I know... the number of reads, votes and comments will pale in comparison sa ibang mga story dito sa wattpad but... (a big BUT) what this story has is more than anything for me. It's more than enough for a budding writer like me. So, sa mga nakarating po rito..... Thank you!
<3 <3 :)
Naiwan si Senior Inspector Arriane sa prisinto habang isinasagawa ang pagsisiyasat sa bahay ni Chrystal. Gaya ng buong kapulisan, hindi rin umabot sa pandinig niya ang warrant of arrest na nilabas ng korte para kay Nikko Luis Francisco at lalong hindi umabot sa kaalaman niya ang planong aarestuhin na ito sa mismong gabi na iyon. Nakakainsulto. Considering her position? Sa balita sa tv na lamang niya nalaman. On hand din siya sa kaso at obvious na harapang pang-iinsulto ang ginawa ni Hagos lalo na ang pagsama ng SWAT sa plano ng gusgusing detective na iyon. He could not have done that without the help of someone in position to command the SWAT.
Sa sobrang frustration at disgust, napatawag siya kay Alex para magvent-out. “What they did is absolutely not necessary!” umaalingawngaw ang boses niya sa loob ng sariling opisina. Tatlumpong minuto na siyang nakapamewang at di tumigil sa kakalakad at kakabalik-balik. “Ni hindi lumaban yung tao? Do they have an irrevocable evidence that he's the killer? What if he manages to get off their claws? All we know, he can file against the team! Hindi na ba talaga nag-iisip yang mga pulis na yan?” Sinundan niya ng tili ang sinabi. Uminit ang ulo niya sa palabas na ginawa ng mga kapwa pulis.
Alex sighed. Who can remain calm and almost unfazed these days? “Ipagdasal na lang natin na siya na nga talaga ang killer para matapos na rin 'to. Or else...”
“Or else, magiging laughing stock nanaman ng media ang departamento natin! Ang sasarap nilang sungalngalin!” she breathe. Loud. Uneasy. “Anong katibayan meron yang Hagos na yan?”
“Pinalakad ko na yan kay Sanchez. May kontak siya sa grupo ni Hagos. Papadalhan kita agad ng kopya.” Maririnig pa rin sa background ang ingay ng mga nakikiusyoso, mga di matigil sa kakatanong na mga reporters at sasakyang pabalik-balik sa tapat ng bahay nina Chrystal.
“Who's behind him?” naalalang itanong ni Arriane sa pagitan ng pagngingitngit.
At parang kusang sinagot ng tv sa harap niya ang tanong na kanina pa umiikot sa isip niya. Hayun at ngiting-ngiti ang Direktor ng pulisya sa bansa. Ipinagmamalaki nito si Agent Hagos on Phil. tv. Ipinagdidiinan pa nito ang pagiging matalik na kaibigan nila ng yumaong ama ni Hagos.
Really, old horse? Hindi niya mapigilang magtaas ng kilay. She knows the dark secrets behind his success. Sikretong kung malalaman lang din ni Hagos, tiyak na ikakamuhi niya. Sikretong pwedeng maging dahilan para ibaon nito ang Direktor sa mismong kinatatayuan.
“Arriane?” Napakurap si Arriane. Tinatawag siya ni Alex sa kabilang linya at kailangan niyang kunin ang komento nito sa mga nangyayari. Kailangang... dahan-dahang bumaba ang kamay niya tangan ang cellphone at parang commercial na nagreplay sa utak ang mga nangyari eighteen years ago...
Nakagapos ang dalawang braso ng batang Arriane. Hilam sa luha ang mga mata niya dahil sa di-matigil na pag-iyak. Nananakit ang buong katawan pero mas humihiwa sa pagkatao niya ang katawan ng mga magulang na iniwang walangbuhay sa sahig ng kwartong kinalalagyan niya at sampu pa ng di-mabilang na bihag. Maliit lang ang kwartong iyon. Mainit. Mapanghi. Mabaho. Mag-iisang linggo na mula nang dalhin sila ng mga armadong lalaki. Hindi sila pinakakain ng maayos. Hindi rin sila pinapayagang tumayo man lang para makapagbawas sa mas maayos na lugar. Kahit pa piniringan sila ng dalhin doon, alam pa rin nilang gubat ang paligid. Napakalawak sana ng gubat para pagtapunan ng mga dumi nila para hindi sila lalong nagkakakasakit sa dumi ng kwarto. Pero hindi. Hindi inilaan ng mga armadong lalaki para sa pagdumi ang gubat kundi tapunan ng mga bangkay nila.
BINABASA MO ANG
Puting Anino
Misterio / SuspensoKill... Write... Send Sino si Puting Anino? [First Alex Gonzalez novel]