Chapter 4

25.2K 403 11
                                    

TULAD nang nakagawian ay maaga akong gumising kinabukasan. Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Simpleng jeans at crop top lang ang suot ko dahil wala akong hilig sa mga dress. Chineck ko rin ang maleta ko kung kompleto na.

Naabutan ko si Manang na nagluluto sa baba kaya agad akong lumapit.

"Hija, gising ka na pala. Maupo ka diyan at patapos na ito," aniya kaya naupo na lang ako sa harap ng lamesa at hinintay si Manang. Nakangiti kong tinanaw si Manang habang dala ang pagkain. Bacon, toccino, at may lugaw rin kaya mas lalo akong natakam.

Akmang sasandok na ako nang marinig ko ang malalakas na yabag mula sa taas at hindi ako nagkamali, si Levian iyon.

Inilihis ko ang paningin ko at muling kumuha ng pagkain. Naiilang ako sa kanya, hindi ako maka get-over sa nangyari kagabi, sumabay siya sa aking kumain for the first time.

"Good morning, hijo. Kumain ka na," bati ni Manang at kumuha ng pinggan at baso habang si Levian ay tuloy-tuloy lang sa pag-upo sa harap ko.

Mas lalo akong nailang. Binilisan ko ang pagsubo ko na para bang hinahabol ako ng kung ano.

"Tapos na po ako, Manang. Pakitawag na lang po ako kapag maghuhugas na," ani ko.

"Where are you going?" tanong ni Levian habang nakatitig sa 'kin.

"S-sa taas lang," mahina kong sagot.

"Get dressed. Aalis na tayo pagkatapos ko rito." At hindi na niya ako muling binalingan ng tingin.

Habol ko ang hininga ko nang makapasok ako sa kwarto.

Bakit ganito 'yong puso ko? Parang nagtatambol dahil sa lakas ng tibok?
Umiling-iling ako at bumuga ng hangin bago lapitan ang bagahe. Maliit lang ito kaya kayang-kaya kong buhatin, besides may gulong naman.

"Mag-iingat kayong dalawa." Nagpaalam na kami kay Manang.

Siya lang ang naiwang mag-isa sa bahay. Ako tuloy ang natatakot para sa kanya pero sabi niya ay sanay na raw naman siya.

Tahimik lang ang byahe namin, paminsan-minsan ay tumitingin ako kay Levian pero seryoso lang itong nagmamaneho kaya ibinaling ko na lang ang pansin ko sa bintana at tumingin-tingin sa labas.

Saan kaya kami pupunta?

Bakit kailangang isama pa ako?

Para ba may alalay siya doon?

Napangiwi naman ako sa naisip.

Napako ang tingin ko sa masayang pamilya sa park.

Sana gano'n din kami, sana nandito pa sila.

Bumuntonghininga ako bago pahidin ang mga luha ko. Malayo-layo rin ang byahe pero hindi ako natulog kahit gusto ko.

Baka kasi dumating kami sa pupuntahan namin at tulog ako, baka imbes na gisingin ako eh iwanan na lang niya ako bigla. Wala pa man din akong dalang pera.

Tumigil kami sa isang resort. Napakaganda rito at halatang pangmayaman. Never pa akong nakapunta sa ganitong lugar, ngayon pa lang.

Ipinarada ni Levian ang sasakyan at may mga guards doong nag-assist. Pagkababa naming dalawa ay iniabot niya ang susi ng kotse sa isang lalaki at may sinabi siya roon.

Nauna siyang maglakad papasok kaya sumunod na lang ako. Napanganga ako dahil sa gara ng loob ng resort. Kung maganda sa labas mas dobleng ganda sa loob nito.

"Good morning, Mr. Demetrius. Welcome to Cassiana Resort!" bati ng babaeng staff.

Bumaling din ang tingin nito sa akin. "Good morning, ma'am!"

"Morning," nakangiti kong bati pabalik dahil walang balak si Levian sumagot. Nakakahiya naman kung iisnabin lang ang babae.

"Where's our room?" malamig na tanong ni Levian sa kanya.

"Room 304, Sir. 4th floor," sagot ng babae.

Tulad kanina ay nauna na namang maglakad si Levian patungo sa elevator. Tanging kaming dalawa lang ang sakay kaya pakiramdam ko ang hirap gumalaw.

Tumunog ang elevator senyales na nasa tamang palapag na kami. Dali-dali akong humakbang pasunod sa kanya dahil sa sobrang bilis nitong maglakad.

Huminto kami sa harapan ng pinto na may nakasulat na 'ROOM 304 / Cassiana Resort'.

Namangha ako sa laki at lawak ng silid, parang isang bahay na ito kung tutuusin. May king-sized na kama, may mga gamit din, may malaking sofa sa tabi, at may pinto sa dulo na palagay ko ay bathroom.

Inayos ko ang laman ng maleta ko at nilagay sa isang tabi, ganoon din ang kay Levian. Biglang pumasok sa isip ko kung magkatabi ba kami sa kama. Naiisip ko pa lang tumatayo na ang balahibo ko.

"Sa sofa ka at ako dito sa kama." Napatingin ako kay Levian nang magsalita ito. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon