa office para magpalit. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Syche sa loob ng office ko na dala-dala ang lunch ko.

“Ma’am, here’s your meal.” Pinapatong ko lang ito sa table.

“Thank you, Syche,” I said.

Pagkatapos kumain ay bumaba na ako para umalis. I started the car’s engine at nagmaneho. Hindi nakaligtas sa paningin ko si Clarisse na bumaba ng taxi.

Sinadya kong itabi ang sasakyan ko na muntik nang bumangga sa kanya. Galit na galit itong tumayo sa harap ng kotse ko.

“You! Bumaba ka diyan!” Nakangisi akong bumaba at hinarap siya.

“Oh, sorry. I didn’t notice you!” I smirked at her.

“Oh, is this your new car?” turo ko sa Taxi.

“Wow! It’s beautiful, Clarisse. Bagay na bagay sayo.”Gusto ko siyang pagtawanan. Dahil na rin siguro sa tensyon naming ay umalis na ang driver ng taxi kaya kami na
lang ang naiwan.

“Are you insulting me, Andana?!” Nanggigigil itong humarap sa ‘kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Why? Naiinsulto ka ba? By the way, it’s Cassiana, not Andana.”

Nakangisi itong humarap sa ‘kin. “Kahit magpalit ka pa ng pangalan at maging ginto. Ikaw pa rin ang basurang babae noon. Sigurado akong tanga ka pa rin hanggang ngayon at mabilis utuin.” Tumawa pa ito na nagpainis sa ‘kin.

Kumuyom ang kamao ko. “Hindi ba maganda ‘yon? From basura papunta sa ginto? Eh ikaw? Ginto noon basura na ngayon! Oh baka naman, hindi ka tunay na ginto? Baka isa ka lang pekeng ginto tulad ng binibili diyan sa tabi-tabi? Mabilis ka kasing mabulok at mangitim eh!”

“Tingnan mo ngayon, isa ka nang basura!” dagdag ko pa.

Iniwan ko itong galit na galit sa tabi ng kalsada. Dapat pala nilagyan ko siya ng ‘basuran’ na poster sa mukha.

Tulad nang inaasahan ko, late akong dumating sa meeting but I don’t care.

“This way, Ma’am,” turo ng secretary ata nila.

Pagkapasok ko pa lang sa conference room ay naagaw ko na lahat ang atensyon nila. Ikaw ba naman ang late ‘di ba?

“Sorry, I’m late.” Naupo na ako.

Hindi ko maiwasang tingnan ang lalaking nakatingin din sa ‘kin ngayon. Umiwas ako at nakinig sa mga presenter.

Tiningnan ko rin ang Tito ni Levian na nasa harap ko ngayon. Nang makitang tumingin ako sa kanya ay ngumiti ito.

Hanggang ngayon parang may kakaiba pa rin sa kanya.

“I heard na bumaba ang sales ninyo, tama ba?” I asked.

“Yes,” sagot ni Levian.

“Gusto kung iparating na ayaw naming madawit ang kompanya namin sa ganyang sitwasyon at gulo.”

Matapos ang meeting ay nakita kung tumayo ang tito ni Levian kasama ang isa sa mga board kanina. Pumunta sila sa tabi at doon nag-usap na tila ba ayaw iparinig sa iba.

“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir sa loob,” ani ng secretary nito.

Tumango ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nalilimutan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan ginampanan niya rin ang pagiging
asawa niya—na peke pala.

“What do you want from me, Mr. Demetrius?” I asked.

Tumayo ito at humarap sa ‘kin. I could see the pain and longing in his eyes.

Pumikit ako. Baka nagkamali lang ako ng tingin.

“Andana!” Pinigil ko ito.

“Cassiana. It’s Cassiana,” pagtatama ko.

“Aalis na ako—” Nang tumalikod na ako ay bigla siyang nagsalita na lalo kong ikinagalit.

“Where’s our baby?” Galit ko siyang hinarap habang pinipigilang pumatak ang mga luha ko.

“Nasaan? Tinatanong mo sa ‘kin kung nasaan?! Huwag mo akong gawing tanga, Levian. Huwag kang umarte na parang wala kang alam!” Hindi ko napigilan ang sarili ko. Lalo pa at tungkol ito sa anak ko.

“Kamusta na siya?” Mabilis akong lumapit sa kanya at malakas siyang sinampal.

“Kamusta?! Paano mo nagagawang sabihin sa ‘kin yan ngayon?! Wala na siya! Wala na ang anak ko! Wala na siya kasi pinapatay mo siya! Pinapatay mo siya, Levian! Napakasama mo!”

Mabilis akong tumakbo paalis.

Gano’n ba talaga siya kasama para itanong pa sa ‘kin ang bagay na ’yon?

Para itanong sa ‘kin ang bagay na siya ang gumawa?

Lalong tumindi ang galit ko dahil nagpapanggap pa siyang walang alam kahit siya ang gumawa nito.
      
                                                                            
END OF CHAPTER 41
Vote Vote Vote

Superthankyouuu!!

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon