“Coffee”
Alex waved his hand in dismissal. “Just had my second cup of coffee on my way here.”
Nagkibit-balikat lang si Arriane. Sa Market!Market siya tumuloy pagkagaling sa tinitirhan ni Laurie Asuncion.
“So, what happened?”
“Reluctant siyang magbigay ng opinyon. Normal. I never thought someone can look so vulnerable... and afraid.”
“Laurie... sounds familiar huh. You think she's related to our killer?”
“Too early to conclude. Wala akong napansing kakaiba sa ikinilos niya. Nakakadisorient naman talagang masangkot sa mga ganitong klase ng problema. Maybe she can help us. Maybe she can't. Though, kanina wala talaga siyang naibigay na kahit na ano. Hindi niya kilala si Lfrancisco, wala siyang Wattpad account at wala rin siyang ideya kung bakit siya ang napiling padalhan ng emails.”
Sumandal si Alex sa upuan. Nakakunot ang noo. Tahimik na nag-isip.
“Kumusta yung lakad mo?” si Arriane.
“Not bad. Limang Francisco lang ang resident sa buong Taguig. Though, hindi natin sigurado kung taga-Taguig nga talaga yung author. Iyon ang nasa Wattpad account. We are only taking chances. Invited for interrogation 'yung lima.” napabuntong-hininga si Alex. Halos hindi umuusad ang kaso. Masyadong malinis ang ginawang pagpatay. Pero naniniwala siyang walang perpektong murder. Makakahanap at makakahanap sila ng butas.
“Lumabas ang autopsy report kay Bernadette Quizon kagabi. Nabasa mo na ba?”
“Inassign ko si SPO1 Morales para dun.”
“Yung kopya ng emails?”
“Nandito.” Inilabas ni Arriane ang nakatuping papel mula sa bulsa.
“May ipinadalang kopya sa akin kagabi.” Inilabas ni Alex ang cellphone. “Dinownload ko yung wattpad app. Heto.”
Lumipat ng upuan si Alex. Tumabi siya kay Arriane para madali nitong makita ang laman ng kwento.
“Sa Chapters 3 at...” inilipat niya ang pahina sa screen ng cellphone. “... chapter 7”
Kinuha ni Arriane ang cellphone mula sa kanya. Hindi ito nakuntento. Itinabi nito ang printed na kopya ng email kay Laurie at ang sulat ng killer sa Wattpad. Pareho. Parehong-pareho.
“Spot-the-difference.” nakangisi si Alex.
“What difference are you talking about?”
“Wala. Walang pinagkaiba. Parehong-pareho, word for word pati positions ng commas at periods.”
“Look at this.” Itinuro ni Alex ang araw at oras ng pagkakapublish ng chapter 3 sa Wattpad at saka niya itinuro ang araw at oras nang pagkakatanggap ng email sa kopyang hawak ni Arriane.
“Bago nagsesend kay Laurie, nag-a-update muna sa wattpad.”
“And guess what. Natrace ang IP address ng device na ginamit sa pagpapadala ng emails at pag-update sa Wattpad ng author.”
“Same computer?”
“At least sa dalawang chapter. Three and Seven.”
“Then, Lfrancisco and Puting Anino is but a single person.”
Alex snapped his finger. “The killer.”
Shit!
Tumungga ulit ng beer si Agent Hagos. Kanina pa niya paulit-ulit na nirereplay ang kuha ng CCTV sa CR ng SM North kung saan naganap ang pagpatay sa apat na huling biktima ni Puting Anino. Sa mesa ay nagkalat naman ang kopya ng email kay Laurie Asuncion at printed na kopya ng pinakakilalang thriller/mystery story ngayon sa buong bansa. Ilang beses na rin niyang binasa iyon. Wala siyang ibang napansin kundi ang pagkakapareho ng kwento sa mga nangyari sa nagdaang ilang linggo. Nabalitaan niya ang ginawang massive search ng PNP sa mga may last name na Francisco sa buong Taguig.
Lame. You can always use a different name. He's a killer. Why will he want to reveal his identity?
Nabalik sa video ang pansin niya.
Paano siya lumabas?
Pinindot niya ulit ang remote para ulitin ang video. Tired, he skipped some parts. Noon nahagip ng mata niya ang ilang gabi na niyang hinahanap. Kung paanong nakapasok pero hindi napansing lumabas ang killer sa loob ng CR kung saan niya ginawa ang pagpatay.
“Do you believe that the killer is a lefty?” umorder pa ulit si Arriane ng kape.
“Hagos say so. Sa press release, binuhat ng killer sa kaliwang balikat si De Nierro nang pumasok sila sa parking lot. Maraming beses din niyang ginamit ang left hand sa paghatak sa mga tali. Big chance that he's correct. In any case pwede rin namang ambidextrous ang killer natin. Pwedeng pinalalabas lang niyang left-handed siya but the thing is master niya ang paggamit sa parehong kamay.”
“Di ba napaka-rare ng ambidextrous na tao?”
“Rare but they are among us.” Nilaro-laro ni Alex ang kutsarita gamit ang mga daliri sa kanang kamay at saka iyon ipinasa sa kaliwa.
“You-- Ok. Ok. Got your point.” tutunggahin sana ni Arriane ang kape sa mug pero pinigilan ni Alex ang kamay niya.
“Tama na yan.”
Nagpaawat naman si Arriane pero masama ang loob niya. Paborito niya ang kape sa McDo lalo na kung may pancake.
“May chances ba sa SM North massacre na napansin ang pagiging kaliwete ng killer?”
Tumango lang si Alex. Tinutungga kasi nito ang kapeng inilapag ni Arriane.
“What?” papilosopong tanong niya nang malingunang masama ang tingin sa kanya ni Arriane. “Baka iuwi mo pa mamaya.” palusot niya. Anyway, sa review ng kuha ng CCTV, ginamit niya ang kaliwang kamay sa pag-adjust ng sumbrero nang papasok siya ng CR.”
“That's almost an unconscious act.”
“Tama. Pero kahit sino, alam na ang CCTV Cam sa labas lang mismo ng CR. Hindi pwede sa loob. He could have planned that act.”
Hindi sumagot si Arriane. Nanatili itong nakatingin. May ideyang matagal nang nagsusumiksik sa isip niya pero napaka... imposible.
“Share your thoughts Inspector.”
“Senior Inspector.” pagtatama ni Arriane na tinapunan ng masamang tingin ang kasama. She doesn't mind being called Inspector pero bigla rin niyang naalala na maliban sa kanila ay nasa kabilang mesa lang sina PO1 Eduard Billaron at SPO1 Dante Sanchez. Medyo maingay ang dalawa at alam niyang wala sa kanila o sa kaso ang utak ng mga ito dahil kanina pa nila pinagdidiskitahan ang babae sa counter pero hindi siya magbabakasakali. Sa klase ng trabaho nila, kung saan namumutakti ang mga lalaki, kritikal ang lagay. Mahirap umani ng respeto.
Hindi naman na-offend si Alex. Natawa lang ito.
“Bakit ka nga pala natahimik kanina?”
Bumaba ang tingin ni Arriane sa mesa. Nag-isip ulit.
“Come-on. Share.”
“I'm just thinking...” kunot-noong inilapit niya ang mukha kay Alex. “This may sound ridiculous.”
“Whatever.”
“Did it never cross your mind na baka babae ang killer.”
Napabuka ng bibig si Alex. What can he say? He is thinking the same thing. Arriane proves to be really sharp.
“What made you think so?” tantya niya kay Arriane.
Umiling ito. “We keep on using 'he', 'his', 'him'...” she shrugged. “Parang unfair. Gender stereotyping. I-I mean, hindi naman porke killer lalaki agad. You get what I mean?”
Dahan-dahang lumayo ang mukha ni Alex sa kanya. He stared at her in full twenty seconds. “Coming from a woman, huh?”
#encouraging you po to leave your comments :) salamat!
<3 <3 <3 Like it? Please VOTE !

BINABASA MO ANG
Puting Anino
Misterio / SuspensoKill... Write... Send Sino si Puting Anino? [First Alex Gonzalez novel]