Last Chapter

18.8K 253 17
                                    


~LEVIAN POV~

I was walking outside our building because im getting bored inside. I'm just 10 years old but i already know where i am, kaya alam kong hindi ako maliligaw. Hawak ko rin ang phone ko incase that my mom will call me.

Lumabas ako sa likod ng building para tingnan ang ilang puno doon. Pasimple ko pang sinipa ang ilang bato sa dinadaanan ko. Kakaunti ang tao sa lugar nato, mga ilang maintenance lang ng kompaniya ni daddy.

Sa pagliko ko ay hindi ko inaasahan na makita ang isang batang babae. I think she's 6 or 7. Nakaupo sya sa bench at tahimik lang.

She got my attention because of her beautiful face, tantalizing blue eyes, and her curve hair. She's cute.

Hindi ko nabilang kung ilang minuto akong nakatayo sa likudan niya habang tinititigan siya. Napaigtad ako ng bigla itong lumingon. Nagulat ito pero agad ding ngumiti. Damn this cutie girl. She makes my heart tremble so fast.

" Hi!" She smiled at me.

Hindi parin mapawi ang mga ngiti nya kahit na seryuso lang ang mukha ko. I want to pinch her cheeks, I giggled.

Tumayo ito at lumapit sakin, bahagya pa syang tumingala dahil mataas ako sa kanya. She pouted. Damn. Ang cute nya.

"Ang taas mo naman po, maliit parin pala ako." Bumungisngis ito bigla kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

Hindi parin ako nagsasalita. Tiningnan nya ko bago sinilip silip yung mukha ko.

"What's your name?" Hindi ko alam pero iyan ang lumabas sa bibig ko.

"Dana, Ikaw po?" Nakangiti parin sya.

"I'm Levian. How old are you?"

"I'm 6." Bahagya pa nyang itinaas ang kamay nya at pinakita sakin ang anim nyang daliri.

Tumango tango ako.

"Mas matanda kapo sa akin kaya  mas malaki ka, Kuya dapat tawag ko sayo," Hindi ko alam pero medyo hindi ko yun nagustuhan. 

"Dana! Tara na uuwi na tayo,"  Sigaw ng isang hindi katandaang babae. Mukhang inaaya na niyang umuwi.

"Babye kuya, Uuwi napo kami." aniya  at mabilis tumakbo palapit sa sinabi nyang mama nya.

Tinitigan ko lang sila maglakad palayo.

Habang dumadaan ang bawat araw ay lagi ko syang tinitiningnan mula sa itaas ng opisina ni daddy. I want to go with her but my parents did not allowed me to go outside. Its annoying.

"Mom, Did you know who is she?" I pointed Dana.

"Yeah, She's the daughter of our employee, She's cute talaga. Why?" she curiously askmed me.

"Nothing," I shrugged.

__
When i was 15, hindi na sya madalas dito. She already 11 and i know she's studying.

"Levian, I want you to study abroad, in U.S,"  pahayag ng ama.

"Why dad? Hindi ba pwede dito?" tanong ko pa.

"Mas maganda doon lalo pa at bussiness ang kukunin mo,"

Sa huling pagkakataon pinuntahan ko sya sa school nya. Palihim ko syang tinitngnan sa malayo. Lalo syang gumanda.. Hindi parin nawawala sa mga mata nya ang saya. Nakangiti sya habang kausap ang mga kaibigan.

"I promise, I'll be back ..... For you,"

___
Nang makabalik ako sya agad ang hinahanap hanap ko. I'm already 22 right now.

Pumunta ako sa building namin at nagbakasaling nandun sya at hindi ako nagkamali. She's here with her parents.  Nagtama ang mga mata namin pero halatang hindi nya ko maalala, Maybe because she's just 6 that time.

Being His Slave Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon