~ANDANA POV~
Inayos ko ang pagkakalagay ng iba't ibang klaseng laruan sa kahon. Halos sampong malalaking kahon na puno ng laruan at damit. Ito yung pinamili namin ni Levian dahil naisip kung magdala lalo na sa malalayong ampunan na hindi naabot ng gobyerno.
Katulong ko sina Manang sa pag aayos . Ang mga black'n men naman ang tiga buhat papasok sa van. Nagluto rin kami ng mga pagkain para sa bata tumayo ako pagkatapos kung mailagay ang huling gamit sa loob ng kahon.
" Delyn pakidala naman dito nung mga baunan na binili natin kahapon " Bumili kami ng baunan para doon ilagay ang pagkain para sa mga bata.
Umupo ako sa upuan sa harap ng dining table upang doon gawin ang paglalagay ng pagkain. Kinuha ko ang baunan at binuksan maganda ito at halatang pambata. May apat na slice magiging lagayan ng iba't ibang pagkain.
Spaghetti. Fried chicken, Rice, Adobo . Na kalimitang gusto ng mga bata ang inihanda namin. Nagpadeliver din kami ng juice para sa kanila. Marami kaming gagawin kaya mabuti nalang at pati bodyguard namin tumulong na sa paglalagay ng pagkain.
" Pakilagay nalang po sa mga kahon yan. Paki dahan dahan nalang kasi baka matapon " Paalala ko habang nanonood sa pagpapatas ng mga baunan hindi naman kasi ako pwede at pinagbawalan nila ako dahil buntis ako at masama sakin yun.
Tumango naman sila. " Yes Ma'am " .
Naupo muna ako bago uminom ng tubig . Maya maya lang ay pumasok na ang mga inutusan naming bumili ng bigas na dadalhin ganun din nang meat at gulay na masustansya. Ngayon ang punta namin at alam na ito ng ampunan dahil inasikaso na ito ni Levian.
Speaking of Levian wala sya ngayon dahil nasa kompanya sya. Susunod nalang daw sya pagkatapos nya dun okay lang naman sakin beside kasama naman sina Manang at Delyn ang sampung bodyguard na ina sign nya.
Napatingin ako sa pambisig kung relo. It's already 11. AM. Alas dose ang alis namin dahil medyo malayo ang byahe. Were going to Rizal Orphanages . Rizal ang pangalan ng lugar patungo itong probinsya kaya talagang mahaba ang byahe . I hope makasunod si Levian dahil matutuwa ang mga bata kung makikita nila ang isa sa mga tumulong.
Tumingin muna ako sa kanila. " Akyat lang po ako. Mag ayos narin po kayo para sa pag alis " Tumango naman sila at tumakbo. " Tulungan ko kitang umakyat baka mapano kayo " Napangiti ako kay Delyn napaka maalaga talaga nya. Naalala ko ang dahilan kung bakit sya nagtatrabaho . Dahil daw may sakit ang nanay nya at kailangan itong maipagamot. Nung araw na nalaman ko yun nakiusap ako kay Levian na ipagamot ang nanay ni Delyn. Mabuti nalang at nagbago na sya at agad na sumang ayon.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin.
" Okay nako Delyn . Mag ayos ka narin " Ngumiti sya bago tumalikod. Pumasok ako sa loob at naupo sa napakalaking kama. Sa tabi nito ang lampshade. May bookshelves sa bandang tagiliran. May mga picture sa tabi ng lampshade. Nakangiti kung dinampot ang una naming litrato ni Levian. Ito yung pumunta kami sa Park.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Malapad akong ngumiti at hinaplos ang sing sing na binigay nya sakin kahapon lamang.
' This is sign of my Love for you ' .
Matapos maghanap ng damit ay naligo na ako. Nakasuot ako ng navy bluedress na mahaba hanggang tuhod tinirinatas ko rin ang buhok ko katulad ng kay Elsa. Mas kumportable ako sa ganito. Iwas init narin kung sakali.
Nagsuot ako ng flat shoes na terno sa damit ko ito ang binili namin kahapon.
I apply light make up. Bago kuhanin ang shoulder bag ko.
Sunod sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto.
" Ma'am tapos na po ba kayo. Aalis na daw po tayo " I heard delyn.
Tumayo naman ako at binuksan ang pinto. " Let's go !" Aya ko at naglakad kasabay nya. Maingat ako sa kilos ko ngayon dahil nga buntis ako baka mapano ako at madamay ang anak ko.
Naisakay na nila sa isang van ang mga dala namin. Sa kotse naman kami sasakay. Sa van nakasakay ang anim na black'n men habang apat ang kasama namin. Nakasunod lang saamin ang Van habang kami ang nauuna.
Tiningnan ko ang Phone ko kung may Text si Levian pero wala. Alam ko namang susunod sya dahil pinangako nya yun sakin. Sumandal nalang ako sa tabi ng bintana at nagtingin tingin sa paligid. Napakaganda iyon lang ang masasabi ko. Mula sa mga bundok mataas na puno.
Huni ng mga ibon at payapang tunog ng hangin. Nasa kalagitnaan na kasi kami ng byahe kaya halos puro puno na ang sumasalubong samin.
[ WELCOME TO RIZAL PROVINCE ]
Isang malaking semento na nakahugis U na pamaligtad ang bumungad samin nakasulat ang Welcome to Rizal province means malapit na kami.
Nagvibrate ang phone ko.
[ I'm already done to my paper works. Susunod nako. Take care I love you ]. Levian texted me.
I smiled.
I repy at him. " [ Okay! I'll wait see you. Take care too. Love you ].
Ini off ko muna ang phone ko .
" Malapit naba tayo kuya " Delyn Asked.
" Malapit na tayo. Doon lang yun sa Dulo "
Tumigil kami sa harap ng isang hindi kalakihang gusali at halata ang pagkaluma nito. Matagal na siguro base na rin sa itsura ay matagal na.
Bumaba ako pagkabukas ng pinto at tinigala ang gate ng bahay - ampunan.
Ang bodyguard na ang nagdoorbell at lumabas doon ang babaeng naka pang madreng suot.
" Good Morning po. I'm Andana Demetrius . Kami po yung nagpadala ng sulat para sa pagpunta at pagtulong " Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ng may kaedarang babaeng madre.
" Good Morning po. Ako po si Sister Fe siguradong matutuwa ang mga bata kasi dumating na kayo . Pasok po kayo " Binuksan nya ng malaki ang gate kaya nauna akong pumasok kasunod ko sina Manang at delyn. Ang mga bodyguards naman ang nagdadala ng mga gamit para sa bahay Ampunan
BINABASA MO ANG
Being His Slave Wife (Completed)
Storie d'amorePUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING | Available on Immac Shopee Blurb: Paano mabubuo ang pagmamahal sa lalaking tanging galit lang ang alam? Maghiganti at pahirapan ka ang tangi niyang kasiyahan. Masaya at simpleng namumuhay si Andana, ngunit nabago...