Chapter 10

27.6K 368 14
                                    

"I WILL recommend some vitamins para sa pagbubuntis mo, Mrs. Demetrius. Mister, iiwas po natin si Misis sa stress dahil delikado iyon para sa kanya." Nagkatinginan naman kami ni Levian kaya ngumiti ako, ganoon din siya.

"Noted, Doc. I'll take care of her." Ngumiti naman ang doktor.

"That's good. Mabuti naman ang lagay ni baby, sa ngayon ideretso mo lang ang pag-inom nito at ingatan mo ang sarili mo," paalala ng doktor na agad kong tinanguan.

"Sigurado ka ba, Levian? Hindi ka papasok sa company mo? Pwede ka naman nang pumunta roon pagkahatid mo sa 'kin," saad ko habang nasa biyahe kami.

"No. I will take care of you. Bukas na lang ako papasok, nandoon naman si Yolly para sa mga trabaho ko," ani lamang ng lalaki bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho habang hawak ang isa kong kamay.

Nagising ako dahil sa mumunting halik sa pisngi ko. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago dumilat at mukha
agad ni Levian ang bumungad sa 'kin. Nasa kotse pa rin kami at nasa parking na.

"Bakit hindi mo agad ako ginising?" tanong ko habang tinatanggal niya ang seatbelt ko.

"Ginising naman kita ah? In a sweet way," ani nito na nagpanguso sa akin.

"Manang," tawag ni Levian nang makapasok kami sa loob.

"Oh, hijo, nandito na pala kayo," bati ni Manang.

"Pakihanda na po 'yong lamesa." Mabilis namang tumango si Manang at nakangiting tumungo sa kusina.

Kumakain ako habang todo subo sa akin si Levian. Ayaw daw niya akong mapagod kaya nagpresinta siyang subuan ako.

"Ako na, Levian. Kaya ko naman eh. Hindi naman ako mapapagod dahil lang dito," pilit kong inaagaw ang kutsara pero umiling siya at muling sumandok.

Nasa iisang pinggan lang kami para daw sweet. Hindi ko alam na ganito pala siya ka-OA.


NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon, ibang-iba sa nakagisnan kong gawin noong una kong tapak dito.

Masaya akong okay na kami ni Levian. Kaya sa abot ng makakaya ko, aalagaan ko ang anak namin na dahilan kung bakit bumuti si Levian. Hinimas ko ang hindi pa maumbok


na tiyan.

Wala na si Levian kaya nalungkot ako nang nagawi ang paningin ko sa lamesang katabi ng kama naming. Kinuha ko ang isang papel at binasa.

Good morning, wife. Take care of your self, okay?


Good morning, baby. 'Wag kang malikot sa tummy ni mommy, uuwi ako agad. I love you.

Napangiti ako dahil sa sulat niya.


Pumasok muna ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko bago bumaba. Pati si Manang Seling nahawa na sa pagka-OA ni Levian kasi pati pagbaba ko inalalayan niya 'ko.

"Manang, kaya ko naman pong bumaba eh!" Pero ngumiti lang siya.

"Hay naku, Andana! Utos 'yan sa akin ni Levian bago umalis, halika na at mag-almusal." Iginiya niya ako sa lamesa at pinaghandaan ng pagkain.

"Sumabay na po kayo sa akin," ani ko.

"Huwag na, hhija. Tapos na ako, kanina pa." Kaya magisa akong kumain at pilit pa ngang pinaubos ni Manang ang gatas ko.

"Naku, Andana, malalagot ako kay Levian kapag ginawa mo 'yan!" Inagaw sa 'kin ni Manang ang panglinis.

"Pero mag-isa lang po kayong maglilinis," saad ko.

"Ang sabi ni Levian ay kukuha raw ulit siya ng katulong kaya saktong may pamangkin ako at ipinasok ko siya dito. Dadating na siya sa susunod na linggo," paliwanag ng matanda kaya wala akong nagawa kung 'di ang maupo at manood ng TV.

Nabo-bored akong nakaupo sa garden dahil wala naman akong ginagawa.

"Andana, pinapasundo ka raw ni Levian." Nagtataka man ay sumunod ako kay Manang at nadatnan ko sa sala ang mga lalaki.

"Bakit po?" tanong ko.

"Pinapasundo ka po sa amin ni sir Levian para dalhin sa kanya, Ma'am." Saktong tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe.

Baby, pinapasundo kita. Don't worry, maingat 'yang mga 'yan. Take care, I love you.

Namula naman ang pisngi ko sa huling salita sa kanyang


text.Nagbihis muna ako bago sumama sa mga sumundo sa akin. Pati sila ay ingat na ingat na para bang isa akong babasaging bagay na kailangang ingatan.

Huminto ang sasakyan sa isang mataas at malaking gusali. Nakaukit at nakadikit ang pangalan sa harap noon.

Demetrius Corp.

Namangha ako sa laki nito, ngayon lang ako nakapunta dito.

"This way, Ma'am." Giniya ako ng mga bodyguards papasok. Napakaraming empleyado at napatingin sila sa akin, ang iba ay may pagtatanong sa kanilang mga mukha at may


nagbubulung-bulungan.

"Sino kaya siya?"

"Pasakay siya sa private elevator. It means mahalaga siya kay Sir," ani pa ng isa.

Ang dami pa nilang sinasabi pero hindi ko na na rinig ang iba. Sa pinakahuling palapag kami bumaba at hanggang pinto lang ang mga bodyguards. Habang ako ay pumasok sa malaking pinto.

Naabutan kong pumipirma si Levian ng mga papeles kaya tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya.

"Wife," agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Bakit mo nga pala ako pinasundo?" Kasi naman may pabodyguards pa siya, para tuloy akong asawa ng presidente ng Pilipinas!

"Gusto kitang makasabay kumain kaya pinasundo kita."May tinawagan siya sa telepono.

"Yolly, yes. 'Yong pina-order kong mga pagkain. Yeah. Now na. Please hurry," saad nito. Napanguso naman ako kasi ang sungit niya mag-utos.

"Bakit ang sungit mo?" nakanguso kong tanong.

"Ayaw ko kasing magutom ka kaya nagmamadali ako,"sagot nito. Nagitla ako nang hapitin niya ako sa baywang at pinaupo sa lap niya.

"Levian, paano ako kakain nito?" angal ko pero tumawa lang siya.

"Salo tayo," pinagsandok niya ako bago sinubuan kaya halos magkapalit na ang mga mukha namin dahil sa lapit.

"Busog na busog na ako baka tumaba na ako nito!" ani ko habang hinihimas ang tiyan.

"Maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka." Ngumuso ako kaya tumawa na naman siya.

"Ang cute ng pisngi mo, Levian!" Pinanggigilan ko ang pisngi niya.

"Wife, masakit pero para sayo okay lang." Lalo akong natawa at piningot-pingot ang ilong niyang matangos nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yolly.

"Ay! Sorry po, Sir!" Nagmamadali itong umalis kaya napatingin ako kay Levian.

"Napakasungit mo talaga, ano? Wala ka pang sinasabi natatakot na sila sa'yo," naiiling kong sabi kaya niyakap niya ko patalikod at inilagay ang baba niya sa balikat ako.

"Sorry . . . Sorry . . . Sorry . . ." paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin dahil sa nagawa niya.

"Shh . . . matagal na 'yon at saka mabait ka na sa 'kin ngayon," nakangiti kong sagot sa kanya at hinalikan siya sa labi. Smack lang dapat iyon pero pinalalim niya kaya inilagay ko sa leeg niya ang braso ko at lalong lumalim ang halikan sa


pagitan namin nang bumukas ulit ang pinto.

"Ay shit! I'm dead . . ." tinig mula sa likod ko habang ako'y nakasubsob kay Levian dahil sa hiya.

"Fuck! Istorbo," aniya kaya natawa ako.

"Get out, bastard! I will kill you," he hissed angrily.

"Ito na nga. Aalis na po, kamahalan! Ipagpatuloy na ninyo 'yan," pagsarado na lang ng pinto ang sunod kong na rinig.

Iniangat niya ang baba ko kaya nagtama ang paningin namin.

"Wala na siya. Istorbo eh," nakabusangot niyang sabi. Kaya lalo akong natawa.


"SIGURADO kabang ipapakilala mo ako sa mga empleyado mo?" nag-aalala kong tanong habang papunta kami sa baba dahil nagpatawag si Levian ng meeting para sa lahat para i-announce ang tungkol sa akin.

"Don't be afraid. Karapatan mong makilala nila bilang asawa ko. Para igalang ka nila tulad ng paggalang nila sa akin,"he said.

"Pinatawag ko kayong lahat para i-announce at ipakilala ang babaeng katabi ko ngayon." Hinapit niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi.

"She's Andana Demetrius, my wife. Kaya gusto kong igalang ninyo siya tulad ng paggalang ninyo sa akin. Ang malaman kong hindi sumunod, will get their rightful punishment." Maraming natuwa dahil sa nalaman at may iba namang hindi umiimik.

"Another announcement, my wife is pregnant. She's 4 weeks pregnant at ipinagbubuntis niya ang tagapagmana ng Demetrius Corp." Nagpalakpakan ang mga tao kaya labis ang saya ko.

Ganito pala ang pakiramdam na ipakilala at tanggapin ng mga tao.




END OF CHAPTER 10
Author Note: Don't forget to follow and Vote.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon