NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko dahan-dahan akong bumangon at napa-aray nang sumakit ang gitnang hita ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at doon ko naalalaang nangyari kagabi. Napatakip ako ng mukha.
‘Fucking, shit! Marupok talaga ako,’ bulong ko sa aking isipan.
Bumangon ako habang nakabalot ang kumot sa katawan. Tiningnan ko ang oras at alas-siete na. Binalingan ko naman ang kama at wala na akong katabi, ibig sabihin ay nakaalis na siya papunta sa trabaho.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkatapos kong magbihis. Naligo rin muna ako bago bumaba at hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Namumula ang mukha ko sa
tuwing sumasagi iyon sa isip ko.
Habang naglilinis ay hindi mawala sa isip ko si Levian.
Ano kayang ginagawa niya sa company?
Nandoon ba si Clarisse? Magkasama ba sila?
Hindi ako makapag-focus dahil sa naiisip. Aaminin kong lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay
Levian sa mga dumadaang mga araw kahit na iba ang trato niya sa ’kin. Handa akong manatili hanggang kaya ko.
Alam kong magbabago siya. Alam kong nadadala lang siya ng galit niya.
Lumabas ako ng mansyon at pumunta sa gilid ng pool. Sinawsaw ko ang mga paa ko sa tubig at napangiti nang
maisip na natupad ang pangarap ko na maikasal. Kaya lang ay sa maling panahon at pagkakataon.
Napaisip ako, kung sakali mang aalis ako, gusto kong maiwan siyang masaya at buo. Alam kong hindi iyon mangyayari hanggang hindi nahuhuli sina Papa.
Handa ba akong iwan siya? Kaya ko bang umalis sa piling niya?
Well, kaya ko. Kung ako na mismo ang susuko, pero sa ngayon kaya ko pa . . . kakayanin ko pa.
“Manang, magluluto po ulit ako ngayon,” masigla at masaya kong saad kay Manang habang naggagayat ng mga rekado.
“Mukhang masaya ka, hhija? Hala, sige ikaw naman ang magluto.” Iniwanan muna ako ni Manang dahil magpapahinga siya kaya ako na ang gumawa ng dinner namin.Inihanda ko na sa lamesa ang mga pagkain at kumakanta pa ako sa saya habang ginagawa ‘yon. Alam ko kasing sasabay ulit sa akin si Levian kumain.
Narinig ko ang tunog ng busina kaya patakbo akong lumabas at binuksan ang gate. Pinanood kong ipasok at
iparada niya ang kotse.
Nakangiti ako nang makitang bumaba siya ng sasakyan. Akala ko papasok na siya pero nagkamali ako, umikot siya sa passenger seat at binuksan ito.
Kitang-kita ko nang bumaba si Clarisse na may malawak na ngiti sa labi. Hinapit ni Levian ang baywang niya at sabay silang pumasok sa loob habang nakanganga akong sumunod
sa kanila.
“Levian . . . kumain ka na,” aya ko nang makapasok kami sa loob.
“No need. Kumain na ako,” malamig nitong sagot.
“Sorry, Andana, pero kumain na kasi kami kanina ni Levian.” Nilibot ni Clarisse ang paningin sa mga niluto ko.
“Ipakain mo na lang ‘yan sa mga aso, baka sakaling mapakina bangan pa.”
Napakagat labi ako at pinipigilang umiyak sa harap nila matapos humalakhak ni Clarisse sa harapan ko na tila nang iinsulto.
“Okay lang. Itatabi ko na lang muna,” ani ko at lumapit sa mga hinanda ko kasabay ng patalikod na pagtutuyo sa mga takas kong luha.“Okay! Let’s go honey.” Hinila na ni Clarisse si Levian paakyat kaya doon na ako umiyak.
Walang tigil ang mga luha ko habang nagliligpit. Napakasaya ko pa man din kanina.
Habang paakyat ako ng hagdan ay hindi ko maiwasang tumingin sa gawi ng kwarto ni Levian. Sigurado akong may ginagawa na naman sila.
Mula rito ay rinig na rinig ko ang halinghing ni Clarisse. Umiiyak akong pumasok sa silid ko. Akala ko may ibig sabihin ang nangyari kagabi, nakalimutan kong parausan nga
lang pala ako, ang tanga-tanga ko para maramdaman ito!
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para umpisahan ang trabaho ko dito sa bahay. Nagluto ako at naglinis.
“hija, may kasamang babae si Levian kagabi?” tanong ni Manang na dahilan kung bakit bumalik sa ’kin ang nangyari kagabi.
Marahan akong tumango at kinagat ang ibabang labi. Napabuntonghininga naman si Manang bago umiling-iling.
Kita kong bumaba sina Levian at Clarisse. Nagmamadali akong naghanda ng pagkain para sa kanila,
nanginginig ang kamay ko habang dala-dala ang pagkain at tahimik na nilapag sa harap nila.“Hmm . . . maayos naman pala itong ‘katulong’ mo,” diniin niya talaga ang salitang katulong para ipamukha sa’kin na ganoon ako.
Hindi naman kumibo si Levian at nagpatuloy lang sa pagkain habang ako’y nanonood lang sa dalawa.
Napapatalikod ako kapag nakikita ko silang nagsusubuan, para silang mag-asawa kung titingnan.
“I’ll go uptairs, may nakalimutan lang ako,” pagpapaalam ni Levian kay Clarisse, tumango naman dito ang babae.
“Okay, I’ll wait for you here, honey,” malanding sagot ni Clarisse. Bumaling naman ang tingin nito sa akin bago
ngumisi.
“Ipagsalin mo nga ako ng tubig,” maarte nitong utos.Napakuyom naman ang kamao ko. Nasa harap na niya ang tubig pero gusto niyang ako pa ang magsalin. Peke naman akong ngumiti at nagsalin ng tubig bago iabot sa kanya pero aksidente ko iyong nabitawan kaya nabuhusan siya ng tubig.
“What the hell?! Are you stupid?! Look at what you’ve done!” malakas nitong sigaw sa akin habang dinuduro-duro ako.
“S-sorry . . . hindi ko sinasadya.” Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi.
“What’s happening here?” Nanginig ako nang marinig ang baritonong boses na iyon.“Iyan kasing babaeng ‘yan, tinapunan ako ng tubig dahil nagseselos sa atin!” pagsusumbong ni Clarisse.
Agad akong umiling.
“Sorry, hindi ko naman sinasadya,” paghingi ko ng paumanhin.
“Liar! Sinadya mo kasi nagseselos ka! Kasi galit ka!” sigaw ni Clarisse kaya napayuko ako at kinagat ang ibabang labi.
“Mauna ka na sa sasakyan, susunod ako,” utos ni Levian kaya padabog na umalis si Clarisse.
“Why are you doing this?” malamig nitong tanong.
“Wa—” malakas nitong hinampas ang lamesa kaya napaigtad ako sa gulat.
“’Wag na ‘wag mo akong ipapahiya!” sigaw nito at dinuro ako.“Asawa lang kita sa papel at wala kang karapatang magselos. Kaya kung ako sayo, manahimik ka at gawin ang
trabaho mo nang maayos. Don’t you ever try messing up with me!”
Sunod-sunod akong tumango habang umiiyak.
“Wala kang karapatan sa kung anong gagawin ko. Lalo na kay Clarisse, walang-wala ka kumpara sa kanya. You are nothing but trash to me!” Padabog itong umalis kaya naiwan
akong umiiyak.
Basura lang ako para sa kanya.Basurang hindi pinapahalagahan ng mga katulad niya, dahil para sa kanya isa lang akong nakakadiring nilalang.
Napapikit ako at tumingala kasabay nang mas masaganang pagbuhos ng mga luha ko.
Kailangan pa ba noon?Kailangan pa bang ipamukha sa akin na wala akong karapatan?
END OF CHAPTER 7
A/N: Levian "Redflag" DemetriusShare, Vote, Comments na mga mareee for more iyakan.
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...