Chapter 5

25.6K 427 9
                                    

NAGISING ako dahil sa lamig. Tiningnan ko ang itsura ko at tulad pa rin ng ayos ko kagabi, lalo lang akong nagmukhang tanga.

Dali-dali akong tumayo at naligo. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng CR at tulad nang inaasahan ko, hindi dito natulog si Levian. Sigurado akong nasa kwarto pa rin siya ni

Clarisse hanggang ngayon at maginhawang natulog doon kagabi.

Iwinaksi ko ang nasa isip at pinahid ang mumunting butil sa 'king mga mata.

Nagluto lang ako ng bacon at pinalaman iyon sa tinapay, pakiramdam ko'y wala akong gana ngayon. Mas minabuti ko munang lumabas para magpahangin.

Halos kakaunti pa lang ang tao rito sa labas ng resort, siguro ay dahil private ito at talagang naka-reserve lang para sa party.

Mariin akong napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa 'kin.

Nadaanan ko ang isang coffee shop at natanaw ko ang isang tao mula roon. Kahit nakatalikod ito ay kilalang-kilala ko ang asawa ko. Masaya siyang nakikipag-usap sa babae, isang bagay na ni minsan ay hindi niya sa 'kin nagawa.

Nilihis ko ang paningin ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating ako sa dalampasigan. Nilusong ko ang mga paa ko sa umalon na tubig at payapang naglakad.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko at ang pagtama ng tubig sa aking balat, napakasarap sa pakiramdam, tila ba niyayakap nila ako at dinadamayan.

Pagak akong napangiti, pati ba naman hangin iniisip kong karamay ko?

Umupo ako sa maliit na kahoy sa tabi at ipinatong ko ang baba ko sa dalawang tuhod ko. Unti-unti na namang pumatak ang mga luha ko, singhot ako nang singhot dahil sa kakaiyak habang nakatingin lang ako sa dagat at nakahalumbaba.

"Here, miss. Para hindi ka singhot nang singhot." Napapitlag ako dahil sa malamig na boses na nanggaling sa

likuran ko. Umupo naman siya sa tabi ko bago muling inabot sa 'kin ang panyo kaya nahihiyang tinanggap ko iyon.

"Salamat. Lalabhan ko na lang para maibalik ko sayo,"saad ko habang pinupunasan ang basang-basa kong mukha.

Nahihiya akong humarap sa kanya. Ito na ang pangalawang beses na nagkita kami at umiiyak pa 'ko ngayon. Siya 'yong lalaking nasa table namin kagabi at nakatingin sa 'kin kaya mas doble ang hiya ko.

"Nope, sayo na 'yan. Baka kailanganin mo kapag muli kang umiyak." Napanganga naman ako nang ngumiti siya, buong akala ko ay suplado siyang tao.

"Pwede ko bang malaman kung bakit mag-isa ka? At umiiyak pa?" Wala naman akong makapang sagot.

"Hmm . . . may naalala lang ako kaya ako naiyak," peke akong ngumiti sa kanya.

"You're Levian's wife, right?" Tumango-tango naman ako dahil na rinig ko na naman ang pangalan niya. Hindi ko nga alam kung asawa pa ba ako.

"But I saw him with Clarisse. At ikaw . . . nandito ka-umiiyak." Napatingin naman ako sa kanya bago umiwas at hinarap ang dagat. Ayaw kong sumagot, natatakot ako.

"Okay lang na hindi mo sagutin. By the way, I'm Riego Grey Silvestre." Nakangiti itong nag-abot ng kamay kaya tinanggap ko iyon. "You can call me Grey or Riego."

"Andana Kate. Andana na lang." Tumango naman siya.

"Beautiful and unique. Just like you." Bahagya akong napangiti dahil napansin niyang kakaiba din ang pangalan ko.

"Can I treat you for breakfast?" tanong niya kaya bahagya akong nag-isip. Hindi rin naman ako kumain nang marami at wala rin namang masama na sumama ako sa kanya.

"Sige, saan ba?" tanong ko habang naglalakad kami.

Tinuro niya sa akin ang simpleng kainan malapit lang din sa resort kaya hindi kami mahihirapan maglakad.

'Bamboo Food Restaurant' ang pangalan ng kakainan naming dalawa. Halos lahat gawa sa kawayan maging ang mga lamesa, upuan, at mga design sa loob niyon. Mayroon ding maliit na mini garden na gawa rin sa kawayan.

"Do you like it here?" Napatingin ako kay Grey nang magsalita ito. Busy kasi ako kakatingin sa mga designs at manghang-mangha ako dahil sa galing nila. Hindi ko akalain na marami pa lang nagagawa sa kawayan.

"Yes. Ang ganda tapos kakaiba rin," nakangiti kong sagot.

"That's good. Wait, let me call for a waiter. Waiter!" Kumaway siya sa isang staff kaya lumapit ito sa amin.

"Good morning, Sir, Ma'am," bati nito at bahagyang yumuko bago ibinigay sa amin ang menu.

Mocha coffee lang at egg sandwich ang in-order ko dahil kumain na ako kanina. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin.

Tanghali na nang makabalik kami kaya agad akong bumalik sa silid namin at halos mawalan ako ng hininga nang maabutan kong nakasandal sa pader ang asawa ko.

"Saan ka galing at sinong kasama mo?" Para akong natuod dahil sa malakas na boses ni Levian. Nanginginig ang bibig ko at naluluha akong yumuko dahil sa takot.

"G-galing a-ako sa l-labas. Si Grey ang k-kasama ko." Utal-utal at nangangatal ang boses ko dahil sa kaba.

"What? Bakit kasama mo siya? Lumalandi ka ba? Ha?!" Nangigigil ito habang nakaharap sa 'kin. Umiiyak akong humarap sa kanya at lakas loob na nagsalita.

"Ganyan ba ang tingin mo sa 'kin? Malandi? Kinuha mo na nga ang lahat sa akin. Wala ka nang tinira, tapos . . . tapos sasabihin mo pang malandi ako?!" Napahagulgol ako habang nakayuko at umupo sa sahig na parang batang nagwawala habang nakatakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.

"Pagod na pagod na 'ko . . . gusto ko nang magpahinga . . ." mahina kong bulong pero sakto lang para marinig niya.

"Pwede bang palayain mo na ako? Ang sakit na kasi . . . hindi ko na yata kaya."

"No. Hindi ka aalis. Hanggang hindi ko nakikita ang mga magulang mo, mananatili ka sa puder ko!" Malakas na sigaw nito.

"Talaga bang kasayahan mo ang nakikitang nasasaktan ako?" tanong ko habang umiiyak.

"Yes. At kung pwede kitang saktan araw-araw sa iba't ibang paraan, gagawin ko, sumaya lang ako." Napahikbi ako sa sagot na ibinigay niya.

"Huwag kang mag-alala dahil darating ang araw na ako mismo ang kikitil ng buhay ko para lang sa ikasasaya mo!"humihikbi at puno ng sakit kong saad bago ako tuluyang bumagsak sa sahig sa panghihina.

End of chapter 5
Share, Vote, Comment

Chapter 6 has been unpublished due to matured content, only available on book.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon