Chapter 12

20.8K 320 3
                                    

ANDANA POV

MAAGA akong gumising para magluto ng almusal dahil alam kong hindi ako papayagan ni Levian, pero kasi namimiss ko na rin magluto tuwing umaga.

Maingat ang galaw ko habang bumababa ng hagdan at papuntang kusina. Alas-singko pa lang ng madaling araw kaya tulog pa si Manang. Binuhay ko ang stove saka nagluto ng sinangag na may itlog.
Kinuha ko rin ang ham at toccino sa
ref bago niluto. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa asawa ko at gatas naman para sa akin.

Nakita kong nagmamadaling bumaba ng hagdan si Levian at nang makita ako nito ay nakahinga ito nang maluwag.

“Akala ko ay umalis ka,” malamlam nitong sabi.

Inisip ba niya na baka iniwan ko na siya? Kung noon ngang sinasaktan niya pa ako ay hindi ko siya nagawang iwan siya, ngayon pa kaya?

Ngumiti ako sa kanya bago lumapit.

“Kain na tayo,” aya ko kaya nangunot ang noo niya.

“You cooked?” Tumango naman ako.

“Okay lang naman ako at saka nami-miss ko na rin magluto. Kaya halika na.” Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa dining area kung nasaan ang mga niluto ko.

Siya ang naghila ng upuan para sa akin. Magkaharap kaming kumakain.

“You’re good at cooking,” puri niya kaya napanguso ako.

“Pero ang sabi mo dati ay masama ang luto ko.”Lumambot ang mga mata niya bago niya hinawakan ang
kamay ko.

“I’m sorry. I’m just so mad at that time to the point na sa iyo ko naibuhos ang galit ko.” Ngumiti naman ako para
sabihing okay lang.

Kahit minsan hindi ko nagawang magalit sa kanya. Dahil siguro mahal ko siya at higit sa lahat ay naiintindihan ko siya.

Namatay ang mga magulang niya dahil sa mga magulang ko. Kahit sino ay hindi maiiwasang magalit. Pero ngayon, masaya ako na hindi na galit ang nararamdaman niya para sa
akin.

Alam kong masyado pang maaga para mahalin niya ako pero nandito lang ako at handang maghintay hanggang sa matutunan niya na akong mahalin.

AKO ang nagkabit ng necktie niya at inaayos ko ito ngayon.

“Hindi ko alam na maganda pala sa pakiramdam na inaayusan ako ng asawa ko.” Namula ako dahil sa paraan ngpagtawag niya sa akin.

Nakangiti kong sinalubong ang mga tingin niya kahit naiilang ako. Umiwas ako ng tingin at na rinig ko ang pagtawa niya.

Napakaganda sa pandinig.

“You’re blushing, wife,” natatawa nitong puna kaya tinakpan ko ang mukha ko.

“Hindi, ah! Assuming ka lang!” pagtatanggol ko sa sarili.

Nagkibit-balikat naman siya bago hawiin ang buhok. Ang hot niyang tingnan habang naka-business attire at may messy hair—bagay na bagay sa kanya.

“Done checking me out, wife?” He smirked at me kaya umiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang baba ko bago iharap sa kanya.

“Don’t be shy . . . I’m all yours.”
Eh? Napanganga ako. Naramdaman ko na lang ang mainit at malambot niyang labi sa labi kong hindi maka-get over.

Hinintay ko siyang pumasok sa kotse niya habang nasa labas kami. Balak kong panoorin ang pag-alis niya papasok sa opisina. Pero nagtaka ako nang lumapit siya sa akin at lumuhod. Bigla niyang hinalikan ang tiyan ko at hinimas ito.

“’Wag kang pasaway, baby. Daddy will be back later.”Napangiti ako. Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi.

“Take care. I’m going now, wife.” Ngumiti siya bago pumasok sa loob ng kotse. Kumaway pa ako bago niya iyon paandarin.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon